Hanggang sa pag-uwi ko ay ang huling sinabi pa rin ni Dyuswa ang paulit-ulit na pumapasok sa isipan ko. Ano bang ginawa ko sa kanya? Napansin ko kasi na palagi na lang siyang nagagalit sa akin.
Oh my God! Baka kaltasan niya ang sweldo ko bukas! Oh no! No it can't be. Planado na ang bagsak ng perang iyon. May pinag-iipunan kasi ako kaya hindi pwedeng bawasan niya 'yon.
Para akong sinampal ng katotohan nang may ma-realize. Hindi na ako naging sweet fake girlfriend sa kanya! Dilang-mother naman oh. Pagkatapos kong magbihis ay humiga na ako sa kama at hinarap ang phone ko.
Kahit nahihilo ako dala nang ininom kanina ay nasa tamang pag-iisip pa rin naman ako. Ewan ko lang sa dalawang kasama ko kanina na nauna pang umuwi kesa sa akin. Mga lukaret na iyon!
Iti-text ko si Dyuswa. Siguro gising pa siya sa mga oras na ito di ba? Baka nasa club pa ito ngayon kasama mga barkada niya.
Ako:
Hi Dyuswa. Nasa bahay na ako. Ikaw? Nasan kna? Still in club? Umuwi kna. Gabing-gabi na oh. May pasok kpa kaya bukas. :)Sent!
Inilapag ko sa bedside table ang phone ko. Ano pa kayang mga gagawin ko para hindi na siya magalit sa akin? Lulutuan ko kaya siya ng pagkain tapos dalhan siya sa office niya? Tapos ililibre ko siya ng ice cream bukas bilang treat sa kanya. O di kaya bilhan siya ng gamit na pwede niyang magamit daily.
Napangisi ako sa isiping iyon. Siguro naman hindi na siya niyan magagalit sa akin di ba? Tutal May extra pa naman akong pera sa ngayon ay iyon na lang ang gagamitin ko para bukas.
Tama. Iyon na nga ang gagawin ko. Muli kong dinampot ang phone ko. Ang tagal naman niyang mag-reply. Busy nga siguro. Ibababa ko na sana ang phone nang bigla itong tumunog.
Fantastic Beast:
....Ha? Apat na period? Para saan iyon? Nakakaloka naman ang lalaking ito. Ang tagal magreply tapos iyon lang ang laman ng text niya? Ninakawan ba siya ng alphabet sa phone niya kaya naman period na lang ang kaya niyang i-type?
Ako:
Anong .... ? Lasing kna no? Hahahaha. Haynako Dyuswa. Uwi kna. Magagalit sayo si Michelle niyan. Cge ka. Or baka gusto mo isumbong kta sa kanya ngayon?Nakangisi ko itong sinend sa kanya. Tingnan lang natin kung hindi pa siya magrereply ng maayos sa akin.
One message received.
Fantastic Beast:
Already at home. Can't sleep. You?Ako:
Matutulog na ako. May gagawin pa kasi ako bukas ng maaga eh. Goodnight. :)Fantastic Beast:
Alright. Goodnight ....Ay mahilig talaga sa period ang lalaking ito. Ipinikit ko na ang aking mga mata dahil kanina pa rin naman ako nakakaramdam ng antok.
Nagising ako kinaumagahan na sobrang excited. Hindi ko na nga alam kung anong uunahin ko eh. Magluluto ba o bibili muna sa labas. Kalaunan ay napagpasyahan kong maligo na lang at magbihis. Pupunta na lang ako sa office ni Dyuswa.
Yayayain ko na lang siyang kumain sa labas dahil tinatamad na akong magluto. Sigurado pa akong magugustuhan niya ang mga pagkain sa labas ano. Sana lang ay hindi sa mamahaling restaurant siya magyayang kumain. Kawawa naman ang wallet ko pag nagka-gano'n.
Bago pa ako sumakay ng taxi ay dumaan ako ng convenient store at bumili ng isang cup noodles. Ibibigay ko ito kay Dyuswa dahil I'm sure may hang-over siya.
I was never wrong. Nadatnan ko siyang nakatunganga sa harapan ng desktop niya habang nakahawak sa ulo niya. Medyo nagulo pa ng bahagya ang buhok niya.
BINABASA MO ANG
When Dyuswa Meets Purita
HumorDear Dyuswa, Lagi na lang ganito. Ilang beses na ba kitang pinatawad sa paulit-ulit mong kasalanan ha? Pinatawad kita dahil sa pagmamahal ko sayo. Bat diz tym, I wheel giv up on us. I giv you ol my love. God knows where whore teeth. PS. Meet me sa h...