Part 25

16.4K 548 96
                                    

WHEN DYUSWA MEETS PURITA

PART 25

PURITA'S POV

Kapwa kami nagulat ni Bhon nang makita namin si Dyuswa na nakahalukipkip sa isang upuan sa waiting shed. Patakbo akong lumapit sa kanya.

"Bhe?"

Dahan-dahan siyang nagtaas ng ulo. Maputla ang labi nito at nakahawak sa kanyang tiyan.

"Okay ka lang bhe? Ba't nakahawak ka sa tiyan mo? Nagugutom ka ba? O masakit ang tiyan mo?" nag-aalala kong tanong sa kanya.

"Pinsan, are you alright? Anong ginagawa mo dito? Akala ko ba may practice pa kayo?"

"Sumakit ang tiyan ko," sagot nito. Kaagad ko namang sinalat ang leeg niya. Malamig iyon. Baka na-empatso, hindi natunawan. Ganun.

"Let's take you to the hospital," yaya ni Bhon kay Dyuswa. Hindi na kumontra si Dyuswa nang inakay ito ni Bhon. Nag-para na ako ng taxi saka sumakay na kami. Magkatabi kami sa backseat ni Dyuswa habang nasa front seat naman si Bhon katabi ng driver.

"Bhe? Masakit bang masyado?" tanong ko sa kanya. Namumutla na kasi siya. "Baka hindi ka pa kumain kaya sumakit 'yang tiyan mo?"

Umiling ito sa akin. Nakasandal lang an gang ulo nito sa headboard ng upuan saka panay ang buntong-hininga.

"Saan ka ba galing?" tanong sa kanya ni Bhon.

"Doon lang," tipid nitong sagot.

"Saang doon lang?" tanong ko naman.

"Basta."

"baka natatae ka lang?"

Napansin kong ngumiti ang driver saka si Bhon. Hala. Hindi naman imposible yung sinabi ko ah. Kainis naman ang mga ito.

"Stop talking nonsense Purita," ani Dyuswa.

"Wait. Alam ko na. Baka nausog ka?" napasigaw kong tanong.

"Nausog? Ano yun?" tanong sa akin ni Bhon.

"Kalimitan 'yong mga nakakasalubong at nakakasalamuha nating tao iyon na sumabay sa pintig ng puso natin. At kapag mas malakas siya kesa sayo," paliwanag ko.

"Woah. May ganyan palang nangyayari," manghang sabi ni Bhon. "So what's the cure?"

"Ayon sa nakakatanda, lalawayan mo ang tiyan ng taong nausog para mawala ang sakit ng tiyan nito," sagot ko.

"What? No way!" tutol ni Dyuswa.

"Para din naman sayo 'yan bhe."

"Oo nga pinsan. Just give it a try," segunda naman ni Bhon.

"Huwag kang mag-alala bhe. Hindi naman ako bad breath. Nagto-toothbrush ako three times a day," pakindat kong sabi sa kanya. Napabuntong-hininga pa siya bago dahan-dahang tinaas ang uniform niya saka tshirt. Lumantad sa aking magandang paningin ang flat na tiyan ng bhebhe ko. Humaygad. Kinikilig ba ako? Mahahawakan ko na ang flat na tiyan na walang abs ng bhebhe ko. Hihihi.

"Faster," pagmamadali niya.

Kaagad ko namang nilagyan ng konting laway ang daliri ko saka naglagay ng cross sa tiyan niya sa may bandang pusod. Nakakaloka!

"Usog. Usog. Umalis ka ngayon din," sabi ko habang nakadikit pa rin ang mga daliri ko sa flat na tiyan na walang abs ng bhebhe ko. Shemay na malagkit. Sana naging mighty bond na lang ang laway ko nang sa ganun ay hindi matanggal ang mga daliri ko sa tiyan niya. Hihihi.

"Tapos na ba?" tanong sa akin ni Bhon. Kainis naman 'to oh. Nanghihinayang kong tinanggal ang daliri ko sa tiyan ni bhebhe ko saka binaba na ang uniporme niya.

When Dyuswa Meets PuritaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon