Kabanata 38- Unfairy Tale

9.4K 394 138
                                    

Nagpaalam na ako sa may-ari ng bahay na aalis na ako ngayong araw. Medyo nagulat pa nga siya dahil hindi niya inaasahang aalis ako ng Campuestuhan. Ganyan naman talaga di ba? Life is full of surprises.

Mabigat ang loob kong ipinagbilin muna sa may-ari ng bahay si Bhebhe Qoh. Ayoko siyang iwan pero hindi ko pa naman siya madadala sa ngayon papuntang Maynila kasi nga maghahanap pa ako nang matutuluyan doon.

Nakita ko ang pag-agos ng luha sa mga mata ni Bhebhe Qoh kaya naman muli ko itong niyakap nang mahigpit.

"Huwag ka nang umiyak Bhebhe Qoh. Babalikan naman kita eh. Promise. Saka may bagong lalaking aso ang kapit-bahay natin. Pero huwag mo masyadong landiin ha? Baka mabuntis ka ng wala sa oras," sabi ko habang hinihimas ang likod niya.

"Awww. Awww! (Gano'n ba? Oh sige. Umalis ka na nga. Bakit nandito ka pa? Ano ba 'yan!)

Inis ko siyang ibinalik sa kulungan niya.

"Ikaw. Malanding aso ka talaga kahit kailan! Inuuna mo pa 'yan kesa sa akin," nakanguso kong sabi sa kanya.

Tinalikuran lang ako ng walanghiya. Tinapik ko pa ang puwetan niya kaya napatili ang malandi. Sinadya talagang lakasan ang tili niya para marinig ng aso sa kabila. Ayon, tumahol naman ang aso sa kabilang bahay. Para-paraan talaga ang aso kong ito.

Lumabas na ako ng bahay dala-dala ang maleta at backpack bag ko. Nakapagpaalam na rin naman ako kina Ginny at Eileen at mahigpit na ipinagbilin na huwag na huwag sasabihin kung saan ako pupunta.

Nakausap ko na si Kelly. Iyong kaibigan ni Michelle at Dyuswa. Ang model. Kinakabahan man ay tinanggap ko ang alok niyang sumali sa modeling agency nila kasi naghahanap ang mga ito ng fresh faces. Hindi naman ako alanganin kasi fresh na fresh naman ang kagandahan ko eh. Alam niyo  'yon.

Wala akong kaalam-alam sa pagmo-model. Isang beses lang akong nanood ng Victoria Secret na fashiok show sa Youtube tapos putol-putol pa. Ang bagal kasi ng connection. Naloka ako kaya hinampas ko na ang computer. Ayun, nagbayad pa ako dahil sa nasira ko iyon. After no'n, I keep promise to myself na huwag nang pumasok sa computer shop!

Sakay na ako ng bus ngayon papuntang Maynila. Ni-text ko na rin si Kelly ang pagdating ko mamaya. Sinabi ko na rin sa kanya na wala akong matutuluyan. Hindi pa siya naka-reply. Baka may ginagawa pa. Pinagmasdan ko ang dinadaanan namin. Napabuntong-hininga ako. Hindi man lang ako nakapunta ng Twin Bridge bago umalis sa Campuestuhan. Pinangako ko na pupunta ako ro'n kapag may boyfriend na ako. Mapakla akong ngumiti.

I will leave everything behind. Sana gaganda na ang buhay ko ulit sa Maynila. At sana malaki ang sahod sa modelling kasi naman Hindi pa tapos sa pag-aaral si tita Sarah. Isang taon na lang din naman at ga-graduate na iyon. Konting tiis na lang at sa susunod ay ako na naman ang mag-aaral.

Bandang alas dos na ng hapon nang makarating ako ng bus terminal sa Cubao. Nagsibabaan na ang ibang mga pasahero kaya sumunod na rin ako. Pagkakuha ko ng maleta ko ay sumilong muna ako sa waiting shed. Ilang sandali pa ay tumunog na ang phone ko. Si Kelly tumatawag. Kaagad ko itong sinagot.

"Ayissha!"

"Hello Kelly?"

"Nasaan ka na?"

"Andito na ako sa may Cubao Terminal. Ahm, saan ba tayo magkikita?"

"Stay there. Ako na ang susundo sa'yo."

"Naku huwag na Kelly. Nakakahiya naman sa'yo. Magko-commute naman ako. Saan ka ba ngayon?"

"Actually malapit lang ako d'yan. And I have my car so kukunin na kita."

"Oh sige. Salamat Kelly," nakangiti kong sabi.

When Dyuswa Meets PuritaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon