Kabanata 22- Ano bang ginawa mo?

10.4K 369 105
                                    


Pagkatapos kong kumalma ay dumiretso na ako ng banyo para maligo. Lalabas kami ngayon nina Eileen at Ginny. Kakalimutan ko ang nangyari kanina. Iisipin ko na lang na walang nangyari. I won't dwell in the past.

Wala iyon Purita. Masama lang ang pakiramdam mo kanina kaya nangyari iyon. Wala ring kasalanan si Dyuswa. Nagtanong lang naman siya eh. Ako lang naman itong naging OA kanina sa pagsagot. Kaya ang mabuti pa ay mag-party na lang talaga ngayon. Sagot naman ni Eileen eh.

Right after kong magpalit ng damit ay tumawag na sa phone ko si Ginny.

"Nasaan ka na? Bakit ang tagal mo naman?" inip niyang tanong sa kabilang linya.

"May ginawa pa kasi ako kanina. Saan ka na ba? Magkasama na kayo ni Eileen?"

"Oo. At ang gaga, atat na atat na yatang magpakalasing. Nandito kami sa jeepney station."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Anong trip na naman ng dalawang ito at sasakay kami ng jeep papuntang club??

"Seryoso kayo? Naka-party attire tayo tapos sasakay tayo ng jeep?"

"Hoy wag kang ano. Safe naman sumakay ng jeep ah. Don't you know na Campuestuhan city is one of the safest city in the country?"

Sabagay May point siya. Iyong jeepney kasi rito ay iba sa jeepney sa Maynila o sa ibang city. Ang operator ng jeepney rito ay iisa lang. Sa buong syudad ay meron lang 30 jeepneys na umiikot sa designated destination. One way to avoid traffics. Same with the taxi and private cars. Maraming process ang pagdadaanan bago ka talaga mabigyan ng license to drive here. Kaya huwag na huwag kang rarason na late ka sa trabaho dahil sa traffic. Paniguradong tigbak ka agad.

Saka ngayon ko lang din naisip ang tungkol sa kidnappan na nangyari. Safest city tapos may nakalusot na kumidnap kay Michelle. Hindi ko talaga naisip ang posibilidad na ka-echusan lang ang lahat. Pero si Dyuswa nga hindi niya naisip na matalino siya, ako pa kaya na mata-linaw lang during exams?

"Bilisan mo na!"

"Oo na. Oo na. Kalma mo lang fallopian tube mo okay? Isaksak ko sa'yo mga krayola eh," sabi ko habang sinusuot ang sandals ko.

Pagkababa ko ng tawag ay ipinasok ko na ang phone sa purse ko saka lumabas na ng bahay. Narinig ko pa ang tahol ni Bhebhe Qoh pero hindi ko na pinansin. Tiyak maglalaitan na naman kami niyang dalawa.

Laking gulat ko nang paglabas ko ng gate ay nandoon pa rin si Dyuswa. What the hell?

Nakasandal siya sa labas ng kanyang sasakyan. Tumayo siya ng tuwid nang makita ko. Huminga muna ako ng malalim bago lumapit sa kanya.

"May pupuntahan ka?" tanong niya.

"Oo. Girl's night out kasama sina Eileen at Ginny," sabi ko at tipid na ngumiti.

Marahan lang siyang tumango.

"Hindi ka pa ba uuwi? Gabi na ah. Si Michelle, hindi ka ba hinahanap?"

Umiling siya. Ano bang problema ng lalaking ito?

"Bakit nandito ka pa? Babantayan mo ba ang ang bahay ko habang wala ako? Ahm, nasa loob s Bhebhe Qoh. I'm sure matutuwa iyon kapag nakita ka. Crush ka no'n. Malandi 'yon eh. Pero huwag mong papatulan 'yon ha. Pini-preserve ko virginity no'n eh," halos mahingal ako sa dere-deretso kong pagsasalita.

"I think I should go home," sabi niya at tipid na ngumiti sa akin.

Ewan ko ba at parang makulimlim yata ang mga mata niya. Malungkot ba siya? Bakit naman siya malulungkot? Nasa kanya na ang lahat. Bonggang trabaho at mapagmahal na girlfriend. Is there any reason for him to be sad? Or baka guni-guni ko na naman ang nakikita ko ngayon?

When Dyuswa Meets PuritaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon