Kabanata 14-

10.5K 355 85
                                    

Hindi ako masyadong nakatulog kagabi.  Bwisit na Luke naman kasing iyon. Ang tindi gumawa ng joke. Liligawan niya raw ako. Alam kong maganda ako pero...bakit ako?

Napakaraming magandang babae rin d'yan na kahit hindi kasing-ganda ko eh kasing-yaman niya naman at may magandang trabaho. Hindi ko ikinakahiya 'yong trabaho ko ha. Pero basta, gano'n 'yon.

Hindi ako nakasagot sa kanyang sinabi hanggang sa nagpaalam na lang siya sa akin. Hindi ko naman kasi in-expect na gano'n ang mangyayari eh. Oo, gwapo rin si Luke pero sadyang wala pa ako sa mood ngayon na pumasok sa isang relasyon.

Tinatamad akong lumabas ng kuwarto ko at tumungo ng kusina para magtimpla ng gatas. Ay ina mo talaga! Wala na akong stock!

Dali-dali akong nagpalit ng damit sa kuwarto. Bibili muna ako sa malapit na convenient store dito.

Pagkalabas ko ng bahay ay may huminto namang sasakyan sa tapat ng gate. Parang pamilyar ng sasakyang ito ah. Kay Flower ba ito? Este, Florentino pala.

Na-kumpirma ang aking speculation nang lumabas ang mala-Edward Cullen sa kotseng iyon. Baklang bampira. Chos.

Ano ba Purita. Lalaki kaya si Florentino. Ang bakla ay si Flower. Ang matagal mo ng bestfriend na namatay na pala at hindi mo man lang nalaman.

"Hi!" masaya niyang bati.

"Anong ginagawa mo rito?"

"Grabe ka naman. Syempre binibisita ang bestfriend ko. Masama ba iyon?" nagtatampong tanong niya.

Kaagad ko naman siyang nilapit saka hinawakan sa braso.

"Ikaw naman. Sorry na. Nagulat lang ako. Hindi ka man lang kasi nagpaalam na pupunta ka rito. Saka pano mo nalaman ang address ng bahay ko? Stalker ka ano? Paparazzi?"

"Purita, ang OA mo pa rin hanggang ngayon," natatawa niyang sabi.

"Eh ikaw nga bak...."

"I'm not gay," maagap niyang sabi.

"Hahahaha. Ay oo nga pala."

"Free ka ngayon? Masyal tayong dalawa."

Saglit  akong nag-isip. Parang wala naman yata akong gagawin ngayon eh. Hindi naman nag-text sa akin si Dyuswa na pupunta ako ng office niya.

"Saan naman tayo mamasyal?"

"So is that a yes?"

"Gusto mo bawiin ko? Baklang ito."

"Haha. So, Tara na?"

Bahagya akong lumayo sa kanya saka siya hinarap.

"Okay ka lang? Mamasyal tayo na ganito ang get up ko?" halos mag-falsetto na ako sa tanong kong iyon.

"So what? Maganda ka naman kahit anong suotin mo eh."

"Eeeeh! Weg ke ngeng genyen!" sabi ko at marahan siyang hinampas sa balikat.

"Syempre joke lang 'yon! Asa ka naman. Magbihis ka na nga. Kadiri ka," natatawa niyang sabi.

"Ka-jirits ka. D'yan ka na nga!" sabi ko at padabog na pumasok sa gate.

Sumunod naman siya sa akin sa pagpasok.

"Aww! Aww!"

Hay. Heto na naman tayo sa malandi kong aso. Papansin talaga ito kapag may bisita akong gwapo. Talandi!

"Hi there! I'm Florentino. Ang cute-cute mo namang aso," sabi niya nang makalapit sa bird house ni Bhebhe Qoh.

"Aww. Aww. Awww," malanding tahol ng aso ko.

When Dyuswa Meets PuritaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon