WHEN DYUSWA MEETS PURITA
PART 31
***
"Ano anak, okay lang ba na ikaw muna ang sumama sa Inay mo para magtinda ngayong gabi? Binibisita na naman kasi ako ng ubo ko eh," malumanay na sabi ng tatay ni Purita sabay ubo.
"Opo naman Itay. Kailangan niyo munang magpahinga ngayon. Ako na ang bahala. Siguradong mauubos paninda namin kapag ako ang nagtinda," nakangiting sagot naman ni Purita sa kanyang itay.
"Maraming salamat anak. Buti na lang at maganda ka. Hindi mana sa Inay mo," pabiro nitong sabi.
Magsasalita pa sana si Purita nang makitang binatukan na ng Inay niya ang kanyang Itay.
"Tumigil-tigil ka d'yan Oscar kung ayaw mong mabatukan," inis na sabi ng Inay niya.
"Binatukan mo na nga eh," mahinang sagot ni Oscar.
"Umalis na nga tayo Inay. Para maaga pa tayong makauwi mamaya," natatawa niya na lang na sabi sa mga magulang niya.
Parang aso't pusa kahit noon pa man ang kanyang mga magulang. Mabungangang nanay at alaskador na tatay. Dagdagan pa ng maldita niyang tiyahin. Ang saya di ba? Kahit minsan ay hindi siya nagsisisi na ito ang kumupkop sa kanya. Ramdam niya ang pagmamahal ng mga ito. At ito ang dahilan kung bakit nagsusumikap siyang mag-aral sa isang sikat na high school. Kahit na pagtitinda lang ng streetfoods ang kanilang hanapbuhay pero nagsusumikap pa rin ang mga ito na mapag-aral siya sa magandang eskwelahan. Kaya hinding-hindi niya bibiguin ang mga ito. Kahit bobo siya pero kailangan niyang maka-graduate ng high school. Kaya nga todo rin siyang mag-review ng notes nila ni Mario eh. Sayang ang libreng matrikula sa college kapag hindi siya ang nag-top sa evaluation sa susunod na buwan.
Inipit niya ang ilang review materials sa ilalim ng de-tulak na sasakyan nila kung saan nakalagay ang kanilang paninda. Ilang sandali pa ay lumabas na sila ng bahay nila ng kanyang Inay.
"Anak, anong constellation 'yon?" tanong ng kanyang inay habang nakatingala sa langit.
Lihim siyang napangiwi. Bakit ba kasi ang hilig ng inay niyang magtanong ng mga kababalaghan na sa eskwelahan lang niya naririnig?
"Constellation po?" ulit niya.
"Oo. Ayon oh," turo nito sa Big Dipper na constellation.
"Hindi naman po 'yan constellation eh," alibi niya.
"Ha? Eh ano 'yan?"
"Mga bituin po 'yan. Mga magkakaibigang bituin. Gano'n," nakangisi kong sagot sa kanya.
Huminto sa pagtutulak ang kanyang inay at inis siyang tiningnan. "Third year ka na Purita pero hindi mo pa rin kabisado ang mga constellation?"
Lagot na. Naiinis na ang kanyang inay. At alam na niya ang kanyang parusa. Mag-isa siyang magtutulak ng paninda nila.
"Sorry po Inay. Pangako pag-aaralan ko 'yan mamaya," sagot niya at nag-umpisa nang magtulak. Mag-isa.
Hingal na hingal siya nang makarating sila sa kanilang pinupuwestuhan sa pagtitinda. Mas okay kasi sa lugar na iyon dahil maraming parokyanong dumadaan at bumibili sa kanila. Sila lang naman kasi ang may pinakamasarap na streetfoods sa kalakhang Maynila. Expert kasi ang Itay Oscar niya sa paggawa ng sawsawan o sauce. Frustrated chef kasi ito. Saglit na nagpaalam ang Inay niya dahil may naiwan ito sa kanilang bahay. Kaya ngayon ay mag-isa muna siyang magtitinda.
"Hi miss," bati sa kanya ng isang binatang lalaki na lamang lang kay Mario ng isang ligo.
"Hello po kuya. Ano po 'yong bibilhin niyo? Kikiam? Squid ball? Chicken ball? O ang sikat na sikat naming fish ball??" masiglang tanong niya rito.
BINABASA MO ANG
When Dyuswa Meets Purita
HumorDear Dyuswa, Lagi na lang ganito. Ilang beses na ba kitang pinatawad sa paulit-ulit mong kasalanan ha? Pinatawad kita dahil sa pagmamahal ko sayo. Bat diz tym, I wheel giv up on us. I giv you ol my love. God knows where whore teeth. PS. Meet me sa h...