Manok
Buong biyahe ay hindi ko pinansin si Dyuswa. Ikaw ba naman ang batuhin ng mansanas hindi ka maiinis? Tapos sasabihin niya sa'yo kaya niya ginawa iyon ay dahil gusto niya akong maging asawa?
Kalokohan!
Alam kong kating-kati na siya para kausapin ako pero hindi niya magawa dahil limitado lang ang alam niyang Hiligaynon.
Ang bright ko talaga!
Nasa pinaka-likuran kami ng bus umupo dahil iyon talaga ang paborito kong puwesto. You know, kapag may lubak-lubak na daan kaming madadaanan eh parang nagba-bounce-bounce ka lang.
Iyon nga lang. Masakit sa fallopian tube!
Nakita kong binuksan ni Dyuswa ang bintana kaya sumalubong sa amin ang simoy ng hangin.
"Wow!" mangha niyang sabi habang palipat-lipat ang tingin niya sa dagat na nasa right side namin at ang kakahuyan sa kanan namin.
Alam niyo ba kung nasaan kami?
Sa Pilipinas pa rin!
"Kanami ged," sabi niya na ginaya pa ang tono ng pananalita ng mga Ilonggo. (Ang ganda.)
Natawa na lang ako dahil ang tunog niya ay parang tagak na sintunado. Nang napansin niyang pinagtatawanan ko siya ay tumahimik siya bigla.
Pinilit niyang sumeryoso pero nangingibabaw pa rin ang pagkamangha sa kanyang mukha.
Huminto ang bus sa babaan namin. Mahina kong tinampal ang pisngi ni Dyuswa. Nakasandal siya sa balikat ko. Hindi ko na rin kasi namalayan na nakasandal na siya sa akin dahil nakatulog na rin ako kanina.
"Baba na tayo," sabi ko sa kanya.
"Diri na?" nag-aalangan niyang tanong. (Dito na?)
"Hindi pa. Sasakay pa tayo ng motor papasok sa baryo namin."
Tinanguan niya lang ako. Lumapit kami sa mga nakahilerang motor malapit sa waiting shed.
"Manong, sa Barrio Siete nga po," sabi ko.
Medyo may katandaan na ang nilapitan namin. Bahagya niya pang sinusuri ang mukha ko saka siya ngumiti.
"Bata ka ni Erlinda?" tanong niya sa akin. (Anak ka ni Erlinda?)
Ngumiti ako sa kanya saka tumango. "Opo."
"Ang ganda mo naman, iha. Asawa mo?" nakangiting tanong ng matanda sa akin at tumingin kay Dyuswa.
Kitang-kita ko na lumawak ang pagkakangiti ni Dyuswa. Nang mapansin niyang nakatitig ako sa kanya at tiningnan niya rin ako sabay taas-baba ng kanyang mga kilay.
Inirapan ko lang siya. "Tara na po, manong!"
Pinaandar na ni manong ang motor niya. Sinenyasan ko si Dyuswa na mauna nang umupo. Agad naman siyang tumalima. Nang nakaupo na siya ay ako naman ang sumunod.
"Okay na ba, iha?"
"Opo. Alis na po tayo manong," sagot ko.
Ilang sandali pa ay nasa biyahe na kami. Mga dalawang kilometro siguro ang layo mula rito papunta sa Barrio Siete. At hindi biro ang daanan. Medyo lubak-lubak pa.
"Pasensiya na kayo at medyo nahuli na sa uso ang kalsadang ito."
"Okay lang po, manong. Minsan kasi kailangan din nating dumaan sa mahirap na landas para matuto tayo, " sagot ko.
"Tama ka ro'n, iha."
"Pero bakit parang marami po yatang mga motor ngayon?" nagtataka kong tanong.
BINABASA MO ANG
When Dyuswa Meets Purita
HumorDear Dyuswa, Lagi na lang ganito. Ilang beses na ba kitang pinatawad sa paulit-ulit mong kasalanan ha? Pinatawad kita dahil sa pagmamahal ko sayo. Bat diz tym, I wheel giv up on us. I giv you ol my love. God knows where whore teeth. PS. Meet me sa h...