Kabanata 41- Condo Talking

10.4K 401 71
                                    

hin

Hindi porke't may ginawa ng isang kabutihan ang isang tao, ibig sabihin ay okay na kayo. Sa madaling sabi, hindi porke't binigyan ako ng bulaklak ng kurimaw na 'yon ay in good terms na kami. Naiinis pa rin ako sa kanya dahil patuloy niya pa rin akong iniinis.

Buti na lang talaga at nakatulog ako nang maayos. Siya talaga ang sisisihin ko bukas kung nagka-eyebags ako. Maaga kaming bumangon kinaumagahan para sa preparation. Dumating na kasi ang manager ng magazine at iyong mga make up artists. Pagkatapos naming mag-agahan ay nagbihis na agad kami at inayusan. Bandang alas otso ng umaga ay nasa labas na kami ng flower plantation. Ilang sandali pa ay nagsimula na ang shoot.

Ang first set ng photoshoot ay individual muna suot ang mga nakatukang damit sa amin. Pinauna ang mga boys at kaming mga girls ay pinaupo muna.

"Hay. Ang gwapo-gwapo talaga ni Craig ano," sambit ni Fiona.

"Oo nga eh. May girlfriend na kaya 'yan?" tanong naman ni Geraldine.

"Sabi ni Kelly wala pa eh. Pero dati meron. Nagkahiwalay nga lang," sagot ni Joyce habang pinagmamasdan pa rin nila si Craig na ngayon ay matamang nakikinig sa instruction ng photographer.

Tatlo ang photographers kaya minsan ay hindi sila nagkakasunod sa ideas dahilan para medyo tumagal ang shoot. Napadako ang tingin ni Craig sa amin at nakita kong pinagtaasan na naman niya ako ng kilay. Problema ng tipaklong na 'yon. Inirapan ko na rin siya at pinaypayan ang sarili ko gamit ang aircon. Chos lang.

Ang theme ay summer couple collection. At isa ang flower plantation na ito sa Batangas ang napiling location. Mero'n pang dalawang location ang pupuntahan namin. Sa beach at sa bundok daw. Nakakaloka. Wala pang binigay na araw kung kalian namin iyon gagawin. Sana ay hindi iyon magka-conflict sa isa rin naming fashion show next week. Ganito pala ang kalakaran sa modelling world ano? Nakakapagod din pala minsan. Akala ko basta ba gwapo o maganda ka lang, wala ka nang poproblemahin.

"Loka-loka naman iyong nang-iwan kay Craig. Kung ako lang nagging girlfriend niya, nako bantay-sarado siya sa akin. Pati brief niya lalagyan ko talaga ng padlock," sabi ni Fiona kaya nagtawanan kaming lima.

Ini-imagine ko kasi ano. Ang hitsura ng brief na may padlock. Hindi ba at may kabigatan din ang padlock? Mabigat na nga 'yong ano tapos dadagdagan pa ng padlock. Nakakaloka lang. Nakangisi ako sa gawi nina Craig nang sumulyap siya sa akin kaya napakunot-noo siya. Nagkibit-balikat lang ako at nagpatuloy sa pakikinig ng kalokohan ng apat.

"Swerte nga nitong si Ayissha eh. Kay bago-bago, nakaka-partner na ang ultimate male model na si Craig sa mga photoshoot at fashion show. Eh iyong mga senior models na babae na halos ipagpilitan ang sarili na makapareha siya ay nganga pa rin hanggang ngayon," ani Beatrice.

"Ano ba kayo. Nagkataon lang siguro 'yon. Saka kung ako ang papapiliin, ayoko siyang makapareha ano. Nakakainis kaya siya," sagot ko sa kanila na ikina-buntong hininga ng apat.

"Ganyan nga talaga siguro minsan ano. Kung sino pa ang ayaw, siya pa iyong pilit na binibigyan. Tayo itong may mga gusto ay ipinagkakait sa atin," natatawang sabi naman ni Geraldine.

Oo nga. Tama ka girl. May mga bagay talaga na kahit anong gusto natin, kung hindi para sa atin, hindi talaga ibibigay. Kaya ang mabuti pa, accept and move forward. Kahit na pa-dahan-dahan lang. At least umuusad di ba?

At least may konting improvement kang nakikita sa sarili. You are one step ahead to those who never tried. Walang nagmamadali rito. It takes one step at a time. There's no need to rush. It's like learning to fly or falling in love. It's gonna happen baby. Supposed to happen when you find the reason why. Charot! Ang haba ng lyrics na 'yon ha.

When Dyuswa Meets PuritaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon