***
Napanganga si Mario nang makita si Purita. Nakasuot lang ito ng school uniform nila subalit sa paningin nito ay para itong naka-nighties lang. Ipinilig niya ang kanyang ulo. Hindi siya dapat pwdeng mahulog kay Purita. Never.
Ngumiti sa kanya si Purita nang lumapit na ito sa kanya.
"Hi," masigla nitong bati.
"H-hello. How are you?"
"Maganda pa rin."
"Saan ka galing last week?"
"Ah. May pinuntahan lang ako. Bakit?"
"W-wala naman. Hinahanap ka lang kasi namin. It's good that you're here. Anyway, ako nga pala ang magiging tutor mo."
Napabuntong hininga ito. "As if my choice pa ako."
"Hindi ka magsisisi sakin. Baka hindi mo alam mas matalino ako kay Joshua," pagmamayabang niya.
"Tsss. Sabi nila life is unfair. Pero nagkakamali sila. Isa kang buhay na testigo na life is fair."
"Talaga?" masayang tanong nito.
"Oo naman."
"Papano mo naman nasabi yun?"
"Tignan mo ako. Bobo pero bawing-bawi sa kagandahan. Ikaw, sobrang matalino. Yun nga lang, may kapangitan."
"Ouch. It hurts," kunwa'y nasasaktan niyang sabi.
"Namimiss ko na ang Dyuswa ko."
"Tara library tayo," yaya niya.
"Ayoko nga."
"Mag uumpisa na tayo sa tutorial mo."
"Inaantok ako. Nakakatakot kaya sa library."
"Bakit naman?"
"Para kasinh pinagkakaisahan ako ng mga libro dun eh. Alam mo na."
"Akong bahala sayo. Isa pa, nandoon din ngayon si Joshua."
Lumiwanag ang mukha nito. "Seryoso?"
"Yep. So tara na at una nating ididiscuss ay Chemistry."
"Chemistry namin ni Dyuswa?"
"Oo na," napipilitan niyang tawa.
"Ay. Hindi ba pwedeng Anatomy na lang ng bhebhe ko ang pag aralan natin?" nangingislap ang mga mata nitong tanong sa kanya.
"Hindi pwede yun. Chemistry na lang."
Napaismid ito. "Sayang naman. Siguradong mapeperpek ko ang exam kapag Anatomy ni Dyuswa ang topic. Hmp."***
Napatigil si Joshua sa pagbubuklat ng libro nang bumukas ang pinto at iniluwa no'n si Mario saka si Purita. Napakunot-noo siya. Kelan ito nagpaiksi ng buhok? Saglit pa ay umiling siya. Pakialam niya ba.
Ilang sandali pa ay nakalapit na ang mga ito sa kinauupuan nila ni Eileen.
"Hi bhe! Na miss kita!" nakangiting sabi ni Purita. Mahina lang siyang tumango.
"Pare, buti pa siguro na sa kabilang mesa na lang kayo. Medyo crowded na kasi dito eh," sabi niya kay Mario.
"Oo nga. Saka ayaw namin ng maingay," segunda ni Eileen na nakatingin kay Purita.
"Panget ka pa rin. Tara na nga Mario!" yaya ni Purita kay Mario at pumwesto ang mga ito sa kabilang mesa. Saglit pa niyang pinagmasdan si Purita saka binaling ang tingin sa libro.
####
"Sana ikaw na lang ang nagtu-tutor sa Eileen na yun!" inis na sabi ni Purita.
"Ayaw niya eh. Mas gusto niya si Joshua kesa sakin," malungkot na sagot ni Mario.
"Bagay sana kayo."
"Talaga?"
"Oo. Pareho kayong panget "
"Ang sakit mo namang magsalita. Maghanap na nga muna tayo ng ibang reference," sabi nito at tumayo na ito, tumungo ng self. Sumunod naman dito si Purita.
"Hoy panget?"
"Ano na naman??" naiinis nang sabi ni Mario.
"Ikaw naman. Kapag tinawag kang panget, huwag ka na munang lumingon agad. Magpakipot ka muna," natatawang sabi ni Purita.
"Bobo ka naman eh," ganit nito.
"Anong sabi mo?"
"Sabi ko bobo ka. Ang martir mo naman. Dapat sa susunod...."
Hindi na nito natapos ang pagsasalita nang hinampas siya ni Purita sa ulo.
"Aray!'
"Bagay yan sayo," sagot niya saka nagpatiuna nang bumalik sa pwesto nila.***
Walang pagpipigil na hinampas ng libro ni Purita si Mario sa balikat nang sinabihan siya muli na bobo. Kaya naman napasigaw siya nang malakas sa loob ng library. Kaagad naman itong pinagsabihan ng librarian.
"Bleeh. Bagay nga sayo," napapahagikhik na sabi ni Purita.
"Gusto mo bang magka full scholarship mag-college ka?"
"Oo naman."
"Then makinig ka sa akin ng mabuti. Hindi panay sulyap ka kay Joshua."
"Ewan ko ba. Lakas-tama talaga ako kay Dyuswa."
"Talo ka kay Eileen. Kita mo, siya ang naka first base kay Joshua."
"Hindi naman ako susuko ano. Alam ko namang maiinlove din sakin si bhebhe ko eh."
"Wala ka pa ring magagawa kung malandi ang kalaban mo."
"Huh! Malandi lang siya. Eh ako? Malandi na, magandang-maganda pa. Oh sa'n ka pa? Total package na ako 'no!" pagmamayabang niya.
Napailing na lang ito sa kanyang sinabi. Kinuha nito ang isang libro subalit natabig nito ang ibang libro kaya nahulog ito sa sahig.
"Ako na," presenta niya saka lumuhod para kunin ang mga nahulog na libro. Akma na sana siyang tatayo nang masagi niya ang isang paa dahilan para mabitiwan nito ang dala-dalang mga libro kaya tumama ito sa ulo niya.
"Aray ko!" tili niya.
"Silence!" saway ng librarian.
Pigil-pigil ang tawa sa kanya ni Mario. Inirapan niya ito at napatingin sa gawi ni Joshua. Nakita niyang ngumiti ito. Gosh Abelgosh. Totoo ba ang nakita niya? Ngumiti si Joshua! Yung tunay na ngiti. Ang kisig nitong tingnan. Kenekeleg ne nemen si Purita.
"Lord, kung totoo man po itong nangyayari ngayon, pwede bang umulan na lang ng libro at itama niyo sa akin? Gusto kong makitang nakangiti palagi ang bhebhe ko! Hihihi," usal niya sa sarili.
BINABASA MO ANG
When Dyuswa Meets Purita
HumorDear Dyuswa, Lagi na lang ganito. Ilang beses na ba kitang pinatawad sa paulit-ulit mong kasalanan ha? Pinatawad kita dahil sa pagmamahal ko sayo. Bat diz tym, I wheel giv up on us. I giv you ol my love. God knows where whore teeth. PS. Meet me sa h...