Kabanata 58

8.4K 316 33
                                    

Lagpok

"Hindi ba at hindi mo na ako mahal? Hindi ba?!" mangiyak-ngiyak kong sumbat sa kanya.

His eyebrows furrowed.  Oo na.  Kahit ikinaganda ko ang furrowed na 'yan ay hindi ko muna iyan iisipin sa ngayon!

"What are you talking about?"

Napabuga ako ng apoy.  Char. Hay. Hangin pala. Seryoso akong tumingin sa kanya. 

"What am I talking about? Seryoso ka sa tanong mo?" I asked in disbelief.

"Alam mong seryoso ako sa ganitong bagay Purita! So please,  take me seriously!" ma-awtoridad niyang sabi sa akin. 

"Noong nanood tayo ng sine...may tumawag sa'yo.  Sinundan kita.  N-narinig...narinig ko ang pinag-usapan niyo, " nanginginig ang labi kong sabi. 

Hinimas niya ang kanyang noo saka nagpakawala ng isang malalim na buntong-hininga.

" At narinig kong sinabi mo na I don't love her.  Alam mo ba kung gaano kasakit na marinig iyon galing sa taong akala mo ay mahal na mahal ka?"

Umihip ang malakas na hangin kaya naman malaya nitong nililipad-lipad ang aking buhok.  Bahagyang kumirot ang tiyan ko sa hindi maipaliwanag na dahilan. 

"Damn.  It's a misunderstanding."

"Misunderstanding-in mong puwet mo! Pakers ka Dyuswa Parker Raymundo!  Manloloko ka!"

"Look.  Let me explain baby..."

Sinubukan niyang lumapit sa akin kaya naman humakbang ako paatras.  Patuloy pa rin siya sa paglapit sa akin kaya itinaas ko ang aking dalawang kamay.

"Subukan mong lumapit Dyuswa.  Magsisisi ka talaga!"

"You're my sweetest regret Purita.  I don't give a damn care sa pagsisisi na 'yan."

Hindi na ako nakaatras pa dahil wala na akong aatrasan.  Not unless kung magpapasagasa ako sa mga humaharurot na sasakyan. 

Saglit pa siyang ngumiti saka tuluyan nang lumapit sa akin.  Ilang sandali pa ay tiningnan niya ako sa aking mga mata at kumunot ang kanyang ilong.  Napabuntong-hininga ako saka yumuko.

***

PURITA'S POV

Kaagad kong dinaluhan si Craig na ngayon ay puro bangas ang mukha. Hindi siya gano'n ka-lasing pero bakit hindi man lang siya nakaganti kay Dyuswa. Not that gusto kong mabangasan din si Dyuswa pero kung gugustuhin niya,  makakaganti talaga siya ro'n. 

"Hoy,  anong nangyari?" tanong ko sa kanya.

Imbes na sagutin ako ay ngumisi lang siya sa akin.  Kainis naman ng lalaking ito.

"Hoy!  Sumagot ka nga.  Naalog na ba 'yang utak mo at hindi mo na kayang sagutin ang tanong ko?"

Nakangiwi siyang tumayo at nagsimulang maglakad palabas ng bar.  Wala akong nagawa kundi ang sundan siya.  Ayaw ko na rin kasing pinagtitinginan kami ng mga tao rito sa loob.

"Craig! Ano ba!" sigaw ko sa kanya nang makalabas kami ng bar. 

Dere-deretso lang siya kung saan naka-park ang sasakyan niya.  Bubuksan na niya sana ang pinto ng driver's seat pero pinigilan ko siya.

"Hoy,  galit ka ba? Sorry.  Ako na ang humihingi ng pasensiya sa ginawa ng lalaking iyon sa'yo."

"I'm fine Ayissha.  Suntok lang 'to," natatawa at naiiling niyang sagot sa akin.

When Dyuswa Meets PuritaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon