Part 54

12.9K 436 56
                                    

WHEN DYUSWA MEETS PURITA

CHAPTER 54

PURITA'S POV

"Aying!!!"

Inilayo ko ang tenga ko sa phone nang marinig ang sumigaw ng Aying. Hinanap ng mga mata ko kung sino ito at nanlaki ang aking mga mata sa nakita.

"S-Stanly???" nakaawang ang mga labi kong sabi.

"Ako nga!" hinihingal subalit nakangiti niyang sagot.

Nagulat pa ako nang niyakap niya ako nang mahigpit.

"Na-miss kita!" sabi niya sa mga tenga ko.

Hindi pa rin ako makahuma sa pangyayari. At hindi ako makapniwala na si Stanly itong kaharap ko ngayon. Kailan pa siya nakauwi ng Pilipinas? Umalis kasi agad sila ng pamilya niya papuntang Canada after naming mag-graduate ng elementary eh. At...at saka..kaagad kong inilayo ang sarili ko nang may naalala.

"Kamusta ka na Aying?" nakangiti niyang tanong sa akin.

Mas lalo siyang kumisig ngayon. Elementary pa lang kasi kami ay makikita mo na talaga na may future siya. ang ibig kong sabihin ay gwapo na talaga kahit no'ng maliit pa ako. Kaya hindi na kagulat-gulat na mas lalo pa iyong na-enhens ngayong nagbibinata na siya. hiyang na hiyang yata sa hangin sa Canada.

Hindi pa rin ako nagsasalita dahil hindi ko talaga inakala na mangyayari ito ngayon. Akala ko doon na sila titira sa Canada. Bakit bumalik pa siya rito sa Pilipinas?

"Na-miss mo ba ako Aying?"

Dahan-dahan akong lumapit sa kanya. Akala siguro niya ay yayakapin ko siya pero doon siya nagkakamali. Pinaghahampas ko siya sa dibdib at sa balikat.

"Walanghiya ka! Ang kapal-kapal ng mukha mong magpakita pa sa akin matapos nang ginawa mo?"

"Aww. I'm really sorry. I mean it. Aww."

"Hinding-hindi kita mapapatawad sa ginawa mo. Wala kang ideya kung anong pinagdaanan ko nang iwan mo na lang ako sa ere na walang pasabi," sigaw ko sa kanya habang patuloy siyang sinasaktan.

Siguro ay nasasaktan na siya sa pinanggagawa ko kaya naman nagtatakbo na siya. Hinabol ko naman siya at nagpaikot-ikot lang kami sa plaza. Akala niya mapapatawad ko siya sa ginawa niya.

"Lumapit ka rito Talong! Di ba na-miss mo ako? Pwes, lapitan mo ako."

"Lalapit lang ako sa'yo kapag pinangako mo sa aking hindi mo na ako sasaktan," hinihingal niyang sabi.

Natigil ako sa pagtatakbo at nagpakawala ng isang malalim na hininga.

"Okay sige. Hindi na kita sasaktan," sumusuko kong sabi sa kanya.

"Sigurado ka?" nananantiya niyang tanong sa akin.

"Tuod-tuod guid na ya!" sagot ko sa kanya sa malambing na tono.

Nakangiti siyang lumapit sa akin at mabilis ko siyang sinunggaban.

"Aaaaah!!!" bulalas niya nang kinagat ko siya balikat.

###

JOSHUA'S POV

Nagulat ako nang biglang may kumatok sa pinto ng kwarto ko. Baka si Purita na ito. Lumapit ako sa pinto at binuksan iyon. Nabungaran ko ang seryosong mukha ni daddy.

"Can we talk iho?"

"Sige po dad," sagot ko at niluwangan ang pagkakabukas ng pinto para makapasok siya sa loob. Sinarhan ko ang pinto at tumabi sa kanya sa pagkakaupo sa kama ko.

When Dyuswa Meets PuritaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon