Part 60

16.3K 481 110
                                    

WHEN DYUSWA MEETS PURITA

CHAPTER 60

***

"Ano bang problema mo??" naiinis kong tanong sa kanya habang hatak-hatak ako ni Dyuswa palayo sa maraming tao.

Bigla niya akong binitawan kaya naman nawalan ako ng balance at kamuntik na akong matumba. Nakakainis talaga ang lalaking ito.

"Bakit ba ang landi-landi mo?"

Parang nagpanting ang tenga ko sa sinabi niya. Ako malandi? Totoo naman 'yon pero 'ang land-landi' talaga? Sobra 'yon ha.

"Anong sabi mo?"

"Narinig mo ang sinabi ko."

"Alam mo sumusobra ka na eh."

Nabuga siya ng hangin at tumingin sa kabilang direksiyon.

"Ikaw ang sumosobra na."

Pumunta ako sa direksiyon kung saan siya nakatingin pero iwas lang siya nang iwas.

"Sige. Ayaw mong tumingin sa akin? Manigas ka d'yan!" sabi ko at nag-martsa na palayo sa kanya.

"Purita!"

"Tumahimik ka!" sigaw ko sa kanya at dere-deretso na sa paglalakad palayo.

***

PURITA'S POV

Napabalikwas ako ng bangon nang tumunog ang alarm clock ko. Alas sais na ng umaga. Nakakapagod talagang bumangon nang maaga lalo na kung kakatapos lang mag-honeymoon kasama si Dyuswa. Ay maharot. Char-char lang. Juskolord, sorry po ha? Hindi na po mauulit. Ang aga-aga ang dumi-dumi ng isip ko. Ipinilig ko ang aking ulo at inuga-uga. Naramdaman kong natanggal na naman ang mga screw sa ulo ko kaya kung ano-ano na naming kababalaghan ang naiisip ko.

"Umayos ka Purita kung ayaw mong ilublob ko 'yang magandang mukha mo sa inidoro," sabi ng utak ko.

Napahawak ako sa aking magkabilang pisngi. Sige na nga. Magbi-behave na talaga ako. Pero hindi ko lang maipapangako talaga ng 100% ha? Kung ang Safeguard nga eh 99.9% lang na bacteria ang kaya niyang patayin eh. Ang feelings ko pa kaya kay Dyuswa?

Kipayn! Today is another day. And today is Wednesday. Tomorrow is Thursday and over morrow is Friday. Ay ang ganda ko sa overmorrow na 'yan. Ikinaganda ko talaga 'yan ng bonggang-bongga. Pero hindi. Nabasa ko lang talaga 'yan sa libro na pinabasa sa akin kahapon ni grandlolo. Sobrang sakit ng lalamunan ko dahil mahigit sampung pahina talaga ang kuwento na 'yon at English pa. Kaya pakiramdam ko ngayon wala na akong natitirang red blood corpuscles sa katawan. Okay last na 'yan. Nabasa ko lang ulit ang RBC na 'yan sa isang document ni tita Veronica. Tunog-propesyonal kasi eh. Mas lalo ko talagang ikinaganda 'yan.

Nagpaunat-unat pa ako ng katawan bago ko napagpasyahang lumabas ng kwarto para mag-agahan. Mamaya na lang ako maliligo pagkatapos kong kumain. Pagkalabas ko ng kwarto ay siya ring pagbukas ng pinto ng kwarto ni Dyuswa. Magulo pa ang buhok niya pero bakit ang gwapo pa rin niya talaga. Hustisya naman d'yan Supreme Court. Oo na. Nabasa ko lang ulit 'yan sa...

"Morning," bati niya sa akin sa boses na nakakalaglag talaga ng panty.

Pero hindi iyon talaga ang ikinagulat ko eh. Na makalaglag-panty ang boses niya. Kundi ang pagbati niya sa akin ng 'morning'. Perstaym talaga na siya ang unang bumati sa akin. Anong nakain niya kagabi? Nang makalagpas siya sa akin ay saka lang ako bahagyang nahimasmasan. Kaagad akong ipinilig ang aking ulo. Hindi muna ako magpapatangay sa mga ginagawa niya sa akin ngayon. Susundin ko ang payo ni ate Hannah. Tama, tama.

When Dyuswa Meets PuritaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon