Part 6

25.9K 881 184
                                    

***


Nagbabasa ng libro si Eileen nang lapitan sya ni Ginny sa bench.

"Eileen, ano ang paborito mong aso?"

"Asong kalye," tugon niya.

"Ang cheap mo naman. Yung may breeding naman sana."

"Tulad ng?"

"Ahm yung fave ko kasi is German Shepherd."

"Eh di Filipino Shepherd yung sakin."

"Tanga. Walang breed na ganun."

"Eh may german nga diba? How come na walang Filipino???"

"Di ko alam. Yung Dalmatian dogs naku-cutan din ako."

"Ah. Alam ko na kung ano yung sakin."

"Ano?"

"Yung Snoop Doggs," nakangiti niyang sabi.


Magsasalita pa sana si Ginny nang dumaan sa kanilang harapan si Joshua. Biglang napatayo si Eileen at binaba ang libro.


"Gin, ang bato," utos nya.

"Ha? Anong bato?"

"Kahit ano. Maghanap ka jan."

Inis na naghanap ng bato si Ginny at binigy ito sa kanya.

"Oh ayan!"


Palihim na binato ni Eileen si Joshua. Gusto nya sanang matamaan ang bag nito kaso medyo sumablay at sa ulo nito tumama. Patay na. Dumugo ang ulo ng gwapong si Joshua.


Hindi malaman ni Eileen ang kanyang gagawin. Hindi naman nya kasi sinasadyang mayamaan ito sa ulo. Mabilis syang lumapit kay Joshua.


"Naku, okay ka lng?"

Napatingin ang binata sa kamay nyang may dugo nang hawakan nito ang kanyang ulo.


"Sa tingin mo ba okay ako?" asik nito.

"Bakit ang gwapo mo pa ring tignan kahit nagagalit?" amazed nyang sabi.

"Damn!" mura nito at umalis na.

"Hoy Joshua. Teka, samahan na kita sa clinic."

"Go away!" Taboy nito.

"Saan ako pupunta??" tanong nya.

"Sa zoo!"Sagot nito at tuluyan nang nawala.

"Eh?"

"Oh, kamusta naman yang katangahan mo?" tanong ni Ginny.

"Mas lalo akong nainlab sa kanya."


###

"Joshua?"

"Angel? Anong ginagawa mo rito?" gulat subalit nakangiti nyang tanong.

Nasa clinic kssi sya ngayon.

"Narinig ko kasi na may nangyari daw sayo. Kaya pinuntahan agad kita dito."

"Hindi ka na galit sakin?"

"No. Alam ko nMan kasing hindi kayo ng kung sino mang Purita na yun. Napaka ambisyosa nya para pangarapin na maging kayo."

"So okay na tayo?"

"Oo naman."

"Pero kanino mo nalaman na natamaan ako ng bato sa ulo?"

When Dyuswa Meets PuritaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon