Part 13

18K 621 33
                                    

Purita's POV

Padabog akong pinaupo ni Dyuswa sa kama. Kahit malambot ang kama pero masakit pa rin yun ah. Ano bang problema niya? Hmp.

Lumuhod siya sa harapan ko. Halaaaaa. Magpopropose na ba siya? Gosh. I'm cannot prepared. Hihi. Pero keri na. Basta maganda ka, wala kang dapat na ikaproblema.

Kinuha niya ang paa ko. Syempre joke lang. Hindi na ako nun makakalakad kung kinuha niya ano. Tiningnan niya ang mga paa ko saka napailing. Napapangitan ba siya sa kuko ko? Kaya naman tiningnan ko din yun at nagulat sa nakita. Dumudugo ang mga paa ko. Huhuhu. At ngayon lang ako nakaramdam ng sakit. Tatayo na sana ako para linisin iyon nang pinigilan niya ako.

"Stay here," sabi niya saka lumabas ng room. Ilang sandali pa ay bumalik ito at may bitbit na isang malaking manicure set. Hala. Bakit yun ang dala niya?

"Manicure set ba yan?"

"Stupid," mahinang sabi niya.

"Eh ano ngang tawag d'yan?"

"First aid kit. Haven't seen this before?"

"Aaah. First aid kit," ulit ko.

Ilang sandali pa ay nilinis na niya ang sugat ko saka inaplayan iyon ng mga gamot na di naman pamilyar sakin. Pinagmamaadan ko ang Dyuswa ko. Kahit saang anggulo talaga ito tignan ang gwapo pa din. Kaya naman love na love ko 'to eh. Hihi. Para akong pinapasukan ng maraming boltahe sa katawan kapag dumadampi ang balat niya sa akin. Alam niyo yun. Kaya naman hindi ko napigilan ang sarili kong hawakan ang ulo niya. Tumingala siya sa akin with this kind of look na matutunaw ka talaga.

"Gusto mo bang mamatay?"

"Ha?"

Napabuntong hininga siya saka binalik na ang mga gamit sa box.

"I hate someone touching my head. So back off."

Napaismid ako saka mas lalo pang ginulo ang buhok niya. Nagulat ako nang mabilis niyang hinawakan ang mga kamay ko kaya naman nagkatinginan kaming dalawa. Ito yung perstaym na magkatinginan kami ng zoom in 100% talaga. Shempung mga fetus! Ang pula ng mga labi niya. Mas mapula pa sa bibig ko. Kumikibot ang mga labi niya. Ano ba 'yan. Naeengganyo akong halikan siya. Hahalikan ko na sana siya nanh may kumatok sa pinta. Sinturon ni Hudas naman oh! Sinong panirang tandang kaya ang umepal sa eksena namin?

Kaagad na napatayo si Dyuswa ko bitbit ang kit. Hay. Sayang na sayang talaga. Napahinto muna siya sa tapat ng pinto at nagsalita na hindi nakatingin sa akin.

"Matulog ka na at haharapin mo ang parusa mo bukas," sabi niya at umalis.

Halaaaa. Parusa?? Hmmm. Im so excited na talaga! Hihihi

.

Muling tumunog ang tiyan ko. Ay oo nga pala. Kanina pa pala ako gutom. Ewan ko ba. Kapag kasama ko si Dyuswa hindi ako nakakaramdam ng gutom. Pano ba naman kasi, mukha niya ulam na. Hihi. Ay ang landi ko na. Hahaha.

Honestly, hindi naman talaga ako lasing eh. Naglalasing lasingan lang ako para mapansin niya ako. At hindi naman talaga ako nabigo. Effective ang ginawa ko. Imagine, dinala pa niya ako dito sa bahay nila.

Tumayo ako sa kama at paika-ikang lumapit sa pinto. Tama naman nang pagbukas ko ay nakita ko ang nakangiting mukha ni Bhon na may dalang isang tray ng pagkain. Hala. Paano niya nalaman na dito ako at gutom? Hmmmm. Bey siguro ako nitong Bhon na'to? Hihihi.

"Hi Ayissha Kyleigh," bati niya. Mehgesh. Ang sexy ng boses niya. Waaaah.

"H-hi." Shet pinakbet! Bakit ba ako nauutal palagi sa lalaking ito?

"Dinalhan kita ng pagkain. Thought you haven't eaten dinner yet."

"Wow. Nag.abala ka pa talaga. Thank you."

"No problem. Can I come in?"

"Y-yeah. Sure," sagot ko at binuksan ng maluwang ang pinto. Pumasok siya sa loob at sumunod ako sa kanya. Nilagay niya ang tray sa bedside table. Akala ko ay lalabas na siya pero umupo lang ito sa kama.

"Eat," utos niya sa akin.

Sumunod naman ako at kumain.

"Mmm. Ang sarap naman nito," bulalas ko.

"First time mong kumain ng ganyan?"

"Hindi naman. Pero sosyal lang ang pagluto nito kaya masarap talaga siya."

"Mga sikat na chef kasi ang nagluto niyan."

"Ah. Kaya pala. Pero bakit nandito ka sa bahay ng Dyuswa ko? Dito ka rim ba nakatira? Kasi wala naman ang pangalan mo dun sa mga utensils nila sa baba eh."

"No. I dont live here. Joshua is my first cousin. And birthday ngayon ni tita Hannah kaya may party sa likod ng bahay."

"May party??" gulat kong tanong sa kanya.

"Yeah."

"Eh bakit nandito ka?"

"Nakakasawa na rin kasi dun. I need to breath some fresh air," nakanguti niyang sagot.

"Bakit may fresh air ba dito sa loob? Parang aircon lang kasi dito eh."

"You're really an innocent girl."

"Oy hindi ah. Magkaiba ang inosente sa bobo."

Malakas siyang tumawa sa simabi ko.

"Bakit bobo ka ba?"

"Consistent section 10 lang naman ako sa school namin from first year hanggang ngayong third year."

"Wow. That's amazing!"

"Eh?"

"Hindi lahat kayang maging consistent sa isang bagay. Wow Ayissha Kyleigh. That's a pure talent," mangha niyang sabi.

"Hindi ko alam kung inaasar mo ako o ano. Pero salamat na din," nakangitk kong sabi.

"Youre welcome. So tell me, pano kayo nagkakilala ng pinsan ko?"

####

Tawa nang tawa si Bhon sa mga ikinuwento ni Purita sa kanya. Sinasabi nito na isang kalandian ang ginagawa nito sa pinsan niya. But for him, kapilyahan lang ito. And he found it amusing.

"Bhon, hinahanap ka na nina tita sa baba," sabi ni Joshua na bigla na lang sumulpot sa pintuan. Nakabukas lang kasi itp kanina. Kaagad namang tumayo si Bhon.

"Thanks for the talk. I enjoyed it. Til we meet again?" nakangiti niyang sabi kay Purita.

"S-sure."

"Alright. I have to go. Enjoy your dinner," sabi niya saka lumabas na ng silid.

Kaagad namang pumasok sa loob si Joshua at lumapit kay Purita.

"Bhe, kain tayo."

Napabuga siya ng hangin saka dali daling kinuha ang food tray.

"Hoy san mo dadalhin yan? Di pa ako tapos eh."

"Tss. Sa lahat ng kalokohan na ginawa mo dapat ka pa bang kumain ngayon?" inis niyang tanong..

"Ah..eh..."

"Matulog ka na dahil may gagawin ka pa ba bukas," sabi niya saka umalis na ng silid.

"Hoy! Atleast painumin mo muna ako ng tubig ano???" pahabol nitong sigaw.

When Dyuswa Meets PuritaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon