Kabanata 61

8.7K 289 105
                                    

Puzzle

PURITA'S POV

I know it breaks your heart. Moved to the city in a broke down car.  Four years no call,  now I'm looking pretty in the hotel bar.  And I...

"Miss Sandoval!"

Dahan-dahang naglaho ang magandang liriko ng kanta sa aking mala-eskinitang utak nang marinig ko ang aking pangalan. 

Tumingala ako at sumalubong na naman sa maganda kong mukha ang tumawag sa akin. 

"Are you cheating...AGAIN?" pagdidiin niya ng salitang 'again'. 

"Prof,  huwag niyo nga akong ma-again-again.  Kung makadiin ka naman ng AGAIN diyan eh parang ikinaganda mo naman," sabi ko habang pa-hina nang pa-hina ang boses ko. 

"What did you say?" nakataas ang kilay na tanong ng matanda kong professor. 

"Ah,  eh... Wala po prof!"

Pinasiringan niya ako pati ang answer sheet ko. 

"You know what,  miss Sandoval.  You are the oldest in our class. And you should be the role model.  But what are you doing? You are shamelessly cheating during the exam!"

"Prof,  role model naman ako sa mga kaklase ko ah.  Pinapakita ko sa kanila na dapat sa exam lang nagchi-cheat.  Hindi sa isang relationship," katwiran. 

Nagsipagtawanan ang mga kaklase ko. 

"And how many times do I have to tell you to speak English during my class!?"

Tumingala ako sa kisame.  Mga ilang beses na nga ba? Napasinghap ako at muli siyang tiningnan.

"Pasensiya na po prof pero hindi ko na mabilang eh."

"Out!" sigaw niya sa akin. 

"I said out!"

"Prof heto na nga.  Nagliligpit na oh.  Pasensya naman po," pabulong kong sagot sa kanya. 

Bago ako lumabas ay palihim pa akong kumaway sa mga kaklase ko. 

"See you ate Purita!" halos sabay-sabay nilang sabi sa akin.

"Ano ba kayo. Small things!" ganti ko sa kanila at nagmamadaling naglakad palayo. 

Perp hindi pa rin nakaligtas sa pandinig ko ang paalala ng prof namin. 

"Don't you dare follow her.  Or else,  your future will be full of uncertainties!"

Ngumingiwi akong naglalakad sa hallway.  Kung makapag-require ng English Only Policy sa class niya,  akala mo naman English Major!  Eh Economics naman ang itinuturo niya.

Bakit kasi kailangan pa ng subject na hindi mo naman magagamit sa kursong kinuha mo.  Katulad ko,  Education ang kinukuha kong course ngayon, major in English.  Anong maitutulong ng Economics sa grammar? Nakaka-jirits lang.

Oh well,  balong malalim.  Goodluck naman diyan sa mga kumukuha ng Marine Transportation na may subject na Research. Ano kayang maitutulong no'n sa magiging trabaho nila sa barko?

Pang-dagdag stress lang 'yan sa mga estudyante eh.  Iyon mga minor subject na nagpi-feeling major.  Maireklamo nga yan sa PAGCOR!

Patuloy pa rin ako sa pakikipag-usap sa aking sarili hanggang sa makarating na ako ng cafeteria. Ang cafeteria na walang binebentang kape!

Paano mo matatawag na cafeteria ito kung walang binebentang kape?!  Ano 'to lokohan? Pwede ko ba' tong maireklamo sa DOJ?

Bumili na lang ako ng sandwich saka isang can ng Coke.  Naghanap ako ng isang bakanteng table at doon kumain.

When Dyuswa Meets PuritaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon