Sumisikip ang aking dibdib. Bakit ganito? Hindi ganito ang gusto kong mangyari. Pinunasan ko ang aking mga luha habang may dina-dial na numero sa phone.
"Hello?" anang babae sa kabilang linya.
"Gaga ka Eileen! Ayusin mo 'yong ending. Sabi ko sa'yo happy ending, hindi ba? Anyare? Ba't nagkagano'n?" sunod-sunod kong singhal sa kanya.
Narinig ko ang malakas niyang pagtawa. Naririndi ako. Ang sarap niyang tanggalan ng ngala-ngala. Kaloka. Patuloy pa rin sa pagpatak ng aking mga luha. Nawindang ang fallopian tube ko sa nabasa. Hindi ko kinaya.
"Eh hindi ba iyan naman ang gusto mo? Ang hindi na kayo magkatuluyan ni Joshua? So there you have it. Dead na siya. Wala ng Joshua sa buhay mo. Iyon ang ikasisiya mo di ba? Kaya iyon ang naisip kong happy ending, " paliwanag niya.
"Eh bakit kailangang may mamatay? Bakit kailangan mo siyang patayin? Mamamatay-tao kang babae ka!"
"Well, that's the power of the writer. Magagawa namin ang lahat ng gusto naming ipagawa sa characters ng story. We can kill them anytime, we can make them suffer. Anything. Kaya sorry ka na lang."
"Nakakainis ka. Baguhin mo. Baguhin mo!"
"Bakit? Nagsisisi ka na ba na namatay si Joshua sa story ko?"
Saglit akong natahimik. Oo at galit ako sa kanya. Sinaktan niya ako pero ni hindi naman kasi pumasok sa utak kong sinliit ng alikabok na patayin siya.
"And besides, some of the scenes there are true. Based on experience," dugtong nito.
"Ah basta. I don't like it. Happy ending ang gusto ko. Hindi tragic ending!"
"Bakit ka umaasa sa happy ending ng isang kuwento when you can have it in real life?"
Ang tanong niyang iyon ang nagpatahimik sa kabuuan ko. Iba rin talaga ang lumalabas sa dila ng babaeng ito eh.
"Oh siya sige. May press conference na muna kami. See you later."
"Teka..."
Biglang naputol ang linya. Bastos na babaeng 'yon ah. Ilang araw na rin ang lumipas. Wala na akong balitang narinig tungkol kay Dyuswa o sa nanay ko. Maging sa bahay ay tahimik sila. Hindi ko alam kung alam ba nila ang nangyari o wala nagpapanggap lang silang walang alam.
After nang nangyari ay nakaramdam ako ng guilt sa mga sinabi ko. Pareho ko silang nasaktan. Pero nangyari na ang nangyari. Galit ako ng mga sandaling iyon at hindi ko mapigilan ang sabihin ang totoo kong nararamdaman. Alam kong nakasakit ako pero medyo gumaan ang pakiramdam ko pagkatapos no'n. Masama ba 'yon?
Pagkatapos ng klase ko ay tinawag ako ni Yiswa kaya naiwan na naman ako. Hindi gaya ng dati, hindi na masyadong maganda ang mood niya. Baka may regla?
"Can we talk?" tanong niya.
"Oo naman. Anong sa' tin? Parang problemado ka yata ah, " sabi ko sa pinasayang tono.
He heaved a sigh. Napakamot siya sa kanyang noo at umikot sa kanyang mesa para maupo roon.
"May problema nga ako," sagot niya.
Umayos naman ako sa pagkakaupo sa upuang malapit sa upuan niya. "Ano 'yon?"
"About my mom."
Sandali akong natigilan. Naalala ko naman kasi ang unang pagkikita namin ng nanay ko. Hindi ko inaasahan iyon. Hindi pa ako handang harapin siya dahil sa pang-iiwan niya sa akin. Kaya naman hindi ko alam kung papano siya harapin at kausapin noon.
BINABASA MO ANG
When Dyuswa Meets Purita
HumorDear Dyuswa, Lagi na lang ganito. Ilang beses na ba kitang pinatawad sa paulit-ulit mong kasalanan ha? Pinatawad kita dahil sa pagmamahal ko sayo. Bat diz tym, I wheel giv up on us. I giv you ol my love. God knows where whore teeth. PS. Meet me sa h...