Kabanata 51- The First Layer

11.3K 366 65
                                    

The First Layer

3rd PERSON'S POV

Pinagmamasdan ni Joshua si Erlinda habang nakayuko lang ito sa tasang nasa harapan nito.

Nagulat siya nang makita itong nasa wheelchair. Nalaman niyang na-stroke pala ito four years ago. Walang sinabi si Purita sa kanya. She never told him everything that happened after he left. Kaya mas lalo lang siyang na-konsensiya sa mga ginawa niya sa dalaga.

This time, babawi siya rito. Hinding-hindi na niya ito sasaktan pa. That's the last thing he'll do. No, he will never do that. Ever.

"Hindi ko alam kung papano mo nalaman itong sa amin," panimulang sabi ni Erlinda.

"Sinabi po sa akin ni Ginny na baka nandito raw po umuwi si Purita. Hinahanap ko po siya sa Campuestuhan pero wala siya roon," sagot niya.

Nag-angat ito ng tingin sa kanya. Waring May gusto itong sabihin sa kanya subalit nagdadalawang-isip pa ito.

"Nagkabalikan na ba kayong dalawa?" mahinang tanong nito.

Hindi siya kaagad nakaimik. He remained silent for a long time bago niya napagpasyahang sagutin ito.

"Hindi pa po. We've been through a lot of misunderstandings and doubts with each other tita. That's why I'm here. To clear everything and we'll start again," seryoso niyang sagot.

"Mahal na mahal ka ng anak ko, Joshua. Ang laki nang sinakripisyo niya. At ang bata pa niya no'n pero gano'n na katindi ang pagmamahal niya sa'yo."

"Alam ko po 'yon. Kaya humihingi rin po ako sa inyo ng kapatawaran. Lahat ng iyon ay nangyari dahil sa akin."

Umiling ito sa kanya. "Huwag mong sisihin ang sarili mo. Ako talaga ang may kasalanan ng lahat ng ito. Kasalanan ko kung bakit nangyari ang lahat ng ito. Hindi ko dapat ginawa iyon kay Purita," nahihirapang sabi nito sa kanya.

When Dyuswa Meets PuritaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon