Part 18

15.8K 583 15
                                    

***

"Yes! Yes! Yes!!!" masiglang bulalas ni Eileen habang nasa classroom nila.

"Oh ba't parang nanalo ka d'yan sa lotto?" nagtatakang tanong ni Ginny sa kanya.

"Nawawala si Purita."

"Nawawala? Saan nagpunta?"

"Tanga ka ba? Nawawala nga di ba. Malamang walang nakakaalam kung saan siya pumunta."

"Tuwang tuwa ka na niyan? Dahil nawala ang pinsan mo?"

"Oo. Dahil wala nang eepal sa amin ni Joshua. At wala na siyang choice kundi maging tutor ko," masaya niyang sagot.

"Alam mo, nagtataka lang ako no. Anong nangyari at bakit naging mahigpit kayong magkaaway?"

"Mahabang kwento."

"Wala akong pakialam. Bored ako kaya magkwento ka na."

"Dahil sa aso."

"Sa aso?"

"Bingi lang te? Gagawin mo pa akong sirang plaka."

"Bakit? Anong meron sa aso?"

###

"Oh pare? Wala pa rin bang balita kay Purita?" tanong ni Mario kay Joshua.

"No."

"Eh di ba hinatid mo siya sa kanila? Alam mo yung address nila. Bakit di mo puntahan?"

"Para ano? Why should I? Hindi ko naman siya kaano-ano. And I am sure na okay lang naman siya sa bahay nila. Wala pa rin naman akong naririmig na balita na may isang babaeng ginahasa o pinatay."

"Sabagay. Maiba tayo tol. Mamaya na ang deadline ng pasahan sa principal's office tungkol sa Tutorial ah. May nakuha ka na ba?"

"Wala pa nga eh."

"Hello Joshua! Heto na ang letter of agreement natin. Pumirma ka na lang d'yan at ako na ang magsa-submit sa PO," pakindat na sabi ni Eileen na sumulpoy lang out of nowhere.

"Eileen, ako na lang ang..."

"Hep! Wizpyok Mariong Pilandok. Im not talking to you," putol nito sa sasabihin ni Mario.

Napabuntong-hininga na lang si Joshua. Wala na siyang choice kundi ito na lang ang kunin. Actually marami na ring nag offer sa kanya na ibang juniors nila but he refused. Indecisive lang siya at that time. At ngayong last day na ng submission, wala na siyang choice pa. After all, he believes na matalino naman ang Eileen na ito.

Wala sa loob niyang hinablot ang papel kay Eileen at pinirmahan iyon. Napatili naman ito sa ginawa niya.

"Thank you Joshua. Dont worry. Tayo ang magta-top one sa evaluation. So see you on Monday?" kinnikikig nitong sabi.

Mahina siyabg tumango at tumingin sa ibang direksiyon.

"Perfect. I have to go. Bye na. See you around," sabi nito at kumaripas nang takbo.

"Traidor ka!" inis na sabi ni Mario sa kanya.

"What??"

"Sabi kong ako ang magtu-tutor kay Eileen eh!"

Nagulat siya sa sinabi nito. Honestly nakalimutan niya talaga ang pabor ni Mario. He's not on his right mind ngayon.

"Im sorry."

####
Napahinto sa tapat ng gate nila si Bhon nang makitang pawisan si Joshua na naglalakad pauwi sa kanilang bahay. Nilapitan niya ito.

"Hindi ka sinundo?" tanong niya.

"Pinauna ko na siya dito eh."

"Ba't pawis na pawis ka?"

"Naglaro kasi kami ng basketball," nakangiti nitong sagot.

"I see. Kamusta si Ayissha Kyleigh?"

"Sino?" nagtataka nitong balik tanong sa kanya.

"Si Ayissha Kyleigh. Ang girlfriend mo."

"Si Purita?"

"Yeah. How is she?"

"Di ko alam. Absent na siya for five days."

"What? Bakit? Is she sick?" Nag.aalalang tanong niya.

"I dont even know. I couldn't reach her dahil wala naman siyang phone."

"Woah. You should buy her one."

"Sige Bhon. Pasok na ako. I have to change."

"Alright. Take care of Ayissha Kyleigh pinsan. She's one of a kind, I told you."

Pilit itong tumango sa kanyaa. Itinaas muna niya ang damit niya para punasan ang mukha. Kanina pa kasdi suya nagja-jogging. Ilang saglit pa ay nagpaalamm na siya sa kanyang pinsan.

###
Napakunot-noo si Joshua nang makita ang brand ng brief ni Bhon nang tumalikod ito sa kamya. Calvin Klein. So kay Bhon nga ang brief na dala dala ni Purita. That girl, really. Tsk.

***

Lunes kinaumagahan...

Unang araw ng Tutorial Session. May nakalaang isang class period kung saan pwede nang simulan ang pagtu-tutor ng senior sa kanyang junior. This Tutorial session was created to improve both the learning and teaching skills of the students. And of course, to develop camaraderies. Bale isang period sa umaga at isang period naman sa hapon. Bahala na ang magkakapareha kung anong period ang kanilang pipiliin. They only havr two hours per period per subject. Bahala na sila on how to maximize their time. This Tutorial session is good for two months. And at the end of the session, merong evaluation for the juniors. It's a written examination to assess about their class standings. Kung ano ang kanilang natutunan. At kung sino man ang mag-top sa evaluation, the pair will have a full scholarship sa university na accredited ng school nila. And of course to be fair sa mga regular juniors, special class cannot participate in the said session.

Masayang tinungo ni Eileen ang classroom nila Joshua. She decided to take the afternoon session. Kelangan niyang ipaalam iyon kay Joshua.

"Hey Joshua!" tawag niya dito na kasalukiyang nakikipag usap sa mga kaklase nito. Wala pa rin kasi naman ang teacher nila. Napakamot ito ng ulo na lumapit sa kanya.

"What?"

"We'll take the afternoon session ha?"

"Sure."

"Excited ka na ba?" nakangiting tanong niya.

"Sobra," pasarkastiko nitong sagot.

"Good. So anong plano mo? Anong subject ang una nating ita-tackle?"

Napakamot ito ng noo. "Haven't decided yet. Bahala na mamaya."

"Sige. So see you around," akma na sana siyang aalis nang may naalala.
"By the way , thanks for the perfume," ito lang at sumibad na siya palayo.

####
Puzzled si Joshua sa sinabi ni Eileen. Anong pefume ang pinagsasabi nito? Pabalik na siya sa umpukan ng mga kaklase niya nang pumasok din si Mario. Hindi pa siya nito pinapansin since pinirmahan niya ang letter of agreement. Kaya nagulat siya nang ngitian siya nito.

"Masaya ka yata ah?" tanong niya.

"Life is too short to be sad pare."

"Really."

"Yeah," sagot nito at umupo na.

"So, may kumuha na ba sayong maging tutor?"

"Yep."

"Sino?"

"Si Ayissha Kyleigh Sandoval," proud nitong sagot.

"You mean..si Purita?"

"Yes. Siya mismo. Mas maganda pa kay Eileen," nang-iinggit nitong sabi.

"She's here???"

When Dyuswa Meets PuritaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon