Part 30

15.4K 470 23
                                    

WHEN DYUSWA MEETS PURITA

PART 30

####

PURITA'S POV

Tinawagan ko si Bhon dahil sa binalita sa akin ni tita Sarah ko. Ang saya-saya ko talaga ngayong araw na ito. Excited na akong makita mamaya ang bhebhe ko. Hihihi.

"Ayissha Kyleigh?? Ikaw ba talaga 'to?"

Nagulat ako sa tinanong ni Bhon. Ba't parang gulat na gulat yata siya at hindi makapaniwala na kausap niya ako ngayon? Sabagay. Napaka-outspoken nga pala ni Bhon.

"Oo. Bakit parang gulat na gulat ka d'yan?" natatawa kong tanong sa kanya.

"Kasi hindi na kita makontak kagabi eh."

"Ah. Nalowbat na kasi ako eh. Sorry. Niyaya kasi ako ni Dyuswa mag-date. Kaso nga lang hindi siya sumipot. Kaya umuwi na lang din ako ng malungkot. Nagtatampo nga ako sa kanya eh."

"Huwag kang magtampo sa kanya. Hindi niya naman kasi..."

"Pero nawala ang tampo ko sa kinuwento sa akin ni tita Sarah kanina. May naghanap daw sa akin kagabi. Guwapo raw, matangkad, maputi at halatang gustong-gusto raw ako. May pagnanasa pa ngang nakita si tita sa mga mata niya eh," kinikilig kong kwento. Mas kinilig talaga ako sa PAGNANASA. Hihihi. Ang landi ko talaga.

"AH, gano'n ba?"

"Hindi nga ako nakaabot ng first period ngayon. Hahanapin ko pa mamaya si Dyuswa para makapag-usap kaming dalawa."

"Mabuti 'yon."

"Sige Bhon. 'Yan lang muna ang ibabalita ko sa'yo ha? Aalis na ako papuntang school. Hehehe."

"Okay, mag-ingat ka. Bye."

Nagulat pa ako nang bigla niyang pinatay ang tawag. Hindi pa nga ako nakapag-ba-bye eh. Hmp. Hindi bale na. magkikita pa rin naman kami ni Bhon eh. Pero ngayon, uunahin ko munang hanapin si bhebhe ko. Ang lalaking iyon talaga. Masyadong mahiyain sa pagsabi ng tunay na nararamdaman.

###

Mabilis kong tinatahak ang hallway nang matanaw ko buhat sa malayo sina Flower at Eileen na parang may pinag-uusapang seryoso. Ngayon ko lang nakita si Flower na gano'n kaseryoso. At dahil naintriga ako ay tahimik akong pumunta sa kanilang direksiyon nang hindi nila nalalaman. Sa una ay hindi ko maintindihan ang pinag-uusapan nila. Para kasing hindi seryoso ang mukha ni Eileen eh. Pero naalarma ako nang hawakan siya sa magkabilang balikat ni Flower. Ano bang nangyayari sa kanilang dalawa?

"Kung may masamang nangyari kay Purita, makakalimutan kong babae ka Eileen! Ako mismo ang magsasabi sa kanila ng totoo. Na tayong dalawa ang may pakana ng lahat. Na ninakaw ko ang phone ni Joshua at ikaw ang nagtext kay Purita tungkol sa date-date na iyon. Ikaw ang nag-text at hindi si Joshua!' galit nitong sabi kay Eileen.

Para akong niyanig ng lindol sa narinig. At mas hindi ako makapaniwala sa ginawa nila.

"T-totoo ba ang sinabi mo Flower???"

####

PURITA'S POV

"P-Purita?"

"Sagutin mo ang tanong ko!"

"Patawarin mo ako Purita," sabi niya sa akin sabay lapit sa akin. Hahawakan niya sana ako kaso nagpumiglas na ako.

"Ikaw ba? Ikaw ba ang may pakana nito?" galit kong tanong kay Eileen.

Nagkibit-balikat lang siya na mas lalong ikinainis ko. Walang ngali-ngaling nilapitan ko siya at sinabunutan. Nanggigigil ako na sa sobrang gigil ko ay gusto ko siyang kalbuhin.

When Dyuswa Meets PuritaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon