Finale
23 years ago...
"Patawarin mo ako anak. Hindi kita kayang ipagtanggol. Pero kahit anong mangyari, mahal na mahal kita," sabi ng isang babaeng nakahiga sa hospital bed.
Kasabay ng kanyang pag-iyak ay siya ring pag-iyak ng isang sanggol sa kanyang dibdib. Mas lalo siyang naiyak nang kinuha na ang sanggol ng isang babaeng nurse.
"Isang minuto. Kahit isang minuto na lang. Gusto ko pa siyang maramdaman. Parang awa mo na," pagsusumamo niya sa isang babae na nakatayo lang sa harapan niya.
"Hindi na pwede. Anong oras man ngayon ay matutunton tayo ni Hector. Kaya kailangan ko nang ilayo ang bata pati na rin ikaw mismo. Ipapalabas natin na namatay ka sa panganganak at may kumuha sa anak mo. Maliwanag?" matigas na utos nito sa kanya.
Nahihirapan siyang tumango. "Pero ang bata. Parang awa mo na Veronica. Huwag mong pahihirapan ang anak ko. Wala siyang kasalanan dito. Ako lang dapat ang magbayad huwag lang anak ko," umiiyak niyang pakiusap.
Wala siyang may narinig na sagot mula rito. Hindi na niya alam kung anong kasunod na nangyari dahil dumilim na ang kanyang paningin.
***
JOSHUA'S POV
Biglang umiba ang reaksiyon ni mommy nang huminto ang tingin niya sa babaeng kasama ng professor ko. Maging ito rin ay nagtataka sa iniasta ng babaeng kasama nito. She must be his mother. Medyo magkahawig kasi sila.
Bahagya rin akong natigilan nang masuri ang kabuuan ng ginang. Parang may kahawig siya.
"V-Veronica?" halos pabulong nitong sabi habang nakatingin kay mommy.
Nakita ko ang pangungunot ng noo ni mommy. Tanda na parang nag-iisip siya. Siguro ay magkakilala ang mga ito noon at ngayon lang muling nagkita.
"Clara," walang ka-amor-amor na sabi ni mommy. "Long time, no see. Akala ko nga ay hindi ka na babalik dito. Thought you're enjoying your stay somewhere," may halong sarkasmo ang sinabing iyon ni mommy.
"W-We just came here a couple of months ago. And we decided to stay here for good," nag-aalangang sagot nito.
Pilit na tumawa si mommy. And I don't like it. Ganito ang tawa niya kapag may hindi siya gusto.
"Nakaka-ganda talaga ng accent at pananalita ang matagal na pananatili sa US ano?" pahaging niya.
"Ilang months lang ako roon. Lumipat ako ng Canada."
"Oh I see. They must be your family?"
"Ah. Oo. This is Richard, asawa ko. At sila naman ang mga anak ko, sina Yeshua at Yaxley," pagpapakilala nito sa mga kasama.
"Nice to see you," nakangiting bati ni mommy. Sincere ang ngiti niya kaya nakahinga ako nang maluwag. "And this is my son, Joshua."
Isa-isa akong nakipag-kamay sa kanila. Medyo awkward nga kasi rito pa talaga kami sa gitna ng mall nag-uusap.
"He's my student. He's in my class," nakangiting kwento ng professor namin.
Kilala siya bilang Professor XYZ ng mga estudyante. Tss. What a pen name. Ang baduy. Pero Yiswa naman ang tawag sa kanya ng babaeng pinakamamahal ko. And I hate it kasi magkatunog sa pangalan ko.
"Oh. How nice. So how is he in your class?"
"He's great. Not to mention him following one of my student," natatawang sagot nito.
Tarantado 'to ah. Ibubuking pa ako. Pero, damn! I don't give a slightest care.
"Mahal na mahal niya lang kasi ang taong iyon," biglang nalungkot ang mukha ni mommy pero nang tumingin sa kanya ang mommy ni Yeshua ay nag-iba ang reaksiyon niya.
BINABASA MO ANG
When Dyuswa Meets Purita
ComédieDear Dyuswa, Lagi na lang ganito. Ilang beses na ba kitang pinatawad sa paulit-ulit mong kasalanan ha? Pinatawad kita dahil sa pagmamahal ko sayo. Bat diz tym, I wheel giv up on us. I giv you ol my love. God knows where whore teeth. PS. Meet me sa h...