Nang di na sumakit ang likod ko ay tumayo na ako. Hindi man lang ako tsinek ng boyfie ko kung humihinga pa ba ako. O diba? Ang thoughtful niya? Hihi.Lumabas ako ng kwarto saka nag ikot ikot sa buong bahay hanggang sa makaabot na ako sa terrace. Meron doong isang hawla na may lamang mga ibon. Kaagad ko itong nilapitan.
Woah! Ang gaganda nila. Sari-saring kulay ang kanilang balahibo? Anong breed kaya ito ng ibon? Limited lang yung alam kong klase ng ibon eh. Tulad ng manok saka tandang. Iyon lang talaga. Mmm. Agila pa pala saka parrot. After all hindi naman pala ako bobo totally. Hihihi.
Bakit naman yata ang lungkot ng mga ibong ito? Siguro nalulungkot ang mga ito kasi nakakulong sila.
"Kawawa naman kayo. Gusto niyo bang lumipad muna sa labas? Pero promise niyo sa akin na babalik kayo mamaya ha?"
Nag-ingay ito sign of agreement sa sinabi ko. Ilang sandali pa ay binuksan ko ang hawla at pinalabas ko sila.
"Mag-iingat kayo ha? Wag masyadong lalayo."
May ibang lumipad at meron din namang nakadapo lang sa bubong ng maliit na bahay na katabi lang ng bahay nila Dyuswa. Ang saya nilang tignan nang may makita akong pusa na kulay brown na parang orange na lumalapit sa isang ibon. Natataranta akong lumapit sa pusa.
"Pssst. Meow! Wag mong kakainin 'yan! No! No!" Babala ko. Palapit na ito sa bubong ng kabilang bahay kaya hindi ko na maabot.
"Garfield na maliit! Bingi ka ba? Hindi yan buto ng isda! Ibon yan! Tabi! Shoo!!"
Pero parang hindi ito nakikinig sa sinasabi ko. Naku, patay na. Baka kainin na ito ng patay gutom na si Garfield. Huhuhu.
####
Joshua's POVNatapos ko na din abg paghuhugas ng sasakyan. Aaaah. Sumakit likod ko dun ah. Inistretch stretch ko pa ang katawam ko saka napatingin sa itaas. Nagulat ako sa aking nakita. Si Purita na nakabitin sa terrace at parang may inaabot sa kabilang bubong. What the hell is she doing???
###
"What's going on?"
Nagulat si Purita nang marinig ang boses ni Joshua. Ang kalahating katawan niya ay nasa bubong na ng kabilang bahay.
"A-ano kasi bhe. Si Garfield kakainin niya ang mga ibon niyo."
"What?"
Tiningnan ni Joshua ang hawla at nagulat ito nang wala na itong laman.
"Paano nakawala ang mga ibon?"
Hindi sumagot si Purita at pilit pa rin niyang inaabot ang pusa na nagpaplano nang sunggaban ang ibon.
"Ikaw ang nagbukas ng hawla?" naghihinalang tanong nito.
"Ako ba? Ay,oo. Ako nga yata. Nalulungkot kasi sila kaya pinalabas ko muna pero....Ay!"
Hindi na siya pinatapos nang pagsasalita nang binuhat siya ni Joshua papasok sa loob. Inis siya nitong pinaupo sa sofa.
"Alam mo ba kung gaano kamahal ang mga ibon na 'yon?"
"Katulad ng pagmamahal mo sa akin?" nakangising sagot niya.
Wala sa oras na napahilamos ng mukha nito si Joshua.
"Masyado ba talagang makitid ang utak mo para hindi makapag.isip nang matino?"
Saglit na napaisip si Purita saka napakamot ng ulo. "Hindi ko alam eh."
"Damn Purita!"
"Damn me Dyuswa!"
"I think you should go. Now. Baka dumilim pa ang paningin ko at ano pa ang magawa ko."
BINABASA MO ANG
When Dyuswa Meets Purita
HumorDear Dyuswa, Lagi na lang ganito. Ilang beses na ba kitang pinatawad sa paulit-ulit mong kasalanan ha? Pinatawad kita dahil sa pagmamahal ko sayo. Bat diz tym, I wheel giv up on us. I giv you ol my love. God knows where whore teeth. PS. Meet me sa h...