WHEN DYUSWA MEETS PURITA
PART 29
###
Iniisip pa rin ni Joshua ang sinabi sa kanya ni Bhon. Niyaya raw niya si Purita. Paano naman niya ito mayayaya gano'ng maaga nga siyang umuwi? At saka hindi nga niya ito nakita buong araw. Dumiretso siya sa kanyang kuwarto. Tatawagan na lang niya ito. Ano na naman kayang kabaliwan ang pinaplano ng babaeng iyon?
Kaagad niyang hinanap ang phone sa bag niya. Pero hindi niya mahanap. Sigurado siyang nilagay niya 'yon sa bag niya after nilang mag-usap ni Hannah kanina. Napaisip siya. Hindi kaya may nanloko kay Purita gamit ang phone niya? Mabilis pa naman itong mauto. Tiningnan niya ang kanyang relo. Past eleven na. napabuntong-hininga siya saka lumabas ng kanyang kuwarto. Pupuntahan muna niya si Bhon.
Saktong paglabas niya ng pinto ay nakasalubong niya ang kanyang lola Erlinda. Ngumiti ito sa kanya.
"Hector! Ba't gising ka pa? Gabi na ah? Hindi ba't susunduin mo pa bukas si Luisa?"tanong nito sa kanya.
Pilit siyang ngumiti rito. "Lola, si Joshua po ako. Apo niyo," pagtatama niya.
"Ahh! Hindi ko gusto 'yang ugali mo Hector ha? Ayusin mo 'yan. Bakit tinatalikuran mo ang responsibilidad mo ha?" galit nitong sabi.
Magsasalita pa sana siya nang makita niya ang kanyang mommy na nakatayo sa likuran ng lola Erlinda niya. Ngumiti ito sa kanya tanda para tumahimik na siya. Ilang saglit pa ay lumapit ito sa lola niya.
" Ma, matulog na ho kayo. Hindi po mabuti sa kalusugan niyo 'yan," sabi ng mommy niya.
Masama siyang tiningnan ng lola niya bago ito tumingin sa mommy niya. "Pagsabihan mo nga 'yang asawa mo Veronica. Hanggang kelan niya ililihim sa inyo ang lahat." Ilang sandali pa ay lumakad na ito palayo.
Napakunot-noo siya sa narinig. Tahimik naman siyang binalingan ng mommy niya. "Ba't gising ka pa anak?"
"Pupuntahan ko lang po sana si Bhon."
"Gabi na. Ipagpabukas mo na lang 'yan okay? Matulog ka na," malumanay na sabi nito sa kanya.
Kung ang ibang mga anak ay masaya kapag sinasabihan sila ng kanilang magulang sa malumanay na pamamaraan, siya ay hindi. Alam niyang may mabigat na dinadala ang kanyang mommy subalit pinipilit pa rin nitong kontrolin ang kung ano mang emosyon ang nararamdaman nito. At bilang anak, hindi niya alam kung ano ang gagawin. Kaya hinahayaan niya na lang ito at sinusunod kung ano man ang sasabihin nito sa kanya. In that way, mapapasaya niya ang kanyang mommy.
"Sige 'My. Matutulog na ako."
###
Nakailang balik na si Bhon sa La Bonita Resto at nakailang ikot na rin siya sa mga lugar na pwedeng puntahan at tambayan ng mga tao subalit wala pa rin siyang makitang anino ni Purita. Hindi na rin niya ito makontak dahil out of reach na ito.
Tinanong-tanong niya ang bawat taong nakakasalubong niya kung nakita ba nila si Purita. Pero wala pa rin. Napatingin siya sa kanyang relo. Maghahating-gabi na. At wala na siyang ideya kung saan hahagilapin si Purita.
"Fishball! Kwek-kwek! Kikiam! Filipino fries kayo d'yan!" sigaw ng isang babae habang nagmamaneho ng isang pedicab na may mga lamang street foods.
Lumapit doon si Bhon para magtanong. Nagulat pa siya nang makita ang nagtitinda. Medyo bata pa ito. At sa tantiya niya ay nasa bente anyos pa lang ito.
"Ahm, miss, pwede po bang magtanong?" umpisa niya.
"Kung itatanong mo if may boyfriend na ako, ang sagot ko...WALA. Bakit? Dahil may pinapaaral pa ako. Ibig kong sabihin may pinapaaral pa kami. Dahil siya lang ang pag-asa naming makaaon sa amin sa kahirapan," mahabang sabi nito.
BINABASA MO ANG
When Dyuswa Meets Purita
HumorDear Dyuswa, Lagi na lang ganito. Ilang beses na ba kitang pinatawad sa paulit-ulit mong kasalanan ha? Pinatawad kita dahil sa pagmamahal ko sayo. Bat diz tym, I wheel giv up on us. I giv you ol my love. God knows where whore teeth. PS. Meet me sa h...