Part 26

19.7K 597 99
                                    

WHEN DYUSWA MEETS PURITA

PART 26

PURITA'S POV

Maaga akong nagising para gumayak papuntang school. Medyo excited kasi ako dahil magkikita na naman kami ni Dyuswa. Okay, fine. Hindi medyo. Super lang. Hihi. Nasa school na kaya siya? iniisip niya rin ba an gang iniisip ko? Okay lang naman kahit paminsan-minsan niya lang akong isipin. Nakakapagod din kayang tumakbo sa isip niya palagi. Hihihi.

Eksaktong alas-sais y medya ako nakarating ng school. Medyo kaunti pa lang ang mga estudyante as inspected. Mga kabtaan talaga ngayon, mahilig nang magpa-late. Palibhasa andami nang dahilan para magpuyat. May Peysbuk, Tweeter, Instragam, Ewwtube at sari-saring online games na kasi. Lahat sila adik na doon. Lalo na si kuya Dan na kapit-bahay naming. Naku, mahilig magbabad no'n sa internet. Pinapagalitan na nga 'yon ng mama niya eh. Mukha na daw siyang panda. Ke-gwapong panda naman 'yon kung sakali. Haha. Sobrang bait pa. Ikaw ba naman ang bigyan ng pandesal tuwng umaga. Eh di ang swerte ko. Hihi.

Hay basta ako, isa lang naman ang kinakaadikan ko eh. Si Dyuswa maylabs lang. wala ng iba. Kaya heto ako ngayon naglalakbay sa gitna ng dilim. Este liwanag pala.

"Bakla!"

"Ay bakla!" gulat kong sabi. Napangiti ako nang makita si Flower my bestfriend. Na-miss ko ang baklang ito.

"Bakla, yamishito!" sabi ko.

"Tse! Na-mis daw ako pero hindi man lang nagpapakita. Busy ka na yata kay Joshua eh," nakanguso niyang sabi.

"Ikaw naman. palagi naman talaga akong busy sa kanya eh. Sorna!"

"As if may magagawa pa ako. Pero teka, kamusta na ang tutorial niyo ni 'insan?" naitanong niya habang magkasabay kaming naglalakad sa hallway.

"Ay oo nga pala. Bes, thank you ha! Super! Kung hindi sayo, hindi sana ako nakapasok sa tutorial class," sabi ko sa kanya sabay yakap sa kanyang braso.

"Naku wala 'yon. What friends are for di ba?"

"Kaya dahil d'yan, ililibre kita ng lunch mamaya."

"Wowo ha? For the first time in forever manlilibre ka?" hindi niya makapaniwalang sabi kaya naman natawa ako.

"Oo nga."

"Oh siya, siya. Tanggalin mo na 'yang kamay mo sa braso k at ako'y naaalibadbaran sa'yo."

"Tss. Wala na bang chance na maging lalaki ka?" tanong ko sa kanya nang kumalas na ako sa pagkakayakap sa kanya. Saglit siyang nag-isip.

"Mmm, meron naman."

Natuwa ako sa sagot niya. "Talaga??"

"Oo. Kapag umamin na si Rustom Padilla na bading siya."

"Eh? Di ba umamin na 'yon dati pa sa PBB?"

"Oo."

"Oh 'yon naman pala eh."

"May nagbago ba sa akin? Lalaki na ba ako?"

"So wala talagang chance?"

"Alam mo kasi bes, ang pagiging bakla hindi choice 'yan eh. Pinanganak silang ganyan. Kami. Kaya kahit anong gawin namin na magpakatino at magpakalalaki, lalabas at lalabas talaga ang tunay na kulay ng bone marrow namin."

"Pero di ba isang malaking kasalanan ang pagiging bakla?" inosente kong tanong sa kanya.

Napahinto siya sa paglalakad. "No. It's a big NO! kung kasalanan ang maging bakla, bakit pinanganak kaming gwapo at cute?"

"Hoy, meron din kayang chakang bakla," depensa ko.

"Hindi ko alam kung maiintindihan mo ito. Pero ang bakla, maihahalintulad mo rin sa isang tunay na lalaki at babae eh. Normal, may pakiramdam, naiinlove, nasasaktan. May masamang lalaki, may masamang babae at may masamang bakla. Meron ding mabubuting lalaki at babae at bakla. Kaya anong pinagkaiba namin sa inyo?" mahabang litanya niya.

When Dyuswa Meets PuritaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon