Kabanata 54

10.6K 303 110
                                    

Incertitude

"Para ano pa at gusto mong ipahanap ang bata Veronica?" tanong ng babae sa kanya.

"I want to see her," matigas na sagot ni Veronica.

The woman laughed bitterly.

"After all what you did to her Veronica? Sa palagay mo ba matatanggap ka ng batang iyon kung sakali mang mahanap mo siya?"

Umiling siya sa sinabi nito. Nagsalin siya ng tubig sa baso at uminom.

"Pinagsisihan ko na ang nangyari. Hindi ko dapat ginawa 'yon."

"I'm sorry Veronica. I'm afraid I can't help you anymore."

Hinawakan niya ang kamay nitong nakapatong sa ibabaw ng mesa.

"Amelia, please. I'm begging you. I need to see her," nagmamakaawa niyang sabi rito.

Binawi nito ang kamay sa kanya.

"I told you I'm not Amelia Fuentabella now, Veronica. I changed my name eight years ago because of you. I was so guilty that time na kahit pangalan ko ay ikinakahiya ko. Bakit ko nagawa sa walang kamuwang-muwang na batang iyon? Hindi na sana kita tinulungan. And now you are asking me to find her?" She asked in disbelief.

"Kung makita ko man ang batang iyon, I swear I won't tell her. You don't deserve her Veronica. You will never be a good mother to her. So stop it. Mag-focus ka na lang sa anak mo ngayon. Just try to be a good mother to him instead," dugtong nito at nilingon ang batang si Joshua na naglalaro sa basketball court.  Ilang sandali pa ay tumayo na ito at naglakad palayo sa kanya.  Leaving her speechless. She's about to cry nang makita niyang papalapit si Joshua sa kanya dala-dala ang bola.

"Mom, are you alright? Are you crying?" inosenteng tanong nito sa kanya.

Kaagad niyang niyakap ang anak at hinagkan ito sa ulo.

"Hindi anak. I'm fine," sagot niya at pilit na ngumiti sa kawalan.

***

Hanggang ngayon ay parang Hindi pa rin ako makapaniwala na pinuntahan ako ni tita Veronica. Hindi sa iniiwasan ko siya dahil alam ko namang one of this days ay magkikita at magkikita rin kami dahil nga sa relasyon namin ni Dyuswa. Hindi ko lang in-expect na mapapaaga.

When Dyuswa Meets PuritaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon