Kabanata 4

7.9K 173 21
                                    

Panay ang sulyap ko sa magkabilang daan. Wala pa kasi si Marlen. Saan na kaya napunta 'yon?
Mag-a-alas siyete na ah.

"Your date's not coming?"

Hindi ko na kailangang lingunin ang nagtanong sa akin. Kilalang-kilala ko na kung sino ang nagmamay-ari. Pati utot at buntong-hininga niya ay alam ko ang ibig sabihin. Char! Hindi ko siya pinansin at tiningnan ang phone ko.

"Isn't it awkward na babae pa ang naghihintay ng ka-date niya?"

Tiningnan ko siya saka inirapan. "Alam mo Mr. Raymundo..."

Parang gusto kong matawa dahil sa naging reaksiyon niya. First time ko kasi siyang tinawag na gano'n. At saka ginaya ko lang naman ang pagkakatawag niya sa akin kahapon na Miss Samaniego eh. Pasalamat nga siya at may respeto pa ako sa kanya ano.

"...wala kang pakialam kung ako man ang naghihintay sa ka-date ko. Problema ko iyon at hindi sa'yo."

Napakibit-balikat siya. "Sabagay. You used to chase someone you really like before."

Halos umusok ang ilong ko sa kanyang sinabi. I am sure na iniinis lang ako ng lalaking ito. At inis na inis naman ako.

"Mas gwapo ang magiging ka-date ko kesa sa taong hinahabol ko noon ano," depensa ko.

Napalunok ako ng aking laway pero parang ayaw namang pumayag ang lalamunan ko sa aking sinabi. Oo na. Wala pa akong nakitang lalaki na kasing-gwapo ng pesteng ito. So what? Makakain ba 'yang kaguwapuhan niya? Hindi. Hindi talaga!

"Talaga?" nakangiti at nakataas ang kanang kilay niyang tanong sa akin.

"Talagang-talaga. At Sino naman ang maga-gwapuhan sa'yo aber?"

May dalawang babaeng estudyante ang dumaan sa harap namin. Kinikilig ang mga ito na nakatingin kay Dyuswa.

"Oh my gosh! Ang gwapo-gwapo niya!"

"Oo nga. Walang binatbat ang mga artista sa kanya."

At ang dami pang sinabi ang mga ito bago tuluyang nawala sila sa paningin ko.

"May sinasabi ka?" tanong niya sa akin na pinapamukha na mali ang sinabi ko.

Inismidan ko na lang siya at itinuon ang paningin sa bawat sasakyang dumadaan.

Nasaan na si Marlen?? Makakatikim talaga sa akin ng sabunot ang baklang iyon. Huwag naman sanang mapurnada ang raket ko ngayon. Iyon na lang kasi ang pag-asa ko para may pambayad ako sa katapusan.

"I guess he's not coming," sabi niya makalipas ang ilang sandali.

Napatingin ako sa kanya. Naiinip na siyang nakaupo sa hagdanan at nakapangalumbaba. Samantalang ako ay nakatayo lang.

"Ano pa bang ginagawa mo rito?"

"Convincing you of course," wala sa loob niyang sagot.

"Di ba sabi ko sa'yo ayoko? At may date ako ngayon. Kaya umalis ka na. Tsupi!" pagtataboy ko sa kanya.

"Aalis lang ako kapag dumating na ang date mo. Pero kapag hindi siya dumating, papayag ka na sa offer ko."

Napabuga ako ng hangin. "Mr. Raymundo, sobrang childish naman yata niyan. Ayoko. Bahala ka sa buhay mo. Maghanap ka ng iba. Doon sa mas willing gawin 'yang gusto mo."

Napatayo siya at lumapit sa akin kaya naman bahagya akong napaatras.

"Ano ba talagang dahilan mo bakit ayaw mo? Kung tungkol sa sahod eh pwede naman nating pag-usapan 'yan. Walang problema."

"Ayoko dahil ayoko. Okay na?"

"No."

"Kung gusto mo ay pilitin mo ang girlfriend mo na mag-resign siya sa kompanya. Why make things so complicated Mr. Raymundo?" nakataas ang kilay kong tanong sa kanya.

When Dyuswa Meets PuritaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon