Kabanata 60

9.4K 261 145
                                    

The Second Layer

PURITA'S POV

"ISA KANG MALAKING GAGA PURITA!" sigaw sa akin ni Ginny. 

Lumipat na ako sa condo nila kasama ang aso kong si Bhebhe Qoh.  Binilisan ko na rin ang paglipat para hindi na malaman ni Dyuswa kung saan ako tumutuloy ngayon. 

Sinabi ko sa kanila ni Eileen ang lahat kaya heto at naha-hotseat na naman ako sa kanilang dalawa. 

"Ba't gano'n Purita? Bakit nagdedesisyon ka agad sa sarili mo lang?" tanong naman sa akin ni Eileen. 

"Nasasaktan na ako eh."

"Natural! Mahal mo eh! Para ka namang bago nang bago sa sakit!" supalpal sa akin ni Ginny.

Napabuntong-hininga ako. 

"Hindi porke't sanay na akong masaktan,  ibig sabihin ay patuloy na lang akong sasaktan," katwiran ko.

Inis na ginulo ni Ginny ang kanyang buhok. 

"Hindi iyon ang punto ko,  Purs eh. My point is,  mali ka!"

"Ako pa ang mali? Ako na nga ang niloko eh."

"Ang mali mo ay hindi ka naniniwala kay Joshua.  Mas pinapaniwalaan mo pa ang santa-santitang Michelle na iyon!"

Lumapit si Eileen kay Ginny para pakalmahin ito.  Saglit naman akong natahimik. 

"Hindi ka pa ba nadala sa drama niyang magpapakasal na raw sila ni Joshua?! Na ang walang kamuwang-muwang na taong iyon ay ikakasal sa gagang iyon!"

"Ginny!" saway sa kanya ni Eileen. 

"Bakit naman siya magsisinungaling sa bagay na iyon?" tanong ko sa kanya.

Gusto kong patunayan na tama ako.  Na tama ang desisyon ko. 

"Kasi desperada siya!" sigaw niya sa mukha ko. "At ikaw naman itong si gaga,  naniwala naman agad!"

"Ginny! Sumusobra ka na.  Intindihin naman natin ang nararamdaman ni Purita ngayon."

Sinamaan niya ako ng tingin.  "Sana naman huwag mong pagsisihan iyang naging desisyon mo dahil sa kagagahan mo Purita," sabi niya at tinalikuran niya kami. 

Dumiretso siya sa tapat ng pinto at napahinto roon.  Ilang sandali pa ay humarap siya sa amin. 

"Oh bakit?" tanong sa kanya ni Eileen. 

"Gabi na pala.  At dito ako nakatira.  Kaya papasok na lang ako sa kwarto ko!" sagot niya at naglakad na palayo sa amin.

Pabagsak akong naupo sa sofa.  Tinakpan ko ang aking mukha ng mga kamay ko. Hindi ko na alam kung anong uunahin ko.  Kung anong pakiramdam ang uunahin kong damhin.

Ilang sandali pa ay nag-uunahang pumatak ang aking mga luha.  Tumabi sa akin si Eileen at tinapik-tapik ang balikat ko. 

"Bakit nangyayari sa akin lahat ng ito,  Ei?"wala sa sarili kong tanong sa kanya. 

"Dahil alam Niya na matapang ka.  Na malakas ka.  Na kaya mong harapin ang mga pagsubok niya.  And that trials will make you a better person in the future."

"Pero bakit kailangan talagang sabay-sabay?"

"Hmmm,  kasi maganda ka?" biro niya.

Bahagya naman akong natawa.  "Ang honest mo talaga."

"Alam ko namang iyan lang ang hinihintay mo para gumaan pakiramdam mo eh."

Inayos ko ang aking mukha saka nagpakawala ng isang malalim na buntong-hininga. 

When Dyuswa Meets PuritaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon