Purita's POV
Naalimpungatan ako nang masilaw ako sa liwanag na tumambad sa harapan ko. Mga ilang segundo pa siguro ang in-adjust ng mga mata ko bago ko makita si Michelle na nakangisi habang may hawak na cellphone. Kinunan niya ako ng picture? Jusko. Baka nakangaga ako habang natutulog.
"Ang cute niyo ritong dalawa," masigla niyang sabi habang nakatingin sa phone niya.
Ang cute daw. Ipalunok ko sa kanya phone niya eh. Pero teka, 'niyo'? Hindi 'mo'?
One second akong nag-buff bago ko nakuha ang sinabi niya. Ramdam ko na kasi na may mabigat na bagay na nakapatong sa balikat ko. Paglingon ko ay nanlaki ang mga mata ko.
Oh no! This can't be! Dali-dali kong tinapik ang pisngi ni Dyuswa para magising siya. Baka anong isipin ng dalawang ito.
Dahan-dahan namang iniangat ni Dyuswa ang kanyang ulo at umupo nang maayos.
"Are we here?" kaswal niyang tanong na para bang wala lang sa kanya ang nangyari.
Or baka ako lang ang napa-praning dito. Tawang-tawa pa rin kasi si Michelle habang normal lang naman ang reaksiyon ni Luke.
Lord, anong nangyayari sa akin? Nasisiraan na ba ako ng bait?
Nababaliw na ba ako?
Natigil ako sa pag-iisip nang magsibukasan na ang mga pinto ng sasakyan. Nagsilabasan na silang tatlo habang naiwan lang ako sa loob.
Ito 'yong moment na dapat ay mag-soul searching na ako. Nawala na yata ang kaluluwa ko kanina eh. Hay. Nawi-weirdo-han na tuloy ako sa sarili ko lately.
Nagulat ako ng dumungaw mula sa nakabukas na pinto si Dyuswa. Seryoso siyang nakatingin sa akin.
"Ayaw mong kumain?"
Hindi pa ako nakasagot ay narinig kong tinawag na siya ni Michelle. Tinapunan lang niya ako ng tingin bago niya isinara nang pagkalakas-lakas ang pinto ng sasakyan.
Kamusta naman ang eardrums ko? Pero tang-ina! Anong problema no'n??
Inis akong lumabas ng sasakyan at saka malakas ding isinara ang pinto. Pahakbang na sana ako nang marinig kong parang may napunit. Napalingon ako sa likod. Naipit 'yong laylayan ng palda ko sa pinto. Dilang-mother! Paanong naipit iyon? Urgh!
Nagpalinga-linga ako sa paligid. Buti na lang at walang may nakakita. Pero kapag gumalaw ako, baka mahalata na ang napunit na palda ko. Nakakaloka ito. Kapag minamalas ka nga naman oo.
Gutom na ako pero hindi ko naman kayang umalis dito. Natatakot akong buksan ang pinto baka kasi may makakita sa nasira kong palda. Kaya ang ginawa ko ay sumandal na lang ako sa sasakyan.
Oo, sasandal na lang ako rito habang sila ay kumakain na roon sa loob!
Mga ilang minuto siguro akong nasa ganoong posisyon nang may dumaang dalawang lalaki. Oh no. Nakatingin lang sila sa akin.
"Miss, may hinihintay ka ba?" tanong ng isa at lumapit na sa akin.
Hindi dapat ako magpakita ng weakest point sa kanila. Act normal Purita. Kaya mo 'yan.
"Oo."
"Magkano ka ba? Baka mas kaya kong magbayad ng mahal kesa sa hinihintay mong customer?" nakangising sabi naman ng isa.
Nangaligkig ako sa pandidiri sa sinabi niya. Ang chaka-chaka kaya nila. At inakala pang pokpok ako? Mga packers sila. Huwag nila akong pino-provoke!
"Nagkakamali ho kayo."
"Sige na miss. May malapit na Sogo rito."
"Nako kuya ha! Huwag ako. Maghanap ka na lang iba," sabi ko at mas lalong idinikit ang likod ko sa sasakyan.
BINABASA MO ANG
When Dyuswa Meets Purita
UmorismoDear Dyuswa, Lagi na lang ganito. Ilang beses na ba kitang pinatawad sa paulit-ulit mong kasalanan ha? Pinatawad kita dahil sa pagmamahal ko sayo. Bat diz tym, I wheel giv up on us. I giv you ol my love. God knows where whore teeth. PS. Meet me sa h...