Part 47

13.7K 431 41
                                    

WHEN DYUSWA MEETS PURITA

CHAPTER 47

PURITA'S POV

Maaga akong nagising dahil Linggo ngayon. Maaga kaya akong nagigising dahil hindi ko talaga pinapalampas ang pagsisimba. Pagkatapos kong maligo at magpalit ay lumabas na ako ng aking kuwarto para kumain na ng agahan. Wala ngayon sina mommy at daddy dahil as usual may mga business trips na naman ang mga ito. Si grandlolo, gano'n pa rin. Masama pa rin ang loob sa akin. Wala namang kaproble-problema si grandlola sa akin. Mahal na mahal talaga niya ako. Gusto ko sanang yayain si grandlola kaso nag-aalala ako sa kalagayan niya eh. Kaya ipagdadasal ko na lang siya para gumaling na siya lalo.

Pagkarating ko ng kusina ay nagulat pa ako nang makitang kumakain na si Dyuswa at bihis na bihis na rin. Saan naman kaya ito pupunta ng ganito kaaga?

"Good morning!" masigla kong bati sa kanya.

"Kumain ka na."

Kaagad akong tumabi sa kanya. "May pupuntahan ka?"

"Oo."

"Saan?"

"Sa simbahan."

"Woah. Magsisimba ka rin?" hindi ko makapaniwalang tanong sa kanya.

"May iba pa bang ginagawa sa simbahan bukod sa pagsisimba?" nagtataka niyang tanong sa akin.

"Ah wala naman. Naa-amaze lang kasi ako sa mga lalaking nagsisimba eh. Mas lalong pumo-pogi kasi sa akin ang isang lalaki na pala-simba. Mga seryosong lalaki kasi ang mga taong ganyan," kwento ko sa kanya sabay kuha ng ulam sa pinggan niya.

"Hindi lahat nang nagsisimba ay mababait. At hindi lahat nang hindi nagsisimba ay masasama. Dapat alam mo 'yan."

"Alam ko naman 'yan ano. Pero kilala kita eh. Mabait ka rin naman kahit papaano. Tapos dagdagan pa na nagsisimba ka. Hindi talaga ako nagkamali sa pagpili ng taong mamahalin," nakangiti kong sabi sa kanya.

Napapailing na lang siyang nagpatuloy sa pagkain. Kinikilig ako. Bakit? Kasi sabay kaming kumakain ngayon na kaming dalawa lang talaga sa loob ng malaking bahay na ito. Para kaming bagong kasal. Kulang na lang ay mag-honeymoon kami. Hihihi.

Ilang sandali pa ay tumayo na siya at dinala ang pinagkainan sa lababo. Dali-dali ko na ring tinapos ang pagkain ko saka sumunod sa kanya.

"Pwede bang sabay na lang tayo sa pagpunta ng simbahan?"

"Hindi pwede."

"Bakit naman?"

"Gusto ko lang mapag-isa," sagot niya saka lumabas na ng bahay.

"Eh. Hindi naman kita tatabihan sa simbahan mamaya eh. Sige na. Sabay na tayo please?" pagpupumilit ko sa kanya.

"Makulit ka rin ano," napabuntong-hininga niyang sabi.

"Kaya nga mahal mo ako di ba?" biro ko sa kanya.

"You're really crazy."

"Crazy for you."

###

After ng thirty minutes ay nakarating na rin kami ng simbahan. Mabuti na lang at maaga pa kami kaya naman marami pang bakanteng upuan sa harapan. Hindi kasi ako sanay na sa likuran ako nakaupo eh. Okay, kapag sa classroom eh sa likuran talaga ako umuupo para hindi ako madaling makita ng guro naming na sa malapitan lang nakakakita. Pero kapag sa simbahan, hahanap talaga ako ng paraan para lang makaupo sa pinakaharap na upuan. Lalo na ngayon at may ginagawa akong kasalanan. Kailangan kong mag-doble kayod sa paghingi ng kapatawaran kay Lord.

When Dyuswa Meets PuritaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon