Part 71

9.7K 291 15
                                    

Purita's POV

Hindi ako masyadong nakatulog ng maayos kasi nga dahil doon sa narinig ko kay tita Veronica. Ano ba kasing pinagsasabi niya kagabi? Napapitlag ako nang may kumatok sa pinto. Dali dali akong bumangon at binuksan ang  pintuan. Nabungaran ko ang nakangiting mukha ni Dyuswa. Hay. Napakagandang umaga naman nito.

"Good morning!" masaya niyang bati.

"Good morning bhe!" ganting bati ko sa kanya sa mahinang boses. Baka kasi may makarinig eh.

Ilang sandali pa ay sabay na kaming bumaba ng hagdan. Pakanta kanta pa siya habang pababa  kami.

"Ang saya mo yata? Anong meron?"

"Si mommy kasi."

Napahinto na naman ako sa paghakbang nang marinig ang sinabi niya.

"Anong sabi niya?"

"Bibilhan niya raw ako ng sasakyan. I dont know what's gotten into her para bilhan ako no'n. I never asked for it in the first place. Pero sabi niya advance graduation gift niya raw para sa akin. So hayun. Isasama niya ako mamaya para pumili ng sasakyang magugustuhan ko," kwento niya na hindi mawala wala ang ngiti sa kanyang mga labi.

Nako mga lalaki talaga. Kapag sasakyan na pinag uusapan umiiba agad ang mood. At saka masaya na ako kasi masaya siya. O di ba? Ganyan naman talaga dapat ang mga girlfriends eh. Sinusuportahan mga boyfriend nila basta ba ay para sa ikabubuti nila. Hindi yung mananakal tayo at sabihin sa kanila kung ano ang  dapat at hindi niya dapat gawin. Hindi naman kasi tayo lubid para manakal di ba?

"Hey."

"Ay lubid ka!" Gulat kong sabi.

Nasa ibaba na pala siya samantalang ako ay nakahinto pa rin sa hagdan. Tumawa na lang ako ng malakas saka bumaba na rin.

"Mag-aaral na rin akong mag-drive. Okay na rin kay daddy. At ikaw ang magiging unang pasahero ko once marunong na akong mag drive," sabi niya sabay kindat sa akin.

Nako hayan na naman siya sa kindat kindat na yan. Hindi ba niya alam ang epekto sa akin nang ginawa niya? Kaloka. Pero kinikilig ako.

"Oh, namula ka naman d'yan," natatawa niyang sabi at dumiretso na ng kusina.

"Hoy hindi ah. Asa ka naman," habol ko sa kanya.

Hindi siya sumagot bagkus ay pinagtawanan lang ako. Marami kaming pinag usapan habang nag-aagahan pero hindi pa rin talaga mawala-wala sa isip ko ang narinig ko kagabi eh. Hay. Ipinilig ko ang aking ulo. Wala naman siguro yun. Masyado lang siguro akong OA kaya naman kung ano-ano na ang iniisip ko.

"May problema ka ba?" nagtatakang tanong sa akin ni Dyuswa habang nasa hallway kami ng school.

"H-ha? Wala naman. May iniisip lang ako."

"Iniisip? Nag-iisip ka rin pala?" nang aasar niyang tanong sa akin.

Ang bad nito. Napalabi ako.

"Pero okay yan. Basta ba isa ako sa mga iniisip mo d'yan," nakangiti niyang sabi.

"Korni mo tol," natatawa kong sabi sabay hampas sa balikat niya.

"Kinilig ka naman," naiiling niyang sabi.

"Ikaw Dyuswa ha. May napapansin na ako sayo."

"Ano yun?"

"Bakit ang sweet sweet mo sa akin nitong mga nakaraang araw ha? Anong nakain mo?"

Napansin kong saglit siyang natigilan. Para saan yun? Ilang sandali pa ay nginitian din niya ako.

"Bumabawi lang ako. Ano ka ba."

When Dyuswa Meets PuritaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon