Kabanata 8

10.2K 346 102
                                    

#WDMP
by: ohheyDAN

Medyo seryoso na ang usapan nila sa harap ng hapag-kainan. Gusto kong makinig pero ayaw namang tanggapin ng fresh brain ko. Wala akong maintindihan. Dilang mother na 'yan!

Nakakainis dahil parang nakaka-relate naman ang mga kasamahan kong babae sa pinag-uusapan nila. Mga businesswomen din siguro ang mga ito. Oh eh bakit? Magaling din naman ako sa business ah. Monkey business nga lang. Chos!

Sa halip na makinig sa kanila ay hinarap ko na lang ang mga nakahain sa mesa. Jusme! Ang dami-dami nitong pagkain. Hindi yata namin mauubos ito. At parang konti lang naman ang kinakain nila. Ganito ba talaga kapag mayaman ka? Sayang ang mga ito kapag hindi man lang naubos. Saka ang mahal-mahal kaya ng mga ito.

Bahala sila d'yang makipagbalitaktakan sa mga negosyo nila. Basta ako, kakain ako ng bonggang-bongga. Takam na takam talaga ako sa mga seafoods na nakahain. Para bagang nilalandi nila akong tikman sila.

Una kong nilantakan ang lobsters. Yummy. Parang gusto ko tuloy magkamay na lang. Hay. Pero nakakahiya naman kasi kaharap ko ang mga bigger bosses. Makapag-chopstick na nga lang. Char. Kutsara't tinidor nga eh aligaga na ako, chopsticks pa kaya? Baka maloka na lang ako kapag iyon ang ginamit ko.

Kumuha rin ako ng malalaking sugpo. Actually tatlo ang kinuha ko. Para kay inay, para kay itay at para kay tita Sarah. Ikakain ko na lang sila para masaya.

Seryoso kong binabalatan ang mga sugpo. Naniniwala kasi akong kapag sineryoso mo ang isang bagay, ay magiging successful ka someday. Mababalatan ko rin ito. Tiwala lang talaga.

Tumunog ang tinidor ko nang dumulas ito sa sugpo. Nahulog tuloy sa mesa ang isa. Nakakaasar. Sige lang. Mahirap talaga kapag first time. Try and try until you die.

Nabigla ako nang kinuha ni Dyuswa ang mga sugpo ko papunta sa kanyang plato. Ang hinayupak! Akin 'yon eh. Hindi ba siya marunong kumuha? Tiningnan ko siya habang binabalatan ang mga sugpo na kinuha niya sa akin.

Bakit ang bilis niyang balatan iyon? A for Effortless. Sabagay. Sanayan lang daw 'yan eh. Masasanay rin ako. Konting kembot pa Purita at makakaya mo ring balatan ang sugpo na 'yan nang wala masyadong ka-effort effort.

Pero bakit niya kasi kinuha ang mga sugpo ko?!

Ang sumunod na eksena ay hindi angkop sa mga batang manonood. Patnubay ng lolo at lola ang kailangan. Char lang. Ibinalik niya ulit sa plato ko ang binalatan niyang sugpo.

Pwedeng umihi ng fireworks?

"Eat," tipid niyang bulong sa akin bago ulit nagparticipate sa topic nilang Law of Diminishing Demands ba 'yon? Ay basta. Bahala sila. Basta ako kakain ng sugpong binalatan ni Dyuswa.

Tutusukin ko na sana ng tinidor ang sugpo kaso may magandang ideya ang pumasok sa isipan ko ng sandaling iyon. Picture-an ko kaya muna para bongga? Tama. Tama.

Kaagad kong kinuha ang phone ko at pinicture-an ito. Lumapit ng bahagya sa akin si Dyuswa at may ibinulong.

"What are you doing?"

"Pang-Instagram lang. Ano ka ba? Follow mo ako ha? Mmm, @MagandangHokage username ko doon," nakangiting bulong ko sa kanya.

Napailing na lang siya at umusod palayo sa akin dahil sa kinakausap siya ng isang matandang hukluban.

Ibabalik ko na sana ang phone ko sa bag ko nang biglang...

Boom tarat tarat. Tararat. Tararat. Boom boom boom!

Awtomatikong napalingon lahat sila sa akin habang patuloy pa rin sa pagtunog ang phone ko ng Boom Tarat Tarat. Dilang-mother 'yan.

Wala akong nagawa kundi ang ngitian sila. Medyo nakakahiya lang. Kaya para mawala ang hiya ko ay bahagya ko pang ginagaya ang dance step ng Boom Tarat Tarat na 'yan. Partida na 'yan na naka-Filipiñana ako ngayon ha.

When Dyuswa Meets PuritaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon