Part 20

16.4K 563 14
                                    

###

"Hoy baklaaaaaaa!!!" masayang tili ni Purita sa corridor nang makita si Florentino. Masang lumapit ito sa kanya.

"Bakla! Anyare sayo?? Bakit ngayon ka lang lumitaw ulit? Akala ko kinain ka na ng lupa eh "

"Eto naman. Busy lang sa bahay," pagdadahilan niya.

"Asus. Eh kamusta naman ang first day ng tutorial session mo?"

"Ayun. Boring. Pero natututo naman ako kahit papano," natatawang sagot niya habang palabas na sila ng gate.

"Naku pagbutihan mo 'yan. Sayang din ang full scholarship sa college ano," turan nito.

"Okay sana kung si bhebhe ko ang naging tutor ko. Siguradong ako ang magta-top sa evaluation."

"Ay ambisyosa ka talaga."

"Eh? Diba sabi mo mag aral lang ako nang mabuti para ako ang mag.top sa exam?"

"Sinabi ko lang yon para ganahan kang mag-aral."

"Grabe ka bakla. Walang kang trust sa bessy mo," nakanguso niyang sagot.

"Huwag ka ngang ngumuso diyan. Para kang pwet ng bibe."

"Tse. Maganda naman!"

Nagtatawanan pa sila nang makita nila si Joshua at Eileen sa labas. Walang pag-aalinlangang sinugod sila ni Purita.

"Hello bhe! Na-miss mo ako di ba? Tara," sabi niya sabay sukbit ng kamay sa braso ni Joshua.

"Hoy wag kang mang-agaw ng ka-date!" sigaw ni Eileen.

"Sinong ka-date? Hindi nakikipag-date sa iba ang bhebhe ko! Lalo na sa isang tulad mo na mukhang rhinoceros!" ganti ni Purita

"Woah! Big word. Sige nga, spell mo 'yan," hamon ni Eileen sa kanya.

Sagliy siyang nag-isip. "Oh sige! Butiki na lang. Mukha kang butiki!"

"You are so capital B-O-B-O!"

"Hoy alam ko yun ha?"

Kinuha naman ni Eileen ang isang kamay ni Joshua at hinila ito.

"Hali ka na nga Josh. Magre-review pa tayo di ba?"

"No Dyuswa! Bhe! Magsalita ka naman. Hindi ba bumabaliktad ang sikmura sa mukha niya??"

"Kahit anong gawin mo, sa akin na si Joshua! Hindi mo siguro alam na kulay blue ang gusto niyang ballpen ano??" nang-iinggit nitong sabi sa kanya. Napabuga siya ng hangin.

"Bakit? Alam mo ba kung may abs o wala si Dyuswa? Hindi. Alam mo ba kung anong brand ng brief niya?" malakas na sabi niya.

Gulat na napatingin sa kanya si Joshua kaya naman ngumisi siya dito at nag-peace sign.

"Anong sabi mo?" tigagal na tanong ni Eileen.

"Hindi mo alam ang brand ng brief niya kaya huwag kang umasta na alam mo ang lahat sa kanya. Kung ikaw naka first base na sa kanya, ako naman naka-homebase na. Dahil, dinala niya ako sa bahay niya," proud na proud niyang sabi.

"Josh, it's a lie isn't it?" tanong nito kay Joshua na umaasang nagsisinungaling nga lang si Purita.

Napabuntong-hininga na lang si Joshua at tinanggal ang mga kamay nila sa kanya at humakbang palayo. Napaisip siya. Sa kanya ba talaga ang brief na hinoldap kay Purita? Sa kanya at hindi sa pinsan niyang si Bhon?

###

Purita's POV

Sinenyasan ko si Flower na pigilan niya si Eileen dahil susundan ko si bhebhe ko. Kaagad naman itong tumalima at hinawakan si Eileen.

"Anong ginagawa mo? Bitawan mo nga ako!" nagpupumiglas nitong sigaw kay Flower.

"See you tomorroy guys. Hahabulin ko pa ang puso ko eh," nakangiti kong sabi sa kanila saka kumaripas ng takbo.

"Dyuswa! Bhe!" sigaw ko sa kanya. Dere-deretso pa rin siya sa paglakad.

"Bhe! Saan ka pupunta? Mag-usap naman tayo."

"Go away Purita," sagot niya na hindi man lang lumingon.

"Ayoko. Hahabulin at hahabulin pa rin kita kahit saan ka pumunta," sagot ko.

Huminto siya sa paglalakad kaya huminto rin ako. Ilang saglit pa ay humarap siy sa akin.

"Ano nga ba talagang kailangan mo sa akin?" tanong niya.

"Ikaw. Ikaw ang kailangan ko."

"You know why I can't shout at you?"

"Dahil mahal mo ako?" nakangiti kong sagot sa kanya.

Umiling siya sa narinig. Hmp.

"Dahil babae ka. Inis na inis na ako sayo dahil ganyan ka. Sa mga pinanggagawa mo. Halos isabit kita sa basketball ring sa sobrang inis ko sayo."

"Pero di mo ginawa. Dahil naniniwala ako na merong parte d'yan sa puso mo na may gusto ka rin sa akin."

"Gusto ko lang linawin sayo 'to. Minsan na-a-amaze ako sa kapilyahan mo. Pero hanggang dun lang yon. Hindi kita gusto. At hindi kita magugustuhan."

Saglit akong natahimik sa sinabi niya. Napatingin ako sa langit. Parang uulan pa yata ah. May bagyo ba? Hmmm..Wala naman siguro. Tiningnan ko siya ulit.

"You understand me?" tanong niya.

"Hindi. Ano ba kasing ayaw mo sakin?"

"Honestly ayaw ko sa mga taong patanga-tanga at humahabol sa isang lalaki. Hindi mapagkakatiwalaan ang mga ganung klaseng babae."

"Ang harsh mo naman bhe. Ikaw lang naman ang hinahabol ko eh. Kasi nga gusto kita. Super. Cross my heart. Sarado kandado, tapon susi. Ganun."

Napabuntong-hininga siya. Ilang sandali pa ay nagsimula nang kumidlat at kumulog. Uulan nga yata ngayon.

"Saka hindi ako tanga ah. Bobo lang. Magkaiba nman yun eh."

"Kung hindi ka bobo, hindi ka magiging tanga. Parehas lang yun."

"Okay. Tanga na ako at bobo. Pero papatunayan ko yan sayo once na mag-top ako sa evaluation."

"Sigurado ka sa sinasabi mo?"

"Oo naman. At kapag nangyari yun, i-aacknowledge mo na hindi ako tanga, bobo lang. Saka magiging tayo na."

"You sure about that?" hindi niya makapaniwalang tanong.

"Oo naman. Makikita mo. Makikita ng Eileen na yun kung sino abg totoonv si Purita."

"Huwag ka nang mag aksaya ng oras mo. Dont dream na ikaw ang magta-top sa evaluation. Dahil wala ka pa sa kalingkingan ni Eileen," sabi niya saka nagsimulang maglakad.

"Huh! Tignan lang natin. Makikita niyo!" sagot ko habang habol-habol siya. Makalipas ang ilang sandali ay nagsimula nang bumagsak ang ulan. Napangiti ako. Tumingala ako at masayang niyakap ang aking sarili.

"What are you doing? Sumilong ka na," sabi ni Dyuswa na nakasilong sa waiting shed.

"Bhe? Batiin mo ako."

"What?"

"Birthday ko ngayon eh. Batiin mo naman ako," masaya kong sabi habang nalatingala pa rin at sinasalubong ang bawat patak ng ulan.

"Siguradong birthday mo ngayon?" nagdududang tanong sa akin ni Dyuswa.

When Dyuswa Meets PuritaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon