WHEN DYUSWA MEETS PURITA
CHAPTER 50
****
Nagmamadaling lumabas ng kwarto niya si Joshua dahil nakatanggap siya ng text galing kay Purita na kailangan nitong makausap siya. Emergency raw. Ano na naman kaya ang nangyari?
"Josh!"
Napahinto siya sa paglalakad nang may tumawag sa kanya. Si Eileen iyon.
"Bakit?"
"Nalaman ko kasi na may reviewer ka raw before."
Napakunot-noo siya. "Reviewer?"
"Yeah. Sabi sa akin ni Mario. Effective daw 'yon eh. Kaya pwede ko bang mahiram sa'yo? Tayo rin naman ang magbebenepisyo," nakangiti nitong sabi sa kanya.
"I'm sorry pero nawala ko na iyon," sagot niya.
"Gano'n ba? Sayang naman. Siguradong ako na ang magta-top kung hindi mo nawala 'yon."
"Kaya nga eh. Pero I trust you. I know you can do better without it."
"Thank you."
"Sige, mauna na ako ha? Emergency," sagot niya at nagmamadaling umalis.
****
PURITA'S POV
Nasaan na kaya ang lalaking iyon? Hindi man lang nag-reply sa text ko sa kanya na umuwi na. Gusto ko sanang kausapin si tito Hector pero hindi ko nama siya ma-timing-an eh. Palagi kasi silang magkasama ni tita Veronica. Baka magduda 'yon kapag niyaya kong makausap si tito ng kaming dalawa lang. Baka akalain no'n na may tinatago kaming relasyon. Ipinilig ko ang aking ulo. Ano ba itong naiisip ko.
Mas mabuting si Dyuswa muna ang kausapin ko dahil mas maiintindihan niya ako. Siya ang pumasok sa akin sa gulong ito eh. Kaya dapat lang na tulungan niya ako. By hook and by... Ano nga ba kasunod no'n? Ah basta. Iyon na 'yon. Napatayo ako nang may kumatok sa pintuan. Sigurado akong si Dyuswa na iyon. Mabilis akong lumapit sa pinto at binuksan ito. Kaagad siyang pumasok sa loob at sinaraduhan ang pinto.
"What's the problem?" hinihingal niyang tanong.
"Ba't hinihingal ka?"
"Sabi mo emergency di ba? Now tell me, anong emergency ang sinasabi mo?"
Naglakad ako papunta sa kama at umupo. "Ipapakilala na ako nina grandlola bilang apo nila sa nalalapit nilang wedding anniversary. Next month."
"What?" gulat niyang tanong.
"Kita mo na? nakakawindang di ba? Hindi pupwede mangyari ang gusto nila Dyuswa. Malalaman ito ni itay kung saka-sakali," nag-aalala kong sabi.
"Relax ka lang okay? Makakahanap tayo ng paraan."
"Pero next month na 'yon eh. Hindi niyo pa ba nakikita ang totoo mong kapatid?"
"Wala pang sinabi si daddy sa akin. But I know, hindi siya titigil hangga't hindi nahahanap ang kapatid ko."
"Natatakot ako."
Dahan-dahan siyang lumapit sa akin at umupo sa tabi ko. Ilang sandali pa ay inakbayan niya ako.
"Don't worry. I'm here."
Isinandal ko ang ulo ko sa kanyang balikat. Para-paraan na ito. hihihi.
"Thank you."
"Pero ngayon, mag-focus ka na muna sa pagre-review. Two weeks from now na lang ay evaluation niyo na."
Tinulungan ko si tita Veronica sa paghihiwa ng mansanas. Ewan ko ba kung bakit ang hilig niyang maghiwa ng mansanas.
BINABASA MO ANG
When Dyuswa Meets Purita
HumorDear Dyuswa, Lagi na lang ganito. Ilang beses na ba kitang pinatawad sa paulit-ulit mong kasalanan ha? Pinatawad kita dahil sa pagmamahal ko sayo. Bat diz tym, I wheel giv up on us. I giv you ol my love. God knows where whore teeth. PS. Meet me sa h...