Chapter 79
Simula nang tanggapin ko ang alok ni Dyuswa na magpanggap bilang kapatid niya, marami na ang nagbago sa aming dalawa. Dati ang nasa isip ko lang kung bakit pumayag ako ay mapagamot si itay sa kanyang karamdaman at syempre para palagi kong makasama si Dyuswa.
Ni hindi ko pinag-isipan ng mabuti ang mga posibleng bunga nang gagawin ko. Hindi ko alam na dahil sa pagsisinungaling na iyon ay marami akong malalaman na sekreto.
Kaya ngayon ay nagdadalawang-isip pa rin ako kung sasabihin ko ba sa kanya ang totoo. Kahit na sinabi sa akin ni Stanly na huwag itong sabihin kay Dyuswa ay nag-aalangan pa rin ako. Paano kung malubha na ang karamdaman ng totoong ama niya? Wala man lang siyang kaide-ideya sa mga nangyayari.
Pero hindi ko alam kung papano ko sasabihin sa kanya. Baka hindi siya maniwala sa akin. At binantaan na ako ni tita Veronica na huwag ipagsabi iyon lalo na kay Dyuswa kung hindi ay ipapahamak niya ang pamilya ko.
Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko. Wala naman akong mapagsabihan dahil baka umabot pa ito kay Dyuswa. Mas mabuti pang sarilinin ko na lang muna ito sa ngayon. Pag-iisipan ko munang mabuti kung sasabihin ko ba sa kanya o hindi. Ayokong magpadalos-dalos sa bagay na ito dahil konting pagkakamali ko lang ay masisira ang masayang pamilya nila. Hindi pa nga nila ako napapatawad tapos dadadagdagan ko pa.
Kahit na galit ako kay Dyuswa dahil sa ginawa niya sa akin, hindi ko naman maiwasan ang mag-alala sa kanya. Ramdam ko na nagi-guilty na rin naman siya sa kanyang ginawa sa akin. Kaya naman kapag bumalik pa siya ulit sa labas ng bahay namin ay kakausapin ko siya.
Makikinig ako sa paliwanag niya kahit na masaktan man ako. Naisip ko rin kasi na wala din namang kwenta kung iiwas na lang ako palagi. At isa pa, ayoko na ring makitang pabalik balik pa siya sa bahay dahil nagi-guilty ako da tuwing makikita ko ang mga mata niya.
Kaya handa na ako. Handa na akong harapin siya.
Pero umabot ang ilang araw hanggang sa ilang linggo ay walang Dyuswa na nagpapakita sa akin. Nag-aalala ako kasi baka napano siya. Hindi ko naman siya matawagan dahil nagpalit na ako ng sim card nang umalis ako ng bahay nila. Saka ayoko rin namang pumunta sa kanila dahil baka magwala si tita Veronica kapag nagkita kami.
Sana okay lang siya.
"Oh? Malungkot?" tanong ni Ginny habang naglalakad kami.
Wala sina Eileen at Mario dahil may pupuntahan daw sila. Napabuntong hininga na lang ako at ikinuwento sa kanya na hindi na nagpapakita sa akin si Dyuswa simula no'ng eksena namin sa ulanan.
"Ah baka busy lang dahil next week na ang Quiz Bee di ba? I heard siya ang kinuha ng school nila. Biruin mo yun. Transferee siya tapos siya ang pinanlaban. Bilib talaga ako sa katalinuhan ni Joshua."
Nagpatuloy lang kami sa paglalakad hanggang sa makaabot kami sa canteen.
"Bakit ka nga pala malungkot kung hindi na nagpapakita sayo si Josh? Hindi ba at iyon din ang gusto mong mangyari?" nagtatakang tanong niya sa akin nang makaupo na kami.
"Ano kasi...Gusto ko lang marinig ang paliwanag niya."
"Hay nako Puring. Ang gulo mo rin ano? Alam mo, hindi ko rin talaga masisisi ng buo si Joshua sa nangyari sa inyo eh. Pareho kayong may mali. Wala kayong tiwala sa isa't-isa. Malay mo minanipula din pala siya ng demonyitang Diane na 'yon kaya palagi silang magkasama."
Napailing ako. "Ipaliwanag mo nga sa akin ang I love you text niya kay Diane."
Napakibit-balikat siya. "There's a story behind another story Purita. We can never tell. Kaya nga dati ko pang pinipilit sayo na pakinggan mo ang side ni Joshua. Pero ikaw itong sarado ang isip at denial to death. Kaya tingnan mo. Nahihirapan ka pa rin dahil may kulang sa kuwento," litanya niya sa akin.
BINABASA MO ANG
When Dyuswa Meets Purita
HumorDear Dyuswa, Lagi na lang ganito. Ilang beses na ba kitang pinatawad sa paulit-ulit mong kasalanan ha? Pinatawad kita dahil sa pagmamahal ko sayo. Bat diz tym, I wheel giv up on us. I giv you ol my love. God knows where whore teeth. PS. Meet me sa h...