Sunflower
PURITA'S POV
Inis kong tinanggal ang kamay ni Dyuswa sa pagkakaakbay sa akin. Pasimple ko siyang inirapan pero kinindatan lang niya ako.
Tumikhim si Yiswa at binigyan kami ng makahulugang tingin. Hindi na ako nag-atubili pang tinalunton ang daan patungong upuan ko.
Naramdaman ko rin ang pagsunod sa likuran ko ni Dyuswa. Ano ba kasing ginagawa niya rito? Padabog akong umupo.
"Haba ng hair mo ate ah?"pabulong na sabi ni Eunice sa akin.
"Anong ibig mong sabihin?"
"Eh ang gwapo-gwapo kaya ni kuya Joshua. Saka mukhang mabait pa. Responsable."
Napapangiwi na lang ako sa bawat papuri ng katabi ko sa kanya. Umupo na rin ito sa kabilang row pero ka-adjacent lang sa inuupuan ko.
Itinuon ko na lang ang aking pansin sa harapan. Doon nakita ko si Yiswa na nakaupo sa table niya. Nakakunot ang noo habang binubuklat ang libro ng Literature.
Ilang sandali pa ay tumayo na ito sa gitna at nagsimula na ng lesson namin.
"Nako ate. Kung ganito ba naman ka-gwapo ang prof at kaklase mo, gaganahan ka talaga sa pag-aaral," kinikilig na sabi ni Eunice.
"Kaklase? Ibig sabihin, kaklase natin 'yang si Dyuswa?" hindi ko makapaniwalang tanong sa kanya.
"Opo, ate. Hindi ko nga alam kung papano niya pa nagawang mag-transfer. Pero wala na akong pakialam. Ang importante ay kaklase na natin siya!"
Napabuntong-hininga ako. Tumingin ako sa direksiyon ni Dyuswa. Kitang-kita ko na kinukulit siya ng mga babae kong kaklase pero hindi niya ito pinapansin.
Deretso lang ang tingin niya sa akin. Nakangiti. Nagpapa-cute.
Malandi!
'Look who's talking,' sabi ng right brain ko.
'Sa iyo pa talaga nanggaling 'yan ha?' gatong naman ng left brain ko.
"At ano ang sabi ni Romeo kay Juliet?"
"Mga letzeh kayo!" inis kong sabi sa utak ko.
Sabay-sabay na napatingin sa akin ang mga kaklase ko. Pati ako ay napanganga. Naisatinig ko ba 'yon?
"Is there a problem, Miss Sandoval?" nagtatakang tanong ni Yiswa.
"Ah, eh. Wala po. I' m sorry," sabi ko at napayuko na lang.
Ano ba 'yan. Nakakahiya. Kasalanan ito ni Dyuswa eh! Anong pumasok sa utak niya para mag-aral ulit? At sa klase ko pa mismo ha!
"NANADYA ka ba, Dyuswa?" naiirita kong tanong sa kanya nang natapos ang klase.
Vacant ko ngayon at nandito ako sa canteen. Panay ang sunod niya sa akin kahit saan ako magpunta. Kulang na lang ay sumunod din siya sa akin papasok sa CR naming mga babae.
"Yes, I am."
"Bakit?"
Binuksan niya ang dalawang can ng Coke at inilagay ang isa sa harapan ko.
"As what I've told you, I will do everything to have you back."
"Paano kung sabihin ko sa'yong wala ka nang babalikan? "
"We'll see, then. But for now, hayaan mo akong gawin ito."
Hindi ko na siya pinansin. Wala na akong balak pansinin siya. Mauubos lang ang dugo ko kapag kinausap ko pa siya.
BINABASA MO ANG
When Dyuswa Meets Purita
HumorDear Dyuswa, Lagi na lang ganito. Ilang beses na ba kitang pinatawad sa paulit-ulit mong kasalanan ha? Pinatawad kita dahil sa pagmamahal ko sayo. Bat diz tym, I wheel giv up on us. I giv you ol my love. God knows where whore teeth. PS. Meet me sa h...