Kabanata 45- I'm In

10.2K 405 138
                                    

Wala akong naintindihan sa naging meeting kanina. Hindi ako makapag-concentrate. Paano ba naman kasi, palaging nakatingin sa akin si Dyuswa. Naaasiwa ako. Conscious ako sa hitsura ko.

Alam niyo 'yon? Ang pakiramdam na titig na titig sa iyo ang isang tao. Kahit alam mo na ang ganda-ganda mo naman pero hindi mo talaga maiwasan ang makaramdam nang pagkaasiwa.

Nang matapos ang meeting ay kaagad na akong lumaabs ng conference room habang pinapaligiran pa si Dyuswa ng mga female models. Hindi naman pala siya model eh bakit nandito pa siya? Pwede ba 'yon? Nakakainis din pala minsan si miss Pia.

"Hey going somewhere?"

Nilingon ko si Craig na nakangisi sa akin. Tumango lang ako saka nagmamadaling naglakad palayo. Actually, wala naman akong pupuntahan maliban sa condo ni Kelly. Pero wala naman siya roon kasi nga busy iyon sa school. Ni hindi nga naka-attend ng meeting ngayon eh. Sabagay, hindi naman top priority ni Kelly ang modelling. She's just doing it for fun. Samantalang ako, I'm doing it for money.

Isang taon na lang at matatapos na sa pag-aaral si tita Sarah. Makakahanap na rin siya ng trabaho. At pag nangyari iyon, ay ako na naman ang mag-aaral. Hindi pa naman huli ang lahat para sa akin. I'm just 21 ayon sa birth certificate ko. Kung susundin ko ang birthday ko tuwing umuulan, malamang nasa isang milyon na.

Si inay kasi eh. May mga ganyang pakulo pang nalalaman. Napabuntong-hininga ako. Nami-miss ko na talaga sila. Gustuhin ko mang umuwi na ng Iloilo pero hindi pa pupwede. Wala namang magandang trabaho roon para sa akin. At least dito ngayon, malaki-laki ang perang nakukuha ko sa pagmo-model.

"Nandito ka na pala," humihingal na sabi ni Dyuswa.

Nanlaki ang mga mata ko. Ang bilis niyang maglakad!

"Bakit hindi mo ako hinintay?" tanong niya sa akin.

Napabuntong-hininga ako. "Nakakapagod maghintay Dyuswa."

Natahimik siya sa sinabi ko. Eh talaga namang nakakapagod maghintay roon sa loob lalo na at ang daming nagkakagulo sa kanya.

"At saka bakit naman kita hihintayin? Nanay mo ba ako? Sino bang nagsabi sa'yo na pumunta ka rito?" pagtatalak ko sa kanya habang naglalakad ako.

Bakit naman yata walang bakanteng taxi ngayon?

"Purita will you stop walking?"

Huminto ako sa paglalakad. Ilang sandali pa ay kumaripas ako ng takbo palayo sa kanya.

"Damn! Why are you running?!" habol-habol niya sa akin.

"Eh bwisit ka! Pinapatigil mo ako sa paglalakad tapos magtatanong ka na naman kung bakit ako tumatakbo? Common sense naman Dyuswa!" inis kong sabi habang tumatakbo pa rin.

God. Ang hirap palang tumakbo ng naka-heels ano?

"Stop running or you will ruin your feet!" sigaw niya kaya huminto naman agad ako.

Pareho kaming hinihingal dalawa. Pinaypayan ko ang aking sarili gamit ang aking mga kamay. Inabot niya sa akin ang kanyang panyo.

"Here," sabi niya.

"Okay lang ako," sabi ko at hindi tinanggap ang panyo niya.

"Purita..."

"Ayissha!" pagtatama ko.

"Purita makinig..."

"Ano ba Parker? Hindi mo ba ako maintindihan?"

Halatang nagulat siya sa sinabi ko. Oo. Parker na ang itatawag ko sa kanya kapag mag-uusap kami. Ayoko na ng Dyuswa. Magmo-move on na nga ako di ba? And besides, dinadala niya na rin naman ang other name niyang iyon kaya bahala siya sa buhay niya.

When Dyuswa Meets PuritaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon