Purita's POV
Kanina pa katok nang katok sa pintuan ko ang yaya namin. Bihis na bihis na rin ako at manghang mangha sa aking hitsura. Ang ganda ganda ko lang talaga eh. Pero hindi iyan ang isyu ngayon. Kinakabahan na talaga ako. Kapag lumabas ako sa maraming tao, malalaman na ng lahat ang totoo. Saka baka mapano si itay kapag nalaman niya ang mga pinanggagawa ko. Huhuhu.
"Ayissha!" Tawag ulit sa akin ni yaya.
Napapikit muna ako saka humugot ng isang malalim na hininga. Ilang sandali pa ay tumayo na ako at lumapit sa pinto. Medyo nanginginig pa ang kamay ko habang hawak ang seradura.
Nang nabuksan ko ang pinto ay bumungad sa akin ang nakangiting yaya namin.
"Nako mam. Ang ganda niyo talaga," mangha niyang sabi sa akin.
Sus kung hindi lang sana ako dinadaga ngayon, baka patulan ko pa ang sinabi niya. Pero hindi eh. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Kung tatakbo ba ako palayo dito o ano. Deds na talaga ako nito.
Pababa na sana ako ng hagdan nang makita ko si Bhon sa ibaba na nakasuot ng black tuxedo. Ang gwapo nito sa kanyang suot. At mas lalo siyang kumisig ng ngumiti siya.
"Are you ready? They are waiting for you outside. Nandoon na rin ang press," nakangiti niyang sabi.
Jusmiyo. Yang press na yan ang pinakaayaw ko sa lahat eh. Parang ayokong bumaba sa narinig ko.
"P-press??"
"Yes. At sinabi nilang iinterviewhin ka raw nila right after the party."
Kapag pumayag akong magpainterview, parang nilalapit ko na rin ang sarili ko sa peligro. Juskolord. Tulungan niyo po sana ako sa aking plano. Palipat lipat ang tingin ko sa hagdan at kay Bhon. Ilang sandali pa ay humakbang na ako sa hagdan at nagsimula nang magpagulong-gulong sa hagdan. Kasabay nang paggulong ko ay narinig ko ang malakas na tili ni yaya. Naramdaman ko pa ang paghawak ni Bhon sakin saka ako nagkunwaring nahimatay.
Ilang sandali pa ay naririnig ko na ang boses ni Dyuswa at ni tita Veronica. Mas lalo kong ginalingan ang pagpapakahimatay at naramdaman ko na lang na may bumuhat sa akin. Alam kong malaking gulo ang ginawa ko pero iyon na lang talaga ang naiisip kong paraan para hindi matuloy ang pagpapakilala sa akin.
Sa pagkukunwari kong nahimatay ay nakatulog na talaga ako. Pagmulat ko ng aking mga mata ay bahagya pa akong nasilaw sa liwanag ng kwarto. Nasa ospital na ako. Inikot ko ang aking paningin at nakita si Dyuswa na nakaupo sa isang upuan sa right side ko at nakayuko lang siya. Nakatulog yata.
Itinaas ko ang aking kamay at hinawakan ang ulo niya. Awtomatiko naman siyang gumalaw at tumingin sa akin.
"Purita! How are you feeling?? May masakit pa ba sayo. Ang sabi ng doktor eh mild fracture lang pero hindi ako naniniwala. Tell me," hindi magkamayaw niyang sabi sa akin.
Hindi ko napigilan ang ngumiti dahil sa cancern niya sa akin.
"Okay lang ako."
Okay lang naman talaga ako eh. Ewan ko ba. Parang wala namang masakit sa katawan ko eh. Sanay na kasi akong nahuhulog nang walang may sumasalo sa akin. Cheken lang. Tinanggal ko ang nakalagay sa leeg ko na protection ba yun. Hindi ko alam tawad dun eh. Nabigla naman si Dyuswa sa ginawa ko.
"Are you out of your mind? Ibalik mo yan!" Utos niya sa akin.
"Matagal na akong wala sa tamang pag iisip Dyuswa. Saka tignan mo oh. Hindi naman masakit ang leeg ko eh," sabi ko sabay ikot-ikot ng leeg ko.
Napabuntong hininga na lang siya pero seryoso pa rin ang mukha niya.
"Tell me what really happened back there."
BINABASA MO ANG
When Dyuswa Meets Purita
HumorDear Dyuswa, Lagi na lang ganito. Ilang beses na ba kitang pinatawad sa paulit-ulit mong kasalanan ha? Pinatawad kita dahil sa pagmamahal ko sayo. Bat diz tym, I wheel giv up on us. I giv you ol my love. God knows where whore teeth. PS. Meet me sa h...