Part 45

13.3K 405 27
                                    

WHEN DYUSWA MEETS PURITA

CHAPTER 45

PURITA'S POV

Nagising ako nang may kumatok sa pintuan ng aking silid. Ayoko pa sanang bumangon pero parang ayaw din yatang sumuko ng kung sino mang tao ang kumakatok sa labas. Mabigat ang mga paa kong tinunton ang daan papuntang pinto at binuksan ito. Nakita ko ang seryosong mukha ni grandlolo.

"Masama pa ba ang pakiramdam mo?"

Hindi ko maiwasan ang mapangiti sa tanong niya. Concern din naman pala si grandlolo sa akin eh. Mala-Dyuswa rin pala ang ugali nito. Kunwari matigas sa labas pero malambot naman talaga ang kalooban.

"H-hindi na po grandlolo. Bakit po?"

"Mabuti. Pumunta ka mamaya sa talipapa. Sa bilihan mismo ng mga preskong sugpo. Bumili ka ng limang kilo," utos niya.

"Po?"

"Hindi mo ba ako narinig? O ayaw mo lang sundin ang utos ko sa'yo?"

Galit pa rin pala siya sa akin. Ano na naman kayang pumasok sa isip niya at ako pa ang inutusang bumili sa talipapa eh may katulong naman dito sa bahay?

"Sige po grandlolo. Ako na po ang bibili. Matagal-tagal na rin akong hindi nakaamoy ng hangin sa talipapa," nakangiti kong sagot sa kanya.

"Mabuti. Huwag ka nang mag-almusal at baka maubusan tayo," sabi niya saka umalis na sa harapan ko.

Nang makapasok siya sa kanyang kwarto ay saka ko naman sinara ang pinto ng silid ko at napasandal doon. Ilang sandali pa ay napahikab ako. Bakit kaya inaantok pa ako? Iginala ko ang aking mga mata at nasagi ng aking paningin ang orasan sa dingding. Kaagad na umawang ang aking labi sa nakita. Alas-kuwatro pa lang ng umaga. Kaya naman pala antok na antok pa ako.

"Nakakainis ka talaga grandlolo!" sabi ko sabay padyak-padyak sa sahig.

###

MATAPOS kong maligo at magbihis ay lumabas na ako ng aking kwarto. Alas kuwatro y medya pa lang naman. Medyo nakakatakot namang pumunta ng talipapa ng ganito kaaga na nag-iisa lang. Hmm. Puntahan ko kaya si Dyuswa. Yayayain ko siyang samahan ako. Siguro naman papayaga 'yon. Parang magdi-date lang kami kapag pumayag siya. Hihi. O di ba? Umagang-umaga ay magdidi-date kami. Ay excited na talaga ko.

Dali-dali akong pumunta kanyang kuwarto. Bahagya pa akong nagulat nang makitang bahagyang nakaawang ang pinto ng kanyang silid. Kaya naman dahan-dahan ko itong binuksan at pumasok na sa loob. Hindi ko mapigilan ang mapangiti nang makita ang mahimbing na pagkakatulog ng bhebhe ko. Woah. Ang gwapo pa rin talaga nito kahit nakatulog. Hindi humihilik, hindi nakabuka ang bibig at higit sa lahat hindi naglalaway tulad ko. Akala ko talaga sa mga libro ka lang makakatagpo ng ganitong katangian ng isang lalaki. Sa totoong buhay rin pala? Ang suwerte talaga ng mapapangasawa ni Dyuswa. Ang suerte-suwerte ko talaga. Hihihi.

Kinakpkap ko sa aking bulsa ang cellphone ko. Pi-picture-an ko siya. Tapos gagawin kong wallpaper ang mukha niyang natutulog. Para goodvibes. Hihihi. Tiningnan ko muna kung saang anggulo siya mas gwapong tignan saka kinunan na ng picture. Nagulat pa ako ng biglang may nag-flash. Dali-dali kong itinago ang cellphone ko nang makitang bahagyang gumalaw si Dyuswa. Nasilawan yata sa camera.

"Sorry bhebhe ko," mahina kong sabi saka dahan-dahang lumabas ng silid niya.

Pababa na ako ng hagdanan nang maalala kung ano talaga ang pakay ko at bakit ako pumasok sa silid niya. Iyon ay ang gisingin siya para samahan akong pumunta ng talipapa ngayon. Pero huwag na nga lang. Sobrang himbing ng tulog niya eh. Ayokong maantala ang masarap niyang tulog. Baka kasi nagha-honeymoon na kami sa panaginip niya. hihihi. Ay ano ba 'yan. Kinikilig na naman ako.

When Dyuswa Meets PuritaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon