Part 9

22.3K 750 74
                                    

Humahangos si Eileen dahil nakita niyang pinasok sa isang sasakyan si Joshua. Hindi niya alam kung sino ang pupuntahan niya. Dederetso na ba siya sa police station? Pero ang layo naman nito mula dito. Kapagod kayang tumakbo.

Tamang-tama naman na nakita niya ang isang palabas na sa mall na lalaki. Ito yung lalaking nakabangga niya kanina. Ay bakla pala ito. Hindi lalaki . kaagad niya itong nilapitan.

"Tulungan mo ako," sabi niya.

Ngumiti ito na parang nang-aaaar. "Tutulungan? Tapos ano, magpapasalamat ka sakin? Hihingin mo number ko tapos magpapaligaw ka. Magiging tayo. Tapos ano? Iiwan din kita. Huwag na oy!"

"Eh?"

"Diyan ka na nga!"

"Hoy baklang gwapo! Tulungan mo nga ako!"

"Ayoko!"

"Kinidnap si Joshua!"

Napahinto ito sa paglalakad.

"What?"

"Wag ka ngang bingi. Kinidnap si Joshua ko! Kelangan na natin siyamg irescue! Baka patayin sya ng mga yun. Hindi ko pa nakikita si Big Bird!"

"Anong number?" Tanong nito.

"Ahm.. 09051952630."

"May plate number ba ng sasakyan na ganun?"

"Ay plate number? Hahaha. Kala ko number ko. Ahm..ano..DL16740."

###

Hindi makagalaw si Joshua dahil nkagapos ang mga kamay niya sa kanyang likod at may takip din ang bibig at mata niya. Naramdaman niyang may katabi siya. Sigurado siyang si Angel ito.

"Angel?! Ikaw ba yan??" He mumbled. Umingos lang din ito.

"Tumahimik kayong dalawa d'yan kung hindi masasaktan kayo!"

Narinig niyang humihikbi na si Angel.

"Shhhhh. Dont cry. Its going to be okay," ito ang sinabi niya. Pero di niya lang alam kung naiintindihan nya ang kbyang sinabi.

Sino kaya ang humahabol kay Angel? Sino itong kumidnap sa kanila at anong kailangan nila?

###

Huminto ang sasakyang dumukot kina Joshua. Naramdaman niya na bumukas ang pinto sa likuran ng van. Napaimpit si Angel nang kinuha ito. Ilang sandali naman ay siya ang kinuha.

Hindi niya alam kung nasaan sila at kung saan pa sila dadalhin ng mga kumidnap sa kanila. Kinakabahan siya hindi lang para sa sarili niya kundi kay Angel na rin. Pano na lang kung pagtripan ng mga ito si Angel? Hindi naman siya bida sa action star para makalusot sa mga ito eh.

Itinulak siya at napaupo sa sahig. Narinig pa niya ang tili ni Angel kahit nakatakip din ang bibig nito. Pinakiramdaman niya ang lugar. Medyo mainit at parang may ibang liwanag siyang naaninag sa nakatakip niyang mga mata. May apoy ba?

Gumalaw siya pakanan dahil nandoon si Angel. Naramdaman niya ang mga hakbang na palapit sa kanila. Tinanggal siya nito ng takip sa bibig.

"Sino ba kayo? Anong kailangan niyo sa amin!?" lakas loob niyang sigaw. Subalit tawa lang ang sagot ng mga ito.

Ginagap niya ang mukha ni Angel.

"Huwag kang matakot. Poprotektahan kita," sabi niya.

"Tanggalan na sila ng takip sa mga mata!" Utos ng isang lalaki. Lumapit sa kanila ang isang lalaki at tinanggalan siya ng piring sa mga mata. Nagpakurap-kurap siya ng mga mata para mag adjust ang paningin niya.

When Dyuswa Meets PuritaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon