Kabanata 21- "Hindi gano'n kadali iyon"

10.1K 338 127
                                    

Kaagad akong tumayo nang kinalas na ng isang kidnapper wannabe ang nakatali sa akin. Sumulyap muna ulit ako kina Dyuswa at Michelle na ngayon ay nag-uusap na.

Palinga-linga pa siya sa paligid na para bang may hinahanap siya.

Gusto kong sabihin na nandito ako. Pero hindi ko na ginawa. Ayokong maki-celebrate ng anniversary nila ano. Panira-moment lang ang peg?

Dahan-dahan na akong naglakad palayo sa lugar na iyon. Sa mga sandaling ito ay jirits na jirits talaga ako kay Michelle. Sana iyong mga oras na ginugol ko sa pag-aalala sa kanya ay ginamit ko na lang sa pagbebenta ng mga condoms na ito.

Muntik na akong mapatalon nang kumidlat saka kumulog. Uulan pa yata ah? Sige, Lord. Kampihan mo ako ngayon please?

Paulanin mo ng bongga-bongga para masira ang plano ni Michelle! Naji-jirits kasi ako sa kanya ng hard.

Wala pang limang minuto ay tuluyan na ngang umulan. Ay agad-agad po? Sana man lang po ay pinasakay niyo muna ako ng taxi para hindi ako mabasa.

Napabuntong-hininga ako. Ano ito? Walking in the middle of the night while rain is pouring down on me?

Patakbo akong sumilong sa isang waiting shed. Pero basang-basa na talaga ako at hinihingal pa. Inihilamos ko gamit ng aking kamay ang mukha ko dahil medyo nanlalabo ang paningin ko.

Tumunog ang phone ko. Kaagad ko naman itong tiningnan.

Fantastic Beast:
Where are you?

Magrereply ba ako? Huwag na lang. Ayokong makaistorbo sa date nila. Ay oo nga pala. Nadistorbo na nga pala dahil umulan. Na-guilty tuloy ako. Nag-mumukha pa akong bitter dahil sa dinasal ko.

Ibinalik ko na lang sa bulsa ko ang phone. Wala na rin pala ang mga naka standby na pulis dito. Malamang nasabihan na sila ni Dyuswa dahil sa totoong nangyari. Ni sa hinagap ko hindi ko naisip na papasok ang ideyang iyon sa kokote ni Michelle.

Nang may dumaang taxi ay kaagad akong pumara at sumakay. Kailangan ko nang makauwi at makaligo. Baka kasi magkasakit ako nito eh. Mahirap na. Magbebenta pa ako bukas!

Pagkarating ko ng bahay ay naligo na ako. Pagkatapos kong magbihis ay humiga na ako sa kama. Parang tuksong bumalik sa balintataw ko ang paghalik ni Michelle kay Dyuswa. May kung anong bumara sa puso ko nang makita iyon.

Bakit kaya? Nagseselos ba ako? Pero bakit naman ako magseselos? At wala akong karapatang magselos. Hindi maaari. Hindi pupwede.

Napabalikwas ako ng higa. Baka sakaling mag-iba ang takbo ng isip ko. Nag-iba nga pero ang topic ay si Dyuswa pa rin.

I wanna dance with you so bad, baby.

Iyon naman ang paulit-ulit na naglalaro sa isip ko. Para sa akin ba talaga iyon? Pero bakit? May feelings pa ba sa akin si Dyuswa? Imposible. Sukdulan hanggang langit ang galit no'n sa akin dahil sa ginawa ko sa kanya eh. Naiintindihan ko naman siya.

Pero sa kabila ng lahat, ay cool pa rin siya sa aming dalawa. Mature lang talaga siyang mag-isip kaya hindi niya dinadala sa trabaho ang personal issues namin. Yes, trabaho lang ito, walang personalan.

Get yourself together Purita. Hindi sa nagpapadala ka sa mga ka-abnormalan ng katawan mo kapag kasama mo si Dyuswa. Baka kasi nagre-react lang itong katawan ko dahil matagal na akong hindi nakakadama ng gano'ng feeling. Napabuntong-hininga na lang ako sa isiping iyon.

Masaya naman ako ngayon eh. At mas sasaya ako kapag naka-graduate na si tita Sarah. Graduating na kasi siya sa kursong Business Administration sa isang college doon sa Iloilo. Kaya kailangan ko nang makahanap ng pera bukas para makapadala na ako sa kanya.

When Dyuswa Meets PuritaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon