Part 34

13.4K 456 48
                                    

WHEN DYUSWA MEETS PURITA

PART 34

***

"Ikaw na yata ang pinakamagandang babae dito," malambing na sabi sa akin ni Dyuswa habang sinasayaw niya ako.

Ang kilig ko na umaapaw sa sinabi niya. Pakiramdam ko ay pumalakpak ang magkabilang tenga ko sa narinig. Ang saarap kayang pakinggan ang isang papuri lalo na at galing ito sa minamahal mo.

"At ikaw naman ang pinaka-gwapong lalaki hindi lang sa lugar na 'to. Kundi sa buong mundo," nakangiti ko namang sabi sa kanya habang pinaikot niya ako.

Tiningnan niya ako nang maige. Eye to eye. Nose to nose. Cheek to cheek. Hhihi. Sana hindi na matapos ang gabing ito.

"Mas gwapo pa kay Bhon?" nanunukat niyang tanong pero nakangiti pa rin.

"Oo na. Mas gwapo ka kay Bhon."

Nagulat na lang ako nang hinapit niya ang beywang ko palapit sa kanya. Nagkatinginan kami. Iisang hangin lang ang hinihinga naming. 'Yong tipong hangin na ini-exhale niya ay siya namang ini-inhale ko. At gano'n din sa kanya. Ang sweet di ba? Hihihi.

"I really want to kiss you," namamaos niyang sabi.

Hinintay ko lang ang paglapit ng mukha niya sa akin. Handa na ako. As in super handa.

***

PURITA'S POV

Bakit kaya parang wala pa ring epekto sa akin ang ilang basong wine na ininom ko? Nakakainis naman. Gustong-gusto kong sugudin ang babaeng iyon na nakakapit sa braso ng bhebhe ko. Nanggagalaiti talaga ako sa galit at inis. Muling dumaan sa akin ang waiter na may dalang inumin. Kumuha ako ng mga tatlong baso at nilagok lahat ng iyon.

"Ahhh. Ang saya!" bulalas ko.

Muntik na akong matumba nang tumayo ako. Aba't parang nasobrahan naman yata ako ng alcohol ah. Hmm. Di bale na. Mas mabuti nga 'yon. Para more powers to come. Nakita kong napatingin sa akin si Dyuswa kaya sinenyasan ko siya na lumayo sa kasama niyang hitad. Pero dedma niya lang ako. Huhuhu. Sa ganda kong ito, hindi man lang niya na-appreciate? Puwes, gagawa ako ng paraan para pansinin niya ako. Huh! Ako pa ba? Si Purita na hindi titigil hangga't hindi nakukuha ang gusto. Walang makakapigil sa akin.

Nakailang hakbang lang siguro ako at natapilok na ako. Aww. Parang nabalian na yata ako ah. Pero okay lang. Hindi ako katulad sa mga teleserye na kapag natapilok ang bidang babae eh to the rescue agad ang bidang lalaki. Duh. Sobrang lumang tugtugin na 'yon ano. Sa ngayon, kapag natapilok ka, panindigan mo. Tulad sa pag-ibig, kapag nahulog ka, feel the pain.

Pero impernes ha, masakit ang paa ko. Pero wala 'to sa sobrang inis ko sa babaeng kasama ng Dyuswa ko. Anong karapatan niyang hawak-hawakan ang bagay na dapat ako lang ang humahawak? Huh!

Paika-ika akong lumapit sa mesa kung saan sila nag-uusap kasama ang iba nilang kasama. Napatingin sila sa akin. Ipinilig ko ang aking ulo dahil bahagya na akong nahihilo. Ano ba 'yan.

Tiningnan ako ng hitad na babae mula ulo hanggang paa kaya naman nag-pose ako ng maganda.

"Maganda ba?" tanong ko sa kanya.

"Siya ba 'yong sinasabi mo sa akin na babaeng habol nang habol sa'yo babe?" tanong niya habang nakatingin kay Dyuswa.

Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. "Babe???"

"You heard me right. Boyfriend ko si Joshua kaya stay away from him," babala niya.

Tiningnan ko si Dyuswa subalit wala man lang itong reaksiyon.

When Dyuswa Meets PuritaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon