Part 57

14.3K 441 36
                                    


WHEN DYUSWA MEETS PURITA

CHAPTER 57

PURITA'S POV

Nagising ako sa malakas na pagkatok sa pinto ng aking kwarto. Sino naman kaya itong parang hindi nakakatok sa pinto sa loob ng maraming panahon? Inis akong bumnagon ng aking higaan at pinagbuksan ko ng pinto kung sino man iyon. Bumungad sa aking harapan ang pagmumukha ni grandlolo. May iuutos na naman kaya siya sa aking kakaiba?

"Happy birthday apo ko!" nakangiti niyang bati sa akin.

Eh? Birthday ko ngayon? Hindi pa naman umuulan eh. Ah, baka ngayon ang kaarawan ng totoong apo nila.

Wow. Thank you po grandlolo," masaya kong sagot sa kanya.

Nag-effort pas talaga siya na puntahan ako rito para lang batiin ako. Hindi na kaya siya galit sa akin?

"Pero huwag mong sabihin sa lola mo na ako ang unang nakabati sayo ha? Tiyak magmamaktol 'yon," bulong niya sa akin.

"Bakit naman po?" nagtataka kong tanong sa kanya.

"Kasi nga gusto no'n na siya ang unang makabati sa'yo eh. Kaya huwag ka na lang maingay ha?"

Nagtataka man ay tumango na lang ako sa sinabi ni grandlolo. Ilang sandali pa ay nagpaalam na siya sa akin. Napatingin ako sa orasan. Diyos na mahabagin. Alas kuwatro pa lang pala ng umaga. Mahirap pala talaga kapag tumatanda na ang isang tao. Ang aga kung gumising. Napapakamot ako ng ulo na bumalik sa aking higaan. Hindi na naman ako nito makakatulog. Kapag nagising na kasi ako ay nahihirapan na akong bumalik sa pagkakatulog eh. Hay. Kung birthday nga ng totoong apo nila, ibig sabihin alam din ni Dyuswa na ngayon ang birthday ng kapatid niya. Ano kaya ang ireregalo niya sa akin kung saka-sakali?

Ipinilig ko ang aking ulo. Pakialam ko ba sa ireregalo niya? O sige na nga. Kyuryos lang naman ako. Iyon lang. Umupo ako sa aking upuan saka nangalumbaba sa mesa. Hindi ko pa rin kasi alam kung paano ko sasabihin kina inay at itay na nabigo ako sa hangarin kong mag-top sa evaluation. Parang hindi ko kayang makita ang lungkot sa kanilang mga mukha kapag nalaman nila ang totoo. Ano nang gagawin ko ngayon?

Napapitlag ako ng biglang tumunog ang phone ko. Sino naman kaya ang nagtext sa akin ng ganito kaaga? Ah, baka mga free jokes na naman ng sim network ko na ang kokorni naman. tsk. Kinuha ko ang cellphone at binuksan ito. Si Bhon. Hindi ko tuloy mapigilan ang mapangiti. Nako ang tagal-tagal din kaya naming hindi nagkita at nag-text.

From: Bhon

I just want to say a HAPPY HAPPY BIRTHDAY to my very beautiful cousin. See you later. 

Masaya ako na nakokonsensiya. Masaya dahil ang aga-aga niyang gumising para lang batiin ako sa aking kaarawan kahit na hindi ko naman talaga kaarawan ngayon. At nakokonsensiya dahil sa pagsisinungaling ko sa kanya. Ang bait-bait sa akin ni Bhon eh. Tapos heto pa ang igaganti ko sa kanya.

To: Bhon

Thank you Bhon-bhon! Pero anporchunitly, hnd ikaw ang unang bumati sa akin. Si grandlolo. Pero wag mo lng ipagsabi sa iba ha? Lalo na kay grandlola. Hehehe.

Sent.

Makalipas ang ilang minuto ay tumunog ulit ang phone ko.

From: Bhon

Sure. I have something important to tell you later.

Para akong biglang kinabahan sa text niya. Paano kaya kung alam na niya ang totoo? Saka paano niya nalaman? Napatayo ako sa aking kinauupuan. Kailangan kong kausapin si Dyuswa tungkol dito. Hindi na muna ako magrereply kay Bhon. Lumabas ako ng silid at pinuntahan si Dyuswa. Nakailang katok na ako subalit walang bumubukas sa akin. Inikot ko ang seradura ng pinto niya. Hindi naka-lock. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto. Nakasindi na ang ilaw ng kwarto niya. Ibig sabihin gising na siya. pero bakit hindi niya ako pinagbuksan? Nakakainis naman ang lalaking ito. Pumasok na ako sa loob ng kwarto niya at hinayaan na lang na nakabukas ang pintuan. Nagtataka pa ako nang makitang nakatupi na ang kumot niya. Saan kaya siya pumunta ng ganito kaaga?

When Dyuswa Meets PuritaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon