Kabanata 28- Can You Hear Me?

9.9K 340 87
                                    

Deretso akong umuwi ng bahay pagkagaling ko ng EGC. Hindi ko alam kung anong gagawin ko ngayon. Ang bigat-bigat nang nararamdaman ko ngayon. At hindi ko rin alam kung bakit?

Actually ayoko nang alamin kung bakit. Pabagsak akong humiga ng kama. Ipinikit ko ang aking mga mata. Siguro nga kailangan ko nang ipamukha kay Dyuswa na may boyfriend na ako. Kahit kunwari lang.

Napabalikwas ako ng bangon. Medyo na-excite ako sa kung sino ang irereto sa akin ni Ginny bukas. Ano kayang gagawin namin?

Hapon na kinabukasan nang makatanggap ulit ako ng text galing kay Ginny. Nasa Vertix Arrow na raw ang inirereto niya sa akin. Mabilis akong naligo at nagbihis.

Simple lang ang suot ko ngayon. Red blouse saka white semi-fitted jeans. At Vans na sapatos. Hinayaan ko lang ding inilugay ang mahaba kong buhok.

Lumabas na ako ng bahat at agad na pumara ng taxi.

"Kuya, sa Vertix Arrow po tayo."

Tumunog ang phone ko. Kaagad ko naman itong tiningnan.

Tsismosang Hokage:
He's wearing a red shirt and black pants.

Wow. Big red day ba ngayon? Nagkataon pa talaga na parehong kulay ang suot namin ha.

After 30 minutes ay nakarating na kami ng Vertix Arrow. Paglabas ko ng taxi ay ginala ko ang tingin ko sa paligid. May nakita akong lalaking nakapula sa loob ng Starbucks. Nakaupo ito at nakatalikod sa akin. Maybe that's him?

Lakad-takbo ang ginawa ko para makapasok ng Starbuck. Hindi ako rush ha? Lumapit ako sa lalaking naka-pulang t-shirt. Ngumiti ako.

"Hi," bati ko.

Tumango lang siya sa akin. Chinito! Suplado! Pero hindi uubra sa akin ang pagka-suplado niya.

Pero teka, siya ba talaga itong ipapakilala sa akin ni Ginny? Dali-dali kong tinext si Ginny.

Ako:
Tanungin mo nga kung saan siya banda sa Vertix Arrow. Nandito na ako eh.

Umupo ako sa table na malapit sa chinitong naka-pula. Ilang sandali pa ay may pumasok na mga kalalakihan. Lahat sila nakasuot ng pulang tshirts. Hala siya. Umupo ang mga ito malapit sa akin.

Tsismosang Hokage:
Nasa Starbucks na raw. Found him already?

Paano ko siya makikilala eh ang daming nakapula dito. Ano bang meron ngayon?

Ako:
No. Andaming nakapula sa Starbucks ngayon. Ano bang meron?

Tsismosang Hokage:
Ah, baka supporters ni Madam Miriam ang mga 'yan.

Napabuntong-hininga ako.

Ako:
Sabihin mo nga nandito na ako. At sabihin mo na naka-red blouse din ako.

Naiinis na ako. Sinuklay ko ang buhok ko gamit ang aking kamay.

"Mind if I join you?" nakangising tanong ng isang lalaki na naka-red shirt at black pants.

Ito na siya! At ang gwapo niya. Mestiso, maganda ang hubog ng katawan. At...at...nakakaloka ang hikaw niya sa left ear niya ha. Nasilaw ako ng slight.

"S-sure."

Umupo siya sa upuang kaharap ko. Tinitigan niya ako.

"So you're Purita?"

Bingo! Siya na nga! Kaagad akong tumango.

"You're more beautiful in person Purita."

Enebeyen! Kenekeleg nemen eeke. Ngemengewe ne eng fellepean tyeb ke. Ehe. Ehe. Ehe.

When Dyuswa Meets PuritaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon