Kabanata 48- Not Today

10.3K 320 75
                                    

Not Today

'We finally fall apart and we break each other's hearts
If we wanna live young love we better start today.'
(Not Today, ImagineDragons)

Lalapit na sana sa amin si Dyuswa nang huminto ito sa paglalakad at may kinuha sa kanyang bulsa. Malungkot niya akong tiningnan bago siya tumalikod at sinagot ang tawag.

Kung sino man ang tumatawag sa kanya ay wala na akong pakialam. Baka nga si Tiffany iyon eh. Mas mabuti na iyon kesa guluhin niya pa ako. Dahil sa ngayon, gulong-gulo ako sa mga nangyayari sa buhay ko.

Kumalas ako sa pagkakayakap kay Bhon at natatawa siyang hinampas sa balikat. God. Na-miss ko ang tisoy na ito ah.

"Anong ginagawa mo rito? I mean, bakit ka nandito? Kailan ka pa nakauwi? Sinong kasama mo? Girlfriend mo?" sunod-sunod kong tanong sa kanya.

"Bakit ka umiiyak? Sinong nagpaiyak sa'yo? May masakit ba sa'yo? Saan banda?"

"Eh?"

Mahina siyang tumawa saka umupo sa bench. He crossed his arms and looked up at me.

"Maupo ka nga muna. Ang dami mo ng tanong eh," sabi niya.

Inismidan ko siya pero umupo na rin ako sa tabi niya. Nang makaupo ako ay ginulo niya agad ang buhok ko kaya naman napatili ako.

"Hoy! Ano ba Bhon!"

"Na-miss lang talaga kita. Ilang taon na ba tayong hindi nagkikita? Five years?"

Umiling ako. "Six years na oy!"

Umalis din kasi si Bhom after a year na umalis sina Dyuswa. Doon na rin siya nag-aral sa States. Kahit may communication kami noon ay hindi ko sinabi sa kanya ang nangyari sa akin before. Ang alam niya lang ay okay ako at nag-aaral. At nag-iipon ng pera para makapunta ng US at surpresahin si Dyuswa.

Ang maganda kay Bhon ay hindi siya nangingialam kahit alam niyang may magagawa naman siya. He always respects my decision. Ni hindi nga niya sinabi kay Dyuswa ang lahat dahil ang sabi ko sa kanya ay ako na ang bahalang magsabi.

Bhon always keeps his promises to me.

"Ang tagal na pala ano?" sabi niya at tumingin sa kawalan saka bumuntong-hininga.

Ako naman ay tumingin din sa kawalan. We just sat there for a while na walang nagsasalita. It's just as if silence is our one way of talking to each oother. Ito iyong na-miss ko eh. Ang umupo lang katabi ang isang taong alam mong nandiyan para sa'yo.

"Nagti-text ako sa'yo ni hindi ka man lang sumasagot."

Tumagilid ako at tiningnan siya. Dahan-dahang lumaki ang aking mga mata nang may maalala.

"So ikaw pala iyong nagti-text na Ayissha Kyleigh?"

Nag-isang linya ang kanyang mga labi at nanliit ang kanyang mga mata habang nakatingin sa akin.

"Bakit may ibang tao pa bang tumatawag sa'yo na Ayissha Kyleigh?"

Tumingala ako sa langit at binilang ang mga bituin. Pero wala akong mabilang. Syempre, hindi pa gabi. Kaloka naman. Binalik ko ang tingin sa kanya saka ngumiti.

"Wala. Ikaw lang naman."

"See. So how come Hindi man lang pumasok sa utak mo na ako ang nagtitext sa'yo?"

"Eh ikaw kasi. Pwede ka namang deretsahang magpakilala. Bakit may pa-mysterious effect ka pang nalalaman ngayon?"

"Akala ko naman kasi makikilala mo naman ako by calling your name," sabi niya sabay tawa.

When Dyuswa Meets PuritaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon