Part 51

12.9K 401 39
                                    

WHEN DYUSWA MEETS PURITA

CHAPTER 51

****

"Ibigay mo sa akin 'yan!" sigaw ni Purita sa isang babae.

"Ayoko nga!"

"Ibibigay mo o kakalbuhin kita?" pananakot niya rito.

"Magkakabanggaan muna tayo bago ko ibigay sa'yo 'to," matatag nitong sagot.

"Ah gano'n pala ha?"

"Ahhhhhhh! Bitiwan mo ako...Tulong!"

****

JOSHUA'S POV

Alas sais pa lang ng umaga ay nagising na ako. Kailangan ko kasing pumunta ng school ng maaga ngayon. May tatapusin pa kasi akong project na kailangan ko nang ipasa mamaya. Hindi ko kasi nagawa iyon last week dahil sa pagtuturo kay Purita. Mas lalong sumasakit ang ulo ko dahil ang hirap talaga niyang mag-catch up sa mga tinuturo ko sa kanya. Kaya sobrang saludo talaga ako kay Mario.

Naiiling na lang akong lumabas ng kwarto para mag-agahan. Nagulat pa ako nang makitang nakagayak na rin si Purita papuntang school. Anong nakain niya at maaga yata siya ngayon? Palagi kasi siyang second trip ng driver namin eh. Tumingin siya sa akin at binigyan ako ng isang matipid na ngiti na lalo kong ikinagulat. Dati-rati kasi eh kung makangiti siya sa akin eh umaabot pa sa tenga niya. Not literally.

"Good morning," bati niya sa akin sabay ipit ng buhok niya sa kanyang tenga at naunan pang bumaba sa akin.

What's wrong with her?

Pagkarating ko ng kusina ay nakaupo na siya roon. Naka-arrange na ang dalawang pinggan sa mesa. Isa para sa kanya at isa para sa akin. Nilagyan niya rin ng kutsara at tinidor ang pinggan ko.

"Kumain na tayo," yaya niya.

Halos hindi ko pa marinig ang kanyang sinabi sa sobrang hina. Pinagmamasdan ko lang siya habang kumukuha siya ng kanin. Ang dating parang patay-gutom na babae kapag sumandok ng pagkain ngayon ay naging parang isang babae na pinalaki sa isang mayamang pamilya.

"Anong tinitingnan mo Di..Dyi..eh. Anong tinitingnan mo?" mahinhin niyang tanong.

"Are you alright?" nagtataka kong tanong sa kanya.

"Of course," sagot niya sabay subo ng kanin.

Tumango na lang ako saka nagsimula na ring kumain. Bakit kaya bigla-bigla na lang siyang nagbago sa pananalita at kilos niya?

"Kamusta nga pala ang pagre-review mo?"

"I'm fine. Akshuli, I learn fastest now."

Hindi ko napigilan ang matawa sa sagot niya. Ano bang nakain niya at nagkakaganito siya ngayon.

"Why? Happy?" tanong niya sa akin sa mahina pa ring boses.

"Wala. Your English is quite astonishing," naiiling kong sagot sa kanya.

"Astonishing? Like a stone?"

"Yeah. You can say that."

Nasa labas na ako ng gate at nakasandal sa kotse namin habang hinihintay ko siyang lumabas ng bahay. Napatayo ako nang tuwid nang bumukas ang gate at iniluwa siya no'n. Napakunot-noo pa ako nang makita siya. May kakaiba sa mukha niya ngayon eh. Naglagay ba siya ng pulbos sa mukha?

"Sorry. I'm late. Let's go?" yaya niya at binuksan na ang pinto ng backseat.

Sumunod akong pumasok at umupo sa tabi niya.

When Dyuswa Meets PuritaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon