Part 46

13.5K 402 49
                                    

WHEN DYUSWA MEETS PURITA

CHAPTER 46

PURITA'S POV

Buti na lang at hindi naman masyadong nagtanong pa si mommy sa nadatnan niya kanina. Huwew. Muntik na akong maloka. Ano ba kasing pumasok sa utak ko kanina na pinipilit hubadan si Dyuswa. Baka ano nang iniisip ni mommy sa akin. Ipinilig ko ang aking ulo. Parang ako naman yata ang nag-iisip ng mga walang kwentang bagay eh. Tinanggap naman ni Dyuswa ang binili kong brief dahil pinilit siya ni mommy na kunin na iyon.

"Buti nga at naalala ka pa ng ate mo." Ito 'yong sinabi sa kanya kanina ni mommy. Totoo naman eh. Hindi na nga ako bumili ng sarili kong panty para mabili ko lang ang pinuslit kong brief sa kanya.

Lumabas ako ng aking kuwarto dahil tutulungan ko si mommy sa pagluluto para sa pananghalian namin. Pina-day off din kasi ng grandlolo si yaya Ising eh. Kaya kami muna ang bahala sa buong bahay. Galit pa rin talaga sa akin si grandlolo dahil sa ginawa kaya naman ginagawa niya ito. Pero sorry na lang siya. Ako pa ba susuko? Wala sa bokabularyo ko 'yon ano. Hahayaan ko siyang magsawa sa kalokohan niya. Mahirap pala talaga kapag tumatanda na ang isang tao. Bumabata ang pag-iisip. Hihihi.

Saktong paglabas ko ng kwarto ay siya rin namang paglabas ni Dyuswa sa kanyang kwarto. Bago siyang ligo. Mabasa-basa pa kasi ang buhok niya. Saka naaamoy ko ang bango ng sabon niya.

"Anong gamit mong sabon?" tanong ko sa kanya.

Saglit pa siyang nag-isip sa tanong ko.

"Perla."

"Perla? Eh di ba gamit panglaba lang 'yon? niloloko mo ako eh," nakanguso kong sabi.

Naiiling na lang siyang nagsimulang maglakad. Kaagad ko naman siyang hinabol hanggang sa makaabot na kami sa hagdan.

"Di nga? Hindi naman ganyan ang amoy ng Perla eh. 'Yan kaya gamit ko dati noong maliit pa ako."

"Tumahimik ka nga. Ang ingay mo," saway niya sa akin.

"Bhe..."

Halos pandilatan niya ako ng mga mata sa sinabi ko. Kinipot ko naman ang aking mga labi. Ang hirap naman kasing agad tigilan ang isang bagay na nakasanayan mo eh. Ganyan naman talaga di ba. Hindi madaling kalimutan ang isang tao na palaging nasa tabi mo. Dahil hindi mo naman inakala na mawawala siya sa tabi mo eh.

"Sorry."

"Mag-ingat ka sa sasabihin mo sa bahay. Mahirap na kung may ibang makarinig. Mapapahamak tayo. Lalo ka na," babala niya sa akin.

"Oo na nga. Saan ka pupunta?"

"Bakit mo ba ako tinatanong?"

"Eh kasi nga ako ang magluluto ng pananghalian natin. Gusto ko matikman moa ng niluto ko. Specialty ko. Nilasing na sugpo!" malakas kong sabi.

"Ayoko ng sugpo."

"Ha? Bakit naman?"

"Kasi kamukha mo ang sugpo," sagot niya saka lumabas na ng bahay.

Gusto ko sana siyang habulin kaso tinawag na ako ni mommy. Nakakainis din talaga minsan ang lalaking iyon. May gana pang mang-asar. Di hamak naman na ako ang pinakamagandang sugpo sa balat ng dagat ano. Hmp. Buti na lang at mahal na mahal ko siya. Naku. Kung hindi, lalasunin ko talaga siya.

###

"Iha, gusto kong makita ang mga nagpalaki sa'yo. Para naman makapagpasalamat ako sa kanila ng personal."

Napatigil ako sa paghihiwa ng sibuyas sa sinabing iyon ni mommy.

"Eh kasi mommy, hindi pa sila handang magpakita sa inyo eh. Ayaw nga sana nila akong ibigay kay daddy. Mahal na mahal po talaga kasi nila ako eh. Kaya sobrang hirap po sa kanila ang nangyari," gusto kong umiyak para mas convincing ang pagsisinungaling ko pero badtrip naman 'tong mga mata ko eh. Ayaw mikapag-cooperate. Kaya naman inilapit ko ang aking mga mata sa hinihiwa kong sibuyas. Kaya ayon muntik na akong mapatili sa ginawa ko. Lumuha na tuloy mga mata ko. Nagkunwari na lang talaga akong umiiyak para hindi na magtanong pa si mommy.

When Dyuswa Meets PuritaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon