Kabanata 56

9.9K 281 57
                                    

Father

PURITA’S POV

Malapit na talaga akong mainis. Buti na lang at hindi ko ikagaganda iyon kaya naman pinigilan ko iyon. Pero paano ba naman kasi. Kanina pa ako naghihintay rito sa labas ng mall kay Dyuswa pero wala pa rin siya. Sa sobrang bored ko nga eh ay nabilang ko na ang labas-masok na tao sa mall. Pinipigilan ko na nga ang ibang pumasok kasi naman nakakaloka nang magbilang. You know how that feels?

Iyong feeling na  sabay-sabay pumasok ang mga tao kaya naman sabay-sabay ka ring nagbibilang sa utak mo? Nakakawindang to be honest mga pangit kong bes. Napabuntong-hininga na lang ako. Bakit ba kasi ang tagal-tagal ni Dyuswa? Mag-dadalawang oras na akong nag-aabang dito oh. Kulang na lang ay tubuan ako ng ugat dito, magka-sanga at saka mamunga. Nakakaloka! Ano kaya ang hitsura ko kapag naging puno ako?

Ang daming pumapasok sa utak ko. Pero isa lang ang sigurado ako. Isa akong magandang puno. Mas maganda pa sa puno ng gumamela!

Itinagilid ko ang aking ulo. Puno ba ang gumamela? Napasinghap ako. Enebe! May gumamela tree naman di ba? Like pine tree, narra tree, acacia tree. At saka ano ba! May Christmas tree nga eh. Pati holiday na pala pwede nang lagyan ng tree? So pwede rin palang gumawa ng New Year’s Tree, Labor Tree, Independence Tree at saka All Soul’s Tree? Bongga!

“Hi baby. Sorry to keep you waiting. May emergency lang,” humahangos na sabi ni Dyuswa.

“Okay lang. Sanay naman akong maghintay eh. Pero tandaan mo Dyuswa na tao lang ako. Napapagod din."

Bigla niya akong hinila palapit sa kanya at saka niyakap nang mahigpit. Naamoy ko na naman tuloy ang pabango niya. Nawala ako sa aking ulirat. Lumipad sa kataas-taasan, kagalang-galangang kalandian!

“Baby naman eh. I really am sorry,” malambing niyang sabi sa punong –tainga ko.

Sige pa Dyuswa. Ipagpatuloy mo lang ‘yan. At magpapatuloy lang ako sa pag-iinarte rito.

Kumalas siya sa pagkakayakap sa akin saka hinawakan ako sa magkabilang balikat. Deretso ang tingin niya sa aking mga mata. Kitang-kita ko sa kanyang mga mata kung gaano ako kaganda. Bakit ba kasi ang ganda-ganda ko talaga? Hindi ba ako pwedeng pumangit kahit one second lang?

Ilang sandali pa ay ngumiti siya sa akin na halos mawalan ng katinuan ang fallopian tube ko.

“Hindi mo ba mapapatawad ang baby mo?” nagpapa-cute niyang tanong sa akin.

Dilang-mother naman oh! How could I resist you?

“Nilalandi mo ba ako Dyuswa?” pagtataray ko sa kanya.

“If that’s what it takes for you to forgive me. Then I am,” sabi niya sabay kindat sa akin.

Wala na. Natanggal na ang Chinese garter ng panty ko. Kaasar! I just found myself smiling back at him. Ginagap niya ang kamay ko at pinagsalikop ang mga ito.

“No one can separate you from me, baby,” masigla niyang sabi sa akin habang naglalakad.

Papasok kami sa entrance ng mall nang hinarangan kami ng guard. Nagtataka pang tiningnan siiya ni Dyuswa.

“What?” tanong niya rito.

Tinuro ng guard ang Male saka Female na nakapatong sa pahabang mesa. I got it kaya naman lihim akong natawa.

“Pwede po kayong mag-holding hands ni Ma’am kapag po nakapasok na kayo sa loob. Pero sa ngayon po ay paghihiwalayin ko muna kayo,” magalang na sabi ng guard subalit nakangiti sa aming dalawa.

Dinig ko ang mabigat na pagbuntong-hininga ni Dyuswa ay bakas sa mukha niya ang panghihinayang nang bitawan niya ang kamay ko. Nang makapasok na kami sa loob ay ramdam ko pa rin ang panghihinayang niya. Ano bang problema niya?

When Dyuswa Meets PuritaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon