Kabanata 24

10.7K 375 166
                                    

Para akong binuhusan ng malamig na malamig na yelo. Kaagad akong kumalas sa pagkakayakap kay Dyuswa nang marinig ang boses nina Luke at Michelle. Pakiramdam ko ay may ginawa akong kasalanan. Yakap lang naman 'yon di ba? Saka ginawa ko lang naman 'yon dahil sa masaya ako. Iyon lang.

Okay. Right Purita. You haven't done something wrong. Wag kag paranoid. Hinarap ko sila nang nakangiti. Hawak-hawak ko pa rin ang brief na binili ko na nakalagay sa shopping bag ng Q Super Mall.

"Luke. Michelle," sabi ko.

Seryosong nakatingin sa akin si Luke kaya medyo kinabahan ako. Ngayon lang kasi siya tumingin sa akin ng gano'n.

"A-anong ginagawa niyo rito?" tanong ni Michelle kay Dyuswa.

"May binili lang," simpleng sagot ni Dyuswa.

"Ah gano'n ba? Akala ko nagdi-date na kayo eh," pabirong sabi ni Michelle at napatingin sa akin.

"Nako wala ah. Ano ka ba Michelle," natatawa kong sabi.

"Bakit nga pala kayo magkasamang dalawa?" tanong naman ni Dyuswa sa kanila.

Lumapit si Michelle kay Dyuswa at ikinawit ang kamay nito sa braso niya.

"Nagpasama lang ako kay Luke kasi hindi ko dala ang sasakyan ko. I'm trying to contact you pero out of reach ka."

"Sorry. Na-lowbat ako nang papunta ako rito."

"Okay lang 'yon. At least dito ka rin pala pumunta. Pwede mo ba akong samahan hon?" nanlalambing na tanong nito.

"Where?"

"Sa Botique Haus. May titignan lang. May newly-arrived dress daw sila ngayon eh."

Nakita ko ang pagdadalawang-isip sa mukha ni Dyuswa. Ngumiti ako sa kanya. I guess it's not the right time para pumunta sa condo niya at kumain. Mas mainam na nga siguro ang gano'n.

"Sure," sa wakas ay sabi niya at binigyan pa ako ng isang malungkot na tingin.

Baka he felt sorry dahil di natuloy ang plano. Honestly, okay lang naman talaga.

"Sama na kami sa inyo ni Purita," saad ni Luke

"Ah eh..." nag-aalangan kong sabi.

I think it's not a good idea na magsama na naman kaming apat ngayon. May mga weird kasing nangyayari kapag magkasami kami eh. Baka mangyari ulit iyon.

"Sama ka na Ayissha!" yaya naman ni Michelle.

Napabuntong-hininga muna ako at kalaunan ay pumayag na rin. So sabay kaming apat na pumasok sa loob ng mall.

Naunang maglakad sina Michelle at Dyuswa. Ginagap pa ni Michelle ang kamay ni Dyuswa para magka-holding hands sila habang naglalakad.

Napapitlag ako nang hinawakan din ni Luke ang kamay ko. Nagtataka ko siyang tiningnan. Ngumiti lang siya sa akin at inginuso ang dalawa sa harapan na magkahawak-kamay.

Hindi na ako umapela dahil ayoko rin namang mapahiya si Luke. Andami kayang nakatingin sa amin. Ikaw ba naman ang may kasamang dalawang napaka-gwapong lalaki ay hindi ka pagtitinginan ng mga tao? Kaloka it is!

Nang pumasok kami sa Botique Haus ay nagkahiwalay na sina Dyuswa at Michelle. Nakabuntot lang sa akin si Luke at nakahawak pa rin sa kamay ko.

Nang umangat ako ng tingin ay nakita ko si Dyuswa na nakatingin sa nakasalikop na mga kamay namin ni Luke. Nagbawi siya ng tingin at ngumuso.

"Hey, try this one," sabi ni Luke at kinuha ang isang damit na naka-hang.

Sa waka ay binitawan niya na rin ang kamay ko.

When Dyuswa Meets PuritaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon