Kabanata 19- Drunken Love

10.4K 419 120
                                    

Hindi ko maiwasan ang kabahan nang makalabas na kami ni Michelle sa court. Moment of truth na ba ito? Sasagutin ko ba ang totoo kapag tinanong niya kung may past kami ni Dyuswa?

Huminto siya sa paglalakad kaya huminto na rin ako.

"Michelle, ano kasi..."

Ano bang sasabihin ko? Bakit parang nagi-guilty ako gayong wala naman akong ginawang masama sa kanya ngayon. Siguro dahil mabait siya? Urgh.

Nabigla ako nang niyakap niya ako nang mahigpit.

Eh?

Anong nangyari?

Ini-expect ko na bobombahin niya ako ng mga tanong na makakapagpasabog ng fallopian tube. Pero what is this? Niyakap niya ako? Mas lalo akong na-guilty!

"Thank you Ayissha!"

"Ha?"

Kumalas siya sa pagkakayakap sa akin at hinarap ako nang nakangiti. It's a sincere smile na lalo kong ikinaloka.

"For proving to me that Joshua is human."

Hala. She's talking alien really. Or baka ako lang ito ang medyo slow ang pick up ngayon?

"I don't get you."

"Nagagalit na siya. Nakita mo kanina Ayissha? Nagalit siya. Nagalit siya sa'yo," masaya niyang sabi na parang may isang milagrong nangyari.

Masaya na siya dahil nagalit si Dyuswa? Pero wait, masaya ba siya dahil nagalit sa akin si Dyuswa?

"Ngayon ko lang siya nakitang nagalit ulit. For almost 3 years namin, hindi siya nagalit. Kahit may ginawa akong mali minsan, hindi niya ako pinapagalitan. Iniintindi niya ako."

Eh di mabuti sa'yo! Sa akin kahit dati pa, halos umusok ilong no'n sa sobrang galit. Mas lalo ako tuloy nainis.

"Halos maniwala na ako na hindi na siya normal. Kasi hindi siya nagagalit eh. Ako nga, nagagalit din minsan, siya pa kaya?"

"So gusto mong nagagalit siya sa'yo?" naguguluhan kong tanong.

Iba rin pala ang trip ng babaeng ito eh.

"Gusto kong magalit siya sa akin kapag pumapalpak ako or may nagagawang pagkakamali. You know, anger is one of the emotions you could show to the one you love. Iyong emosyon na lang ang kulang para makumbinsi ko ang sarili ko na mahal na mahal nga ako ni Joshua," nakangiti niyang paliwanag sa akin.

Malayong-malayo talaga ang level of thinking namin. Magkasalungat. Ako, ayokong nagagalit sa akin ang taong mahal ko.

"Gano'n ba?" sabi ko na lang at pilit na tumawa.

Pero bigla ring napalis ang tawa ko nang makitang sumeryoso ulit si MMichelle. Nako, ito na ba 'yon? Appetizer lang ba 'yong kanina?

"Pero ipinagtataka ko kung bakit hindi mo sinuportahan si Josh."

"Ano kasi.."

"Alam na ng ibang empleyado na kayo ni Josh, Ayissha. What do you think ang sasabihin nila nang makitang si Luke ang sinusuportahan mo? That's why galit na galit sa iyo si Josh," sabi niya sabay buntong-hininga.

"Sorry. Kasi, nauna na akong nakapangako kay Luke eh. Binili na niya ang paninda kong condoms kaya iyon ang naging deal namin."

Tipid siyang ngumiti sa akin. "Basta Ayissha, mag-iingat ka sa mga susunod mong gagawin ha? You can put Joshua or yourself in a very complicated situation," sabi niya at ngumiti ulit sa akin bago ako iniwanan.

Nakahinga ako ng maayos nang mawala na siya sa paningin ko. Akala ko kasi moment of truth na eh. Hindi na lang ako bumalik sa court at naisipan na lang na maglakad-lakad sa field kahit mainit. Jusko, I need this. Ang mapawisan.

When Dyuswa Meets PuritaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon