WHEN DYUSWA MEETS PURITA
CHAPTER 55
PURITA'S POV
Para akong zombie na naglalakad sa hallway papuntang classroom ko. Paano kasi hindi ako makatulog ng maayos kagabi. Ang dami-dami ko kasing iniisip. Bukas na ang evaluation namin at kinakabahan na talaga ako. Hindi na kasi ako nagpapaturo kay Dyuswa dahil sa sunod-sunod na kahihiyang ginawa ko. And'yan naman si Mario eh. Kahapon nga eh nag-absent na siya sa buong class niya para maturuan ako. Na-appreciate ko talaga ang effort niya. Sinabihan din kasi siya ni Eileen na turuan akong mabuti. Habang tumatagal, bumabait din 'yong pinsan ko eh.
Napapitlag ako ng biglang may umakbay sa akin. Nang tingnan ko kung sino ito ay nasilayan ko ang nakangiting si Stanly.
"Pagalitan mo ako," sabi niya.
"Ha? Para sa'n?"
"Dahil hindi ko kinuha ang number mo kahapon."
"Ano ka ba. Parang 'yon lang eh."
"May nangyari ba sa'yo kahapon?"
Napahinto ako sa paglalakad sa tanong niya.
"Wala naman. Bakit?"
"Para kasing namamaga ang mga mata mo eh."
"Ah, hindi lang kasi ako makatulog kagabi. Saka kinakabahan na ako dahil bukas na ang evaluation," pagtatapat ko sa kanya.
"Huwag kang mag-alala. Andito lang ako para suportahan ka," sabi niya sabay kindat sa akin.
Natatawa akong tinulak siya palayo sa akin.
"As if makakatulong 'yang suporta mo sa akin."
"Oo naman. Ano bang kailangan mo?"
"Gusto kong ako ang mag-top sa evaluation bukas."
Alam kong pagtatawanan niya ako sa sinabi kong iyon dahil alam niyang mahina talaga ang utak ko noon pa man. Siya pa nga dati ang pinuno ng mga umaalaska sa akin eh.
"Kaya mo 'yan."
"Talaga?" gulat kong tanong sa kanya.
"Kahit ano pa ang resulta bukas, magiging proud talaga ako sa'yo Aying."
"Ahh. Ang sweet mo naman," nakangisi kong sabi saka naman ito nagpa-pogi pose sa harap ko.
Hindi ko mapigilan ang matawa sa pinanggagawa niya. Kengkoy pa rin talaga siya kahit kailan. Kung iisipin, siya talaga ang boy version ko. Siguro nga sa kanya ko rin nakuha 'yong pagpapadala ng sulat sa taong nagugustuhan ko. Dati kasi, pinapadalhan na niya ako ng mga walang kwenta pero nakakatawang mga sulat eh.
"Bakit ka ganyan makatingin? Gusto mo na ako 'no?" nakangisi niyang sabi sa akin.
"Paano kaya 'no? kung hindi ka umalis papuntang Canada?"
"Siguro tayo na officially."
"Pero umalis ka."
"Alam ko. But I came back here. And of the reasons why is because of you."
"Ano pang ibang mga rason mo?"
"It's nothing. Aying, alam kong may kasalanan akong nagawa. At itatama ko ito. Hindi ako titigil hangga't hindi ko nakukuha ang oo mo."
"May iba na akong gusto," pagtatapat ko sa kanya.
Natahimik siya sa sinabi ko. Kailangan kong gawin 'yon dahil ayaw ko siyang paasahin. Hindi ko alam kung hanggang kailan ko makakalimutan ang nararamdaman ko kay Dyuswa. Lalo na at araw-araw ko siyang nakikita at nakakasama sa iisang bahay.
BINABASA MO ANG
When Dyuswa Meets Purita
HumorDear Dyuswa, Lagi na lang ganito. Ilang beses na ba kitang pinatawad sa paulit-ulit mong kasalanan ha? Pinatawad kita dahil sa pagmamahal ko sayo. Bat diz tym, I wheel giv up on us. I giv you ol my love. God knows where whore teeth. PS. Meet me sa h...