Kabanata 57

8.4K 244 36
                                    

Leave

Purita's POV

"ONE,  two,  three go!"

Kaagad akong rumampa palabas ng backstage papuntang ramp.  Final rehearsal na namin ito para sa event na mangyayari bukas. Hindi ko alam kung anong una kong mararamdaman.  Kung kakabahan ba para bukas o magalit kay Dyuswa.

Hindi ko kasi tinigilan ang kaka-stalk ko sa kanya.  Hindi na nakasama si Ginny sa ginagawa ko dahil pumunta ito ng Iloilo para bisitahin ang resort nito sa Carles.  Kaya naman mag-isa na lang ako sa kakasunod ng palihim kay Dyuswa. At ang narinig ko kahapon ay isa nang malaking ebidensiya na niloloko nga niya ako.

Nasa sinehan kami kahapon nang tumunog na naman ang phone ni Dyuswa. The Unmarried Wife ang pinanood namin. Nagpaalam siya saglit para sagutin ang tawag.  Umarte naman akong parang wala lang ang paglabas niya. Pero lingid sa kanyang kaalaman ay palihim ko siyang sinundan.  Itinago ko ang aking sarili sa isang malapad na dingding. 

Nasa labas siya ng sinehan at nakapameywang habang may kinakausap sa phone.  Sapat na ang distansiya namin para pakinggan ko ang kanilang pinag-uusapan. 

"Yes.  I'm with her now.  At hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya.  Hindi pa ako handang sabihin sa kanya.  I need more time. Yeah.  Oo naman.  I will tell her soon. No.  I don't love her!"

Parang binagsakan ako ng buong kalawakan sa narinig. 

I don't love her.

I don't love her.

I don't love her. 

I don't love her.

Para iyong sirang plaka na paulit ulit na nagpi-play sa utak ko.  Gusto kong umiyak dahil sa sakit na nararamdaman ko.  Pero wala akong luhang maipalabas sa sandaling ito. Mas nangibabaw ang galit ko kay Dyuswa.

Hindi niya ako mahal?

After all this time? Hindi niya ako mahal? Eh anong ibig sabihin ng mga sweet words na sinabi niya sa akin? Bola lang ba lahat ng iyon? Ka-echusan?

Pinakilig niya ng bonggang-bongga ang fallopian tube ko pero sa huli ay niyurakan lang niya pala.

Pero kahit nasasaktan ako, nagagalit ako...bakit mahal ko pa rin siya?

Dali-dali akong bumalik sa pwesto ko at hinintay ang pagdating niya.  Kahit na naghihimutok ako sa galit ay hindi pwedeng basta-basta ko na lang siya sumbatan.  Alam kong malaking ebidensiya na iyon pero may pumipigil sa akin na huwag siyang agad-agad awayin.  Kailangan ko pa ring tanungin siya sa matinong usapan. 

Naramdaman ko ang pagtabi niya sa akin sa upuan.  Narinig ko ang mabigat niyang pagbuntong-hininga.

"Problemadong-problemado ah." Hindi ko napigilan ang maging bitter sa sinabi ko.

"Hindi naman," sabi niya at ngumiti pa sa akin.

"Kung nahihirapan ka na,  bitawan mo na.  Dahil habang tumatagal ay mas lalo kang mahihirapan.  Makakasakit ka pa ng ibang tao," mahinahon kong sabi subalit parang may bumikig sa aking lalamunan habang sinasabi iyon sa kanya. 

"Baby?"

"Mmm? "

"Ano bang pinagsasabi mo?"  naguguluhan niyang tanong. 

Tae mo Dyuswa.  Pakers ka!  Sakalin kita ng scotch tape eh!  Bweset!

"Wala.  Nadadala lang ako kay Angelica.  Ang galing niya.  Grabe.  Bakit kasi may mga taksil na lalaki eh.  Mamatay na sana sila. Ora mismo!"

When Dyuswa Meets PuritaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon